~•~ Racelle's POV *FRIDAY* "Anak, mag-iingat ka." bilin ni mama sa akin dahil paalis na ako ng bahay. Si papa, umalis na. Nasa office na niya at nagtra-trabaho. Si mama lang ang naiiwan dito, siya ang naglilinis at kung ano ano pang gawaing bahay, pagkatapos non aasikasuhin niya ang magandang garden na inaalagaan niya. "Opo ma, kayo din po mag-iingat." paalam ko at bumeso kay mama sabay alis ko na ng bahay. Naglalakad pa lang ako sa kanto ng may tumapat na sa aking tricycle. Sumakay ako hanggang sa nakarating na naman ako sa famous academy. Pagpasok ko sa campus, tinginan na naman sila sa akin. Yumuko na lang ako at pumasok sa classroom. Tahimik lang akong naupo, wala pang tao. Ako pa lang ang nasa classroom. Napabuntong hininga ako sabay subsob ko ng mukha ko sa arm desk ko. Nag

