Kitian POV Lumabas ako para bigyan sila ng privacy kahit nagseselos na ako ng sobra. Sinong hindi magseselos kung puro na lang Tristan ang bukambibig niya? Siya pa ang laging nagtatanong kung mahal ko ba siya, o kung may babae ba ako samantalang siya hindi ko alam kung mahal nga ba niya ako. Minsan hindi ko maiwasan manghinala sa nararamdaman ni Racelle. Mahal na mahal ko siya, sobra at hindi ko kayang mawala siya sa piling ko. Napailing na lang ako sa mga naiisip ko, imposible namang hindi niya ako mahal. Kung hindi niya ako mahal, hindi na sana niya ako sinagot pa. Imbes na magpunta ako sa canteen para bilhan sila nang pagkain ngunit narinig ko silang nagtatawanan. Kumirot ang puso ko sa narinig kong kasiyahan nila. Para na akong babae ditong nagdra-drama sa aking nararamdaman, per

