Racelle POV Dahan-dahan kong hinahaplos ang buhok niya sa sofa, nakaupo ako ngayon sa sahig inaantay ang kaniyang paggising upang makakain na. Paniguradong masakit ang ulo nito mamaya dahil napadami siya ng nainom. Umiling iling na lang ako habang pinapadaosdos ko ang daliri ko sa makapal niyang kilay. “Bakit mo pa kasi kailangang idaan sa paglalasing para sabihin mo sa akin 'yong nararamdaman mo? Ikaw talaga baby boy, alagain ka din ng baby girl mo.” kausap ko sa mahimbing na tulog ng yelong hari ng buhay ko. “Babawi ako. Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang isinisigaw ng puso ko. Gaya nga ng kantang lagi mong kinakanta na… Ikaw ang pag-ibig na binigay sa akin ng may kapal, biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pag-ibig ko'y ikaw…” pakanta kong sabi habang patuloy pa rin ako sa paghaplos ng b

