Estella POV Hindi yata pumasok si Jerome at Racelle o baka naman gumala sila. Hays, hindi na lang sana ako nagpa late para sana ay kasama ko sila. Nakakainis dito sa loob ng classroom, ang iingay ng mga kaklase kong ewan. Hindi ko alam kung fourth year na ba sila o elementary pa lang, paano ba naman naglalaro pa sila ng tagu-taguan at habul-habulan na hindi na dapat nilalaro ng mga fourth year high school. Jusko, sumasakit ang ulo ko sa ingay nila. Imbes na magbasa ako ng mga librong dala-dala ko ay nawalan na ako ng gana. Ang ingay kasi nila kaya't pumangalumbaba na lang ako rito sa 'king arm desk habang pinapanood ko na lang silang naglalaro. Ang sipag sipag kong mag-aral at pumasok kaso kalabaliktaran naman, kung anong sipag ko mag-aral, siyang tamad naman ang mga guro namin magturo.

