Racelle POV “Ginawa ko lang naman 'yon para sumaya ka e, para…” hindi na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita muli siya. Talagang mali ang ginawa ko. “Hindi ako humihingi sa 'yo ng pabor para pasayahin mo ako, Racelle. Kahit mahal kita, wala akong balak maghanap ng iba. Makakalimutan ko ang nararamdaman ko sa sarili kong paraan, hindi yong…” napatigil siya. Tiningnan niya ako ng blangko. Ang napakainosinte niyang mata ay nag-aalab na sa galit. Marahil hindi nga talaga niya nagustuhan ang ginawa ko. “So—” agad siyang umalis nang hihingi na sana ako ng paumanhin. “Pakialamera kasi,” panlalait nang isang babaeng nakahalukipkip sa harap ko. “Race,” tawag nila Estella subalit hindi ko sila nilingon. Humakbang din ako ng ilan upang mahabol pa si Tristan ngunit napakalayo na niya. Hindi

