Racelle POV Nagising ako nang may nakadagang mabigat na kamay sa aking tiyan, akala ko'y bato ang nakadagan roon dahil nga kanina masakit ang puson ko, naalala ko rin ang reaksyon kanina ni Kitian. Para siyang tanga kanina, nagkaka-asaran ang kaniyang inasal ang sarp tuloy ihulog sa kama. Nilingon ko siya at napatitig sa kaniyang mukha. Ang amo talaga ng mukha niya pag tulog at may pagkatulog mantika pa naman ito, ngunit napangiti ako ng malapad sa kaniyang simpleng pagyakap sa akin ngayon. Sa kabila ng pagiging bipolar, seloso at protective sa akin, at kahit hindi kami nag-imikan ng isang araw ay hindi pa rin niya ako kayang tiisin. Mahal nga ako ng YELONG hari na 'to. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakadagan, maingat ko itong ipinatong sa unan sa tabi niya. Umupo ako sa harap

