Racelle POV Saan kaya nagpunta 'yung Kitian na 'yun? Kainis naman wala akong tagabitbit. Tapos ang bigat pa ng mga ito. Sa tingin niya ba mabubuhat ko ito? Sa payat kong 'to? Anong akala niya sa akin may kapangyarihang mag teleport pauwi? Kabanas naman. Hindi ko na ang gagawin ko sa sobrang balisa ko, kaya tinawag ko na lang si kuya guard. "Kuya, may nakita po ba kayong lumabas dito na lalaki na nakakulay maroon ang damit niya tapos, ubod siya ng puti, may kasungitan ang mata niya at nakasimangot lang. Tsaka matangos ang ilong niya, 'yong buhok niya ay gulo gulo na parang hindi siya nakapagsuklay ng ilang linggo? Ano kuya, may nakita bang lalaki na ganon ang features niya?" nakatingin lang sa akin si kuya. Aba't ang haba haba ng pagkaka describe ko sa kaniya tapos ganiyan lang ang ibib

