Racelle's POV Nakaubob ang mukha ko sa mesa habang pinapatahan ang aking sarili. Basang-basa ang buo kong mukha pati mga ang sipon ko ay tumulo na. Naramdaman ko ang presensiya ng isang babaeng tumabi sa akin at mahinang niyugyog ang balikat ko. “Miss, bawal tumambay dito kapag oras ng klase kaya bumalik ka na sa klase niyo bago ka ma-guidance.” sabi nito sa akin. Tumango ako at nang naramdaman kong wala na siya sa tabi ko ay saka ako nag-angat ng ulo at sinundan siya ng tingin pabalik sa counter. Pinunasan ko ang luha ko at uminom muna ng tubig bago lisanin ang canteen. Nakayuko ako at wala sa sariling naglalakad sa hallway na binabaybay ang daan patungong classroom. Naalala ko pa ang sinabi niya bago maging kami. Sabi ko, 'please be careful with my heart', at sumagot pa siya ng ‘I

