Racelle POV Kinalabit ko si Tristan sa tabi ko, tumaas ng kaunti ang dalawang kilay niya at may pilit na ngiti sa labi niya. Nahiya na ako magtanong dahil sa itsura ng mukha niya, subalit nagtanong pa rin ako. Hindi naman siya siguro mangangain kapag nagtanong ako. “Beh,” tawag ko nang hindi na siya nakalingon sa akin. “Stop calling him beh,” dinig kong suway ni Kitian sa aking harapan. Narinig niya pala kahit may kahinaan lang ang pagtawag ko ng ‘beh’ sa kaniya. “Oh bakit Race?” tanong niya. “Pwede bang mauna na tayo? Hindi ko na kaya ang toxic kasama si Yvonne.” sabi ko. Nilingon namin parehas ang nasa harap namin. Sobrang lapad ng ngiti ni Yvonne, naniningkit na ito. Samantalang si Kitian ay pilit na ngiti ang nakaguhit sa kaniyang labi habang may ngipin pang nakalabas. “Bagay b

