3

1273 Words
Jewel's POV Ngayon ang araw na ipapakilala ako sa company ni Ivan. Ito yung company ni Popsy na pinamana sa kanya. At pag-aari ko rin dahil ako ang legal na asawa. "Sean, wish me luck." sabi ko sa driver ko na si Sean. Nagpumilit siyang ihatid ako ngayon. Hindi na ako tumanggi dahil kailangan ko ng magpapalakas ng loob sa akin. At siya lang ang makakagawa nun, dahil alam niya ang nararamdaman ko. Saksi siya sa pag-iyak ko sa panahong hindi ako pinili ng asawa ko. "Hindi mo kailangan ng luck. Be brave, Cupcake. Don't trust anyone inside. Tandaan mo tauhan ng gago mong asawa ang mga nandyan, lahat ng gagawin mo pwedeng makarating sa gago mong asawa para mapaalis ka dyan. Trust no one," he said while driving. " I know, their loyalty is for Ivan." I said. " May isang bagay kang dapat sundin...." sabi nito pagkahinto ng sasakyan sa parking lot ng MGC building . "What?" "Bawal manlalaki. Ako lang ang dapat na kabit mo. Hahaha," sinamaan ko sya ng tingin pero tinawanan lang ako nito. Ito napaka ewan minsan. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o hindi. "Baba na. Goodluck, Cupcake!" tumingin ako kay sean. Ang laki na ng naitulong niya sa akin at sa anak ko. "Thank you sa paghatid sakin. Kailan alis mo?" tanong ko sa kanya. "Bakit miss mo na ako? Haha cupcake parang ayaw ko na umalis, dito na lang kaya ako. Pwede akong maging secretary mo, " natatawang sabi nito. "Tsk," bababa na sana ako ng sasakyan ng magsalita siya. "Cupcake, pa-charge ilang linggo ulit ako mawawala. Pagkatapos dito deretcho na ako sa airport," nanlalambing ang loko. Sa ilang taon na nakasama ko siya lagi na lang ganito. Walang pagbabago mula nuong high school kami. Hindi na ako nag inarte ako, ako na mismo ang yumakap sa kanya. " Sean, balik ka agad, huh.Huwag kang magtatagal duon. Isipin mo mamimiss ka ni Zhaika. Mamimiss kita, hindi ka pwede magtagal duon. Hahanapin ka ni Zhaika," paglalambing ko. "Mamimiss din kita. Just call me if you need anything. Kahit nasa gitna pa ako ng meeting uuwi agad ako," sabi nito at tinapik ang pisngi ko, "Smile" "I need you here. What if-----" "Cupcake, you'll be okay. Ganito na lang pag miss na miss mo na ako uuwi ako agad. Smile na, ang pangit mo na natalo ka na ng girlfriend kong si Zhaika." Hinampas ko ang dibdib nya bago sya niyakap ulit. "Mamimiss ka namin ni baby Zhaika. Tatawag ka, huh. Wag kang papalipas ng gutom duon, isusumbong kita kay tita. Bawal mambabae dapat kami lang ni Zhaika ang mahal mo," parang bata kong sabi na ikinatawa nya. Ayaw ko mang aminin dahil alam kong mali at may asawa na ako. Pero gusto ko si Sean hindi ko alam kung mahal ko sya pero komportable na ako sa kanya. I like him, that's for sure. "Hahaha, ikaw lang sapat na. Mamimiss ko rin kayo ni Zhaika. Wag mo na akong isumbong kay mama lagi akong pinapagalitan nun nagseselos na ako, parang mas anak ka pa niya sa akin." "Haha ang ganda ko kasi. Ba-bye na. Mag ingat ka sa byahe. Tawagan mo ko pag nakarating ka na sa Japan," sabi ko bago humalik sa pisngi nya. "Yes, Boss. Tatawagan ko si Jhaydon para siya ang sumundo sayo mamaya. Ingat ka mamahalin mo pa ako," habol nya pagkababa ko. "Whatever . Byeeeee.mwachhhhh," sabi ko sabay flying kiss pa. "Haha cute. Sama ka nalang kaya sa akin," natatawang sabi niya. "Shoooo-shoooo malalate ka na sa flight mo, " pagpapa alis ko sakanya. Gamit ang kamay ay pinapalapit ako sa kanya kaya nilapit ko ang mukha ko sa bintana ng kotse nya. "Goodbye kiss mo wala pa. Come closer," he said. Napailing na lang ako bago lumapit. Pagkahalik nya sa pisngi ko ay namaalam na sya agad. "Bye -love you," Huling