Kinabukasan, masayang nagising si Isabella, kaagad niyang kinuha ang kaniyang selpon bago in-save ang lahat ng kanilang picture ni Simon, kinikilig siya sa bawat larawan na kaniyang sini-save. Itinabi ni Isabella ang kaniyang selpon bago tumayo at handa nang mag ayos para pumasok nang bigla siyang may naisip. Kinuha niya ang kaniyang selpon at nag hanap nang magandang larawan nila ni Simon, ilang sandali pa at may napili na siya, bagamat nag aalangan, pinindot pa rin niya ang save as wallpaper. Hindi gaanong nag isip si Isabella dahil wala namang gumagamit ng kaniyang selpon at picture pa rin naman niya ang naka display sa kaniyang lockscreen. .... ... Pag dating sa eskwelahan, nakangiting naka upo si Isabella sa kaniyang klase, binigyan siya ni Lara na katabi niya nang kakaibang tingi

