CHAPTER 3: That Girl.

1576 Words
CHAPTER 3: That Girl. SI KAREN na ang pumalit sa counter matapos umalis ni Zoey pero isang hindi inaasahang customer ang lumapit sa kanya na talagang naglagay ng ngiti sa mukha niya! "Umm, miss, may I ask kung saan nagpunta iyong babae na nakapwesto rito kanina? Parang bigla kasi siyang nawala," tanong ng lalaki na kanina lang ay pinagti-tsismisan nila ni Zoey kanina. "Iyong nakapwesto rito kanina? Si Zoey ba ang tinutukoy mo?" tanong niya. "Ahh... Zoey pala ang pangalan niya, kasing ganda niya." Napangiti ito lalo nang mabanggit ang pangalan ni Zoey kaya nanlaki ang mga mata niya. "Yeah, Zoey nga yata ang pangalan niya dahil narinig ko na parang iyon nga ang itinawag sa kanya kanina no'ng manager ninyo. Nasaan siya?" tanong nito ulit. Nawala bigla ang ngiti sa mukha niya. Mukhang may nasesense siyang hindi maganda. "May crush ka ba sa kanya?" diretsahang tanong niya. Bigla namang parang namula ang mukha ni Lucas pero maya-maya ay napapangiting napakamot na lang ito sa batok nito. "To be honest, yes. I mean, sino naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Sobrang ganda niya. Unang beses ko pa lang siyang nakita e, tumibok na agad itong malikot kong puso. Hahaha! Ang corny ko ba? Pasensya ka na, first time ko lang kasi maramdaman na magkagusto ng sobra sa isang babae kaya naman pabalik-balik ako rito para lang lihim na pagmasdan siya. Ngayon nga e, maglalakas loob sana ako na lumapit sa kanya kaso bigla siyang nawala," sabi nito. Siya naman ay hindi makapaniwala. May crush kay Zoey ang lalaki na kanina pa niyang pinagnanasaan? Akala pa naman niya ay sa kanya ito nakatingin kanina pagkatapos, kay Zoey pala. Well, hindi naman niya masisisi si Lucas. Artistahin ang ganda ni Zoey. Sa tingin nga niya, kahit nasa mundo na ito ng showbiz ay mangingibabaw pa rin ang ganda nito. Kakaiba kasi ang ganda nito, to the point na halos lahat ng mga kasamahan nila sa trabaho ay ito rin ang crush. Hindi na rin bago sa pandinig niya na may customer na nagpupunta pa roon para lang makita si Zoey. Wala nga yata talagang hindi magkakagusto rito pero hindi niya inaasahan na pati ang sikat na model na si Lucas ay mapapansin din ito. Ibang level talaga ang kaibigan niya! "Wala na si Zoey, e. Kanina pa siyang nakaalis. Hayaan mo, sasabihin ko sa kanya na may gusto ka sa kanya," matabang na sabi niya. "A-ah, huwag, huwag! Ako na lang ang bahalang magsabi sa kanya! Huwag mo na lang akong banggitin," biglang sabi ni Lucas na parang nataranta. Napailing na lang siya dahil torpe rin naman pala ito. "'Di ba, may girlfriend ka na? Bakit nagkakagusto ka pa sa kaibigan ko?" prangka pa rin na tanong niya. "Girlfriend?" "Oo, girlfriend. Nakita ko kanina na may kasama kang babae. Hindi ba at girlfried mo 'yun?" nakaangat ang kilay na tanong niya. Kahit alam na niya na si Zoey ang gusto nito ay ayaw pa rin niya syempre na may iba pang makaribal bukod sa kaibigan niya. Natawa lang si Lucas. "She's not my girlfriend, okay? She's just my sister. Naikwento ko sa kanya na may pinagkakainteresan akong isang babae ngayon na nahihirapan akong lapitan at dahil nacurious siya, sinamahan niya ako rito kahit never pa siyang nakakakain sa Jollibee dati. Sa ibang bansa kasi lumaki iyon. Well, nang makita niya si Zoey kanina ay kahit siya, nagandahan din kay Zoey. Ang sabi niya ay hindi raw niya ako masisisi kung bakit ako nagkagusto sa kaibigan mo." Lumalabas na lang sa kabilang tenga niya ang mga huling sinabi nito. Ayaw niyang marinig na puro Zoey ang bukambibig nito. Sa isang iglap kasi, bumagsak na agad ang pangarap niya! "Anyway, thank you for letting me know na Zoey ang pangalan niya. And pwede bang humingi ng favor? Since you've mentioned that you're friends with her, is it okay if I get your number? I really like your friend kaya marami pa sana akong bagay na gustong malaman tungkol sa kanya. Sana okay lang sa 'yo." Manhid siya kung hindi siya maaawa sa napakacute na mukha ni Lucas. Kaya kahit ayaw niya na si Zoey ang dahilan kung bakit nito gustong kunin ang number niya ay pumayag na rin siya. Wala naman siyang choice, e. "Thanks!" Ngiting-ngiti ito nang inilagay na niya ang number niya sa cellphone nito. Iyon lamang at umalis na si Lucas, habang siya ay naghihinagpis sa pagkadismaya. Bakit ka ba masyadong maganda, Zoey? Mamigay ka naman! sigaw ng isip niya. ----- PARANG NATUTULALA pa rin hanggang ngayon si Angelo habang papasok sa loob ng Jollibee. Pakiramdam niya ay damang-dama pa rin ng kamay niya ang makurbang bewang ng babaeng nakabangga niya kanina. Malinaw na malinaw pa sa isipan niya ang magandang mukha ng babae. May