Racelle POV *SUNDAY* Wednesday, Thursday, Friday, Saturday, Sunday, limang araw akong nagpahinga at hindi na pumasok. "Ang boring!" maktol ko at napahampas sa braso ni Kitian na ngayon ay nakahiga sa sofa. "Problema mo?" inis nitong sabi nang magising siya. "Nabo-boring ako baby boy," reklamo ko. Tamad siyang bumangon at isinubsob ang kaniyang mukha sa aking balikat. "Labas na lang tayo, tutal okay na 'tong paa ko." sabi ko. Nakakabagot naman ng mamalagi sa bahay, yong feeling na mas nakaka depress pag hindi ka man lang nakalabas ng bahay kahit minsan lang. "Aish! Gabi na, lalabas pa tayo?" tanong niya, itinulak ko ang ulo niyang nakasubsob sa balikat ko kaya napahiga siyang muli sa sofa. "Asih!" maktol niya. "7/11 na lang tayo pumunta, magsasara naman na rin ang mall." suhestyon

