Racelle's POV Nanlalabo ang paningin kong nagtitipa ng mga letra upang sana ay i-send sa kaniya ngunit namanhid ang mga kamay ko. Nahulog ang cellphone ko sa sahig, nakaupo pa rin ako sa tapat ng pintuan niya. Ayokong umalis, gusto ko pa siyang kausapin kaya hangga't maaari ay dito na ako magpapalipas ng gabi kahit na pinagtitinginan ako nang mga kupuwa ka-unit niya. Tahimik akong umiiyak hanggang sa umilaw lang ang screen ng phone ko, senyales na may nag-text. Balak kong hindi na basahin pa ang mensahe ngunit wala akong magawa kundi ang basahin, nagbabakasakali akong siya ang nag-text. From: Diyosang Jerome Bakla na saan ka? Ba't hindi ka na pumasok, bigla ka na lang daw naglaho. Umuwi ka na ba? Kung oo, magpahinga ka na lang muna. Magkita-kita na lang tayo bukas. Lablab bakla. Nan

