Racelle POV Time na at nagsibalikan na ang lahat sa classroom nila maliban sa aming dalawa ni Mike. Tiningnan ko siya ngunit napatingin din siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at tinaasan niya din ako ng kilay. Iwinagayway ko ang kamay ko at iwinagayway din niya ang kamay niya. Hinampas ko ng mahina ang lamesa at ginaya niya ulit ako. Nainis na ko sa panggagaya niya kaya inirapan ko ito, laking gulat ko nang irapan niya rin ako. “Ano bang problema mo? Ba't ba nanggagaya ka?” inis kong sabi sa kaniya. Humalukipkip ito sa aking harapan. “Ano bang problema niyo?” tanong niya. “Ang pinagsimulan ng misunderstanding niyo.” dagdag niya. Bumuntong hininga ako, ipinaalala na naman niya ang nangyari. Gusto ko na ngang kalimutan para sana ay makapason na ako ngunit wala talagang sumasagi s

