4

1244 Words
Jewel's point of view "Meeting adjourned, " Darn, mas mahirap pa 'to sa inaakala ko. Sana pinag-start ako ni Daddy Gavin sa mababang position. Ang hirap pala na bigla kang ilalagay sa mataas na pwesto. Ang daming kailangang aralan, ang daming kailangang kausapin at maraming trabaho. " Lady Jew, okay ka lang?" tanong ni Cholo sa 'kin, s/he's my secretary. "I'm okay. May next meeting pa ba ako?" I asked. 2 weeks na ako rito, bakit 'di pa nagpapakita ang mga 'yun. Puro meeting, puro paper works. Darn, halos 'di ko nga maipasyal ang anak ko sa sobrang hectic ng schedule ko. Kulang na lang hindi nila ako pauwiin. "Yes lady with mr and mrs Tiu," sabi ni Cholo. Tiu? Don't tell me magulang nang kabit ng mister ko ang ka-meeting ko. Kung minamalas ka nga naman. Sila pa talaga ang una kong makikita hindi ang anak nila. "Para saan?" "Lady for investment po 'yan. 500 million for their company expantion. Nasabi na po 'yan sa akin nung in-orient ako ng dating secretary ng acting CEO. Signature na lang ang kulang approved na din ni mr. Ivan Clemente. Ang asawa niyo po," 500 million, huh. Let's see. "Call them now, Cholo. I want them immediately in my office," utos ko. Tinignan ko ang oras bago hinarap si Cholo. "I want them at exactly 2pm. " "Pero lady 1:40-" "I don't care. Sila ang may kailangan hindi ako. They need to be here or cancel the meeting!" sabi ko bago tumayo para pumunta sa office ko. Damn you, 500 million para sa pamilya ng mistress mo! Tsk. Let's see kung 'di ka pa umuwi pag nalaman mo ang gagawin ko . Natigil ako sa pag iisip ng tumunog ang phone ko. Pagkakita ko sa pangalan ni Sean 'di ko mapigilang ngumiti. "Seannnnn, huhuhu!! I need a break. Hindi ako pinagpapahinga rito," arte ko sa kanya. Narinig ko naman ang tawa niya sa kabilang linya. "Cupcake, paano ka irerespeto dyan. Pag para kang bata? haha, umayos ka. Poker face dapat. Lady boss," natatawang sabi nito. "Nakasara kaya ang pinto and I missed you. Kailan ka uuwi? sabi mo uuwi ka last week! Naghintay kaya kami ni Zhaika," malambing kong sabi. "Hahaha ang cute mo talaga. Nagkaproblema lang dito sa Japan. Kamusta pala ang pagiging CEO?" He asked. "Nakakapagod puro meeting. Tapos pag- uwi ng bahay need ko pa aralin yung mga papers kung approve ba or not. Sean uwi ka na ipasyal natin si Zhaika baka nagtatampo na 'yun. 'Di ko na sya nahaharap," sabi ko. Narinig ko naman ang malalim nyang paghinga. Inis yan o galit. Kilala ko na siya at alam kong naiinis na 'yan. "She's your priority, Jewel. f**k that company! kahit malugi pa 'yan hindi ikakahirap ng gago mong asawa! " galit na sabi nito. Siya ngang may sariling kompanya nabibigyan ng time si Zhaika. Ako pa kaya? "Sorry na. Ayoko lang mapahiya kay Daddy Gavin. He gave me his trust to run this company, " paliwanag ko, "Huwag ka ng magalit," lambing ko. "I'm not mad, Jewel. Naiinis lang ako dahil wala ako jan for Zhaika. Let's set a date next week. Clear your schedule for 2 days," he commanded . "2 days? Saan tayo pupunta?" "Sa Boracay. Gusto kitang makitang nakabikini. Hahahaha" pang-aasar nito. Baliw talaga bilis magbago ng mode . "Maniac," natatawang sabi ko "Biro lang ito naman. Pero pwede -excuse me sir . Don't you know how to knock? I'm sorry sir but mr. Kurushi is here . Tsk. Tell him to wait . Okay sir .- Cupcake nandyan ka pa?" Balik nito sakin pagkatapos makipag usap "Ang sungit mo naman sa kausap mo. Sige na may meeting ka pa ata. Tawagan mo ko mamaya huh pag nasa bahay na ako," request ko rito. " They can wait," sabi pa nito sa akin. " Mukhang importante yun. Mamaya na lang usap ulit tayo may meeting din ako. Byeee Sean. I missed you," malambing kong sabi dito. "I missed you too. I call you later. Love you!" huling sabi nito bago pinatay agad ang tawag. Cheater na ba ako pag nag-eenjoy ako sa ibang lalaki habang may asawa ako? Haytzzz . Knockkk-knockkk "Lady Jewel, nandito na si mr and mrs Tiu." "Let them in, Cholo." pagkasabi ko 'yun. Nakita kong nilakihan nya ang pagbukas sa pinto ng office ko. Dahil hindi naman ako pinalaking bastos ng magulang ko at mas matanda sila sa akin tumayo ako. "Good afternoon mr and mrs Tiu, " sabi ko at nilahad ang kamay ko pero tinaasan lang ako ng kilay ng ginang. Habang ang lalaki naman ay nakatingin lang sa akin pataas -pababa . Tsk . "Who are you? We are expecting mr. John." sabi ni Mrs.Tiu. John was the acting CEO . Bastusan din naman. Kaya umupo na lang ako at tinignan ko si Cholo. "She is Jewel Veñigo Clemente the new CEO of this company, " sabat ni cholo. Nakita kong nagulat ang ginang sa narinig. Ang lalaki naman ay matiim na nakatingin sakin. "The EX-WIFE," nakangising sabi ni mrs Tiu. Nginitian ko siya. "You're wrong ma'am. I'm still his wife. " Double kill Savage VICTORY Natatawa ako sa iniisip ko dahil sa mukha ng dalawa. Anong akala nila papa-api ako. Nope, Hindi ako si Cinderella. "Ehemm. Dala namin ang papers para mapirmahan na. No need to read it pirmahan mo na lang. Napag-aralan na yan ng dating CEO at na approved na din yan ni Ivan, " Sabi ni Mr. Tiu. Nilagay nila sa harap ko ang envelope. "Sorry not sorry, Mr. Tiu. I'm afraid I can't do what you want me to do. 500 million isn't a joke. Hindi ko ibibigay 'yun sa isang companya lalo sa pamilya pa ng kabit ng asawa ko," walang emotion kong sabi sa harap nila. "My daughter is not a mistress. Mahal siya ng asawa mo. Accept that!" malakas na sabi ni Mrs. Tiu. Tinignan ko sa mata si Mrs. Tiu. " Anong tawag mo sa babaeng nagpapakama sa lalaking may asawa? Tell me Mrs. Tiu baka may ibang tawag na hindi ko alam bukod sa kabit," matigas na sabi ko. Itataas na sana ng lalaki ang kamay nya para sampalin ako ng malakas kong hinampas ang mesa ko. "Try to lay a finger on me mr. Tiu. I will make sure that you'll suffer. Sisiguraduhin kong walang matitira kahit isang kusing sa bulsa mo - kahit si Ivan walang magagawa. Kahit ang anak mong kabit ipapakulong ko. Magsasama kayo sa kulugan," galit na sabi ko. Tiim bagang naman itong binaba ang kamay nya. "Makakarating to kay Ivan!" panakot na sabi ni mrs Tiu. Pwes, kung galit sila. Mas galit ako. Anong klaseng magulang ang kokonsentehin ang maling ginagawa ng anak. Damn them. Dahil sa kanila lumalaki ang anak ko na walang ama. Dahil sa anak nila. "Makakaalis na kayo. Kung manlilimos kayo sa kalsada na lang. Hindi tutulong ang COMPANY KO, " hindi ko mapigilan ang galit ko. "Cholo, call the security . " "Pagbabayaran mo ang pangbabastos mo sa amin. Sisiguraduhin kung makakarating ito kay Ivan," I smirked at mr. Tiu "How much? Name your price, mr. Tiu. I am more than willing to pay," nakangising sabi ko. Pagalit nila akong tinalikuran. Umupo ako at pumikit. Warm up pa lang yan. Crixa Tiu tignan natin kung hanggan saan ka. Kahit anong mangyari damay ang magulang mo. Hinding hindi ko ibibigay ang 500 million. Wala kayong makukuha sa pagmamay-ari ng anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD