Chapter 35 MAXINE’S POV NAKATAYO malapit sa kanyang kabaong, makita ko palang siyang nasa kabaong ay sumisikip ang aking dibdib. Life is so unfair, pero wala tayong magagawa kundi tanggapin na lang. Ako? Ganun na nga ang ginagawa ko. Moving on, hindi magugustuhan ni Mamita kung manatili ako sa ganitong sitwasyon. To think, dahil sa nangyari ay hindi ako makapag-isip ng matino. “Naalala niyo ba noon, pumuslit tayo sa kusina niya para kumuha ng cookies na gawa niya?” Mangiyak na wika ni Joey. “Dahil naubos natin iyon ay pinalo niya tayo sa pwet.” Pinagpatuloy naman ni Ice. Nang malaman nila ang nangyari ay nagmadali silang puntahan dito sa bahay upang nakikiramay. Mahinang tumawa ako—hindi nga lang kagaya ng dati, naalala ko pa iyon. Sabay pa nga kaming umiyak. Ilang sandali na nagkausa

