Three weeks later… Mike POV “Aish!” inis kong maktol nang mapatitig ako sa mga ipinasang litrato sa akin ni Tristan. Napapasapo na lang ako sa aking noo at maibabato ko ang cellphone ko sa sahig dahil sa pagkadismaya. Akala ko pa naman ang dali niyang kausap, pinaasa lang ako. Tristan is active now Tamang-tama active siya. Ipinosisyon ko ang aking mga daliri upang magtipa ng sasabihin sa galungong na ito. Maayos ang aming usapan tapos puros mga manok lang ang i-sinend sa akin, wala doon ang mga hinahanap ko. “Langya ka naman dude. Bakit ganon, puros mga manok naman? Akala ko ba alam mo 'yong sinasabi ko. You disappointed me.” “Lol. Ano ba 'yong mga tinype mo? Uso back read dude. Lasing ka ata nang mag-message ka sa akin o baka naman nasa matino kang kalagayan at hindi mo napansin a