sabi nito bago umalis agad. Tsk, hindi man lang hinintay ang sagot ko. I love myself too. Inayus ko muna ang black fitted dress ko bago maglakad papasok. "Goodmorning, ma'am Jewel. Nasabi na po ni sir Gavin ang pagdating niyo. This way po ma'am," sabi ng lalaking humarang sa akin pagpasok ko pa lang ng building . Hindi ako ngumiti. "What is your name?" I asked him. "Cholo Siapno po, ma'am Jewel. Newly hired po para maging secretary nyo," pinagmasdan ko sya habang naglalakad. Tsk. "Be yourself cholo," gulat naman syang huminto at tumingin sa akin. "Ma'am?" Kinakabahang sabi nito. "I love gays. Hindi mo kailangan magpanggap na lalaking lalaki, kita ko sa lakad at daliri mo na pumipilantik pa. Just do your job -hindi problema ang pagiging bakla mo," sabi ko ng hindi ngumingiti bago ko sya lampasan. "Ohhh goshhh akala ko matatanggal ako first day ko pa naman- . Buti na lang ang bait ni ma'am. Thank you god ," bulong nito na rinig ko naman. "Cholo!" "Yes ma'am?" "Hindi ka ba sasakay? Balak mong maiwan dyan?" tanong ko ng hindi pa siya pumapasok sa elevator, muntik na akong matawa ng pumasok sya na pakendeng kendeng pa. At pindutin ang floor number na nakataas ang hinlalaki. "Dumating na ba si daddy ?" tanong ko dito. Pero wala ata siya sa sarili niya. "Sino po ma'am?" Balik na tanong nito. Kaya nilabas ko ang phone ko para tawagan si Daddy. Sinagot naman nito agad ang tawag at sinabing nandun na sya sa board room together with Erza. Pagdating ko sa board room ay completo na ang lahat. Pumasok ako ng walang pag aalinlangan. Wala rin akong emosyong pinakita. Hinila ni Cholo ang upuan na para sa akin. Kasabay nuon ay ang pagtayo ni Daddy. "You're late ate, " Erza whispered nasa tabi ko siya. "What are doing here?" I asked her. "I just want to see you handle everything," malditang sabi nya. Tumahimik na lang ako. "Where's my husband and her b***h?" Tinanong ko si Erza na tulad ko hindi nakikinig sa sinasabi ni daddy. "They aren't coming ate! "sagot nito. Tsk, magsaya lang sila. Dahil pagdating nila dito lahat guguluhin ko. " Si Jewel ang mamamahala ng kompanya dito sa pilipinas. She is the new CEO of this company here in the philippines," rinig kong sabi ni Daddy. "Sino sya? At alam ba ito ni Ivan? Alam niya bang magpatakbo ng companya?" "Oo nga? Hindi sya kilala sa business industry. " "Hindi magugustuhan ni sir Ivan-" Tumayo ako tumabi kay Daddy. "I'm Ivan's wife isn't that enough reason to be a CEO here? Well, let me introduce myself gentlemen. I am JEWEL VEÑIGO CLEMENTE. Tyrone veñigo and May Jheyzhel Veñigo are my parents. Pagmamay ari ng pamilya ko ang Veñigo agency, Veñigo corporation and Helliz clothing line na sikat ngayon sa Asia." Gulat sila sa sinabi ko. Nakangisi naman si Erza na mahinang pumapalakpak pa. Habang si Daddy ay hinayaan akong magsalita. " And Ivan Gavin Clemente is my husband. Kung anong pagmamay-ari niya ay sa akin din. Meaning, I own this company too, you don't have any rights to complain...." "Sorry miss Jewel." "Sorry ma'am." "Sorry miss." " Dont question my capability to run this company ... Am i clear?" Seryoso kong sabi. "Yes mis----" "Call her lady jewel or lady Jew," malditang sabat ni Erza bago lumapit sakit at bumulong, "Ate, lady Jewel suits you. That was great. Hell c*m back, sis." Yeah HELLcum Back to me. Hell talaga ang haharapin ni Crixa kung haharang siya sa dadaanan ko. Wala akong paki kung magpakasal pa sila ng asawa ko. Basta kukunin ko ang akin. Ang para sa anak ko, sisiguraduhin ko na hindi papakinabangan ng babaeng yun ang ari arian ng asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD