Tristan POV Abala ako sa pags-scroll down sa f*******: posts ng isang babaeng nagugustuhan ko pero biglang nag-pop up sa screen ng phone ko ang pangalan ni William. Nagdadalawang isip pa akong i-reject ito o sagutin dahil abala ako sa pangs-stalk sa profile niya. Ni-reject ko ang una at pangalawa niyang tawag sa akin. Nag pop ang pangalan ng babaeng ito sa messenger chat head, napangiti ako dahil siya ang unang pumansin sa akin. “Thank you for the flooding my notification.” Lumapad ang ngiti ko nang mag message siya halos mapalundag na nga ako sa tuwa. Nakakabakla. Mabilis kong ipinuwesto ang daliri ko sa keyboard ng laptop ko upang akin siyang reply-an. “No problem.” nakangiti kong pinindot ang enter. Muli kong hinalikan ang kaniyang profile picture. Unang kita ko pa lang sa kan

