Racelle's POV Pagkababa ko ay agad akong nagtungo sa kusina upang mag-almusal. Nagmamadali akong umalis dahil may kailangan pa akong kausapin. Natigil ako nang bumungad sa akin sina mama at papa na kumakain doon. “Morning,” bati ko sa kanila at kumuha ng sandwich na inihanda nila saka ako umalis. Agad akong nagtungo sa canteen nang ako ay makarating sa Campus. Medyo inaantok pa ako dahil madaling araw ko ng nakuha ang tukog ko dahil sa kakaisip. Umupo ako sa bandang dulo upang abangan siya. Luminga-linga ako hanggang sa nakita ko ang kaniyang likod. Nag-o-order siya ng kaniyang pagkain ngunit hinanap ng mata ko kung may kasama siya pero maswerte dahil wala. Inayos ko muna ang sarili ko at inihanda ang sarili sa paglapit niya. Nang papaharap na siya ay agad naman akong tumayo at gumili

