Racelle's POV "s**t!" malutong kong mura sa hindi ko inaasahang mabubuhusan ako. Inamoy ko ang damit ko at ang banghi banghi ko na. Napatingala ako sa second floor ng building at nakangiting kumaway kaway pa si Yvonne sa akin. Gigil na gigil ko siyang itinuro. "Inaano ba kita!" sigaw ko sa kaniya. Napatakip siya ng ilong niya at ngumisi. "Oh my! Don't talk to me, amoy na amoy ko ang banghi mo hanggang dito." "Tsk! Dapat ikaw nga 'yong buhusan dito eh." bulong ko. Napahilamos na lang ako sa mukha ko at hinding hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hiyang-hiya naman akong napapatingin sa mga estudyante na tinitignan ako sabay takip ng ilong nila. I know right, naligo na naman ako. Ang bango nga eh, ang bango-bango! Sa sobrang bango ko mapapatakip silang lahat. Nakakahilo! "Malandi