pagkasingit pero bilugan ang mga mata ng babaeng iyon na napapaligiran ng mahabang pilik mata. May normal na magandang korte ang kilay nito na may kakapalan ng kaunti, matangos ang ilong nito, manipis din ang mamula- mulang labi at maputi rin ang balat nito. Parang maihahantulad nga sa isang nyebe ang kaputian nito. Sexy din ang pangangatawan ng babae at may katamtamang laki ang dibdib. May kaliitan din ang babae at normal na straight ang buhok nito na nagbibigay lang dito lalo ng innocent at cute na look. Sa kauna-unahang pagkakataon kanina, pakiramdam niya ay doon lamang niya narealize kung ano ang tunay na ibig sabihin ng salitang pag-ibig. Kanina niya nasiguro na talagang inlove nga siya dahil kung hindi, bakit ganoon kalakas ang kabog ng dibdib niya? Nababaliw na ba siya? Maiinlove na lang siya lahat e, sa isa pang estranghero? Para talaga siyang tanga! "Angelo! Nandiyan ka na pala!" Bumalik lang siya sa sarili nang bigla na siyang nakarinig ng tumawag sa kanya. Si Lucas iyon. Ang second cousin niya. Dinala na siya ni Lucas sa table ng mga ito kaya naman umupo na siya roon. Nakita niya na naroon din ang kapatid nitong si Beatrice. "Ang weird mo naman, pare, bakit sa dinami-dami ng lugar ay dito mo pa ako sa maingay na lugar na ito pinapunta? Ngayon lang tayo ulit nagkita pagkatapos mong umuwi from states tapos dito pa tayo nagmeet. Kung alam mo lang kung gaano kalakas ang tawa ko no'ng mareceive ko ang text mo na sa Jollibee mo gustong makipagkita. Para kang bumabalik sa pagkabata, e," natatawang sabi niya. Ang alam kasi niyang mahihilig sa mga Jollibee ay iyong mga bata. Magkababata sila ni Lucas. Sa ibang bansa ito nag-aral ng high school. Last two months lang itong bumalik from states at kung hindi pa niya nakita ang commercial na ginawa nito sa TV ay hindi pa niya malalaman na umuwi na pala ang loko. Katulad niya ay nasa fourth year college na dapat ito ngayon pero ang balita niya, huminto ito dahil lang masyado itong naging focus sa modeling. "Ano'ng masama sa Jollibee? Masarap naman ang pagkain dito, ah?" natatawang sabi ni Lucas. "Sus, if i know, kaya ka sarap na sarap kumain dito ay dahil palagi mong lihim na pinagmamasdan ang cashier dito!" pagbibiro ni Beatrice. "Cashier? Wait, don't tell me na kaya ka rito nakipagmeet ay dahil lang sa isang chick? Pati ba naman cashier sa isang fastfood chain ay pinapatos mo na? Nagsawa ka na ba sa mga international model, athlette o dancers na madalas na nagiging girlfriends mo? Bigla na lang bang bumaba ang taste mo?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Excuse me, she's not an ordinary girl, Angelo. Kung makikita mo lang siya, hindi mo masasabi na mahirap lang siya at nagtatrabaho rito sa Jollibee. She looks like a princess to me! Iyong mga sinasabi mong naging girlfriends ko noon? Walang sinabi sa ganda niya kung maaayusan lang siya!" pagtatanggol pa ni Lucas. "I also saw her just a while ago, Angelo. I admit, mas maganda siya kaysa sa akin," natatawa ring sabi ni Beatice na katulad ng kapatid nito ay ginagawa ring hobby ang modeling. Wala na rin siyang masabi pa. Kung kay Beatrice na nanggaling na maganda ang crush ni Lucas ay sa tingin niya, kailangan na niyang maniwala. Mataas ang standard ni Beatrice pagdating sa sinasabi nitong 'beauty' at alam niya na kahit si Beatrice mismo ay gandang-ganda sa sarili nito. Para maamin nito na ang babaeng iyon ay mas maganda pa kaysa rito, mukhang may kakaiba nga talaga sa babaeng hinahangaan ni Lucas. Biglang nagbalik sa isipan niya iyong babae kanina. Naisip niya, mayroon pa ba talagang babaeng mas hihigit sa ganda ng babaeng iyon? Napapaisip tuloy siya, may boyfriend na kaya ang babaeng iyon? Sa ganda nito, parang napakaimposible kung wala. Ano kaya ang pangalan nito? Saan kaya nakatira, ano ang trabaho o sa ano'ng klase ng pamilya nabibilang? "Angelo! Angelo!" Bigla siyang napaigtad nang mapansin na sinisigawan na pala siya ni Lucas. "Ano bang nangyayari sa 'yo, Angelo? Inaantok ka pa ba?" natatawang tanong ni Lucas. "Sorry, ano nga ulit iyong sinasabi mo?" nagtatakang tanong niya. "Ang sabi ko, liligawan ko iyong babaeng iyon at kapag napasagot ko na, ipapakilala ko rin sa 'yo para makita mo kung gaano siyang kaganda. Pero tandaan mo, bawal mo siyang agawin sa akin, ha?" sabi ni Lucas. Natawa lang siya rito. "Siya ang sabihan mo na huwag mainlove sa akin. Hindi ko makokontrol ang puso ng babaeng nagkakagusto sa akin sa unang beses pa lang na nakikita nila ako," pagyayabang niya. "Aba, loko ka, ah!" Hinagisan siya nito ng isang piraso ng fries na tinawanan lang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD