Chapter 34 CEDRIC’S POV Dahil sa nangyari kay Maxine ay hiniling na lamang niya na ipagtapat sa kanyang magulang ang totoong nangyari sa kanya. Gulat at takot ang naramdaman ng mag-asawang El’Greco. Nawala na nga sa kanila ang isa sa miyembro ng pamilya ay nanganganib rin ang buhay ng kanilang anak. Of course, nagalit din sila sa amin, bakit raw hindi namin pinagtapat sa kanila ang totoo. Pagkatapos namin mag-usap ng mag-asawa ay inihatid ko muna si Maxine sa kanyang kwarto. I know she’s exhausted right now dahil sa mga nangyayari sa kanya. “So this is a good bye then…?” It was more like a question than a statement, bakas parin sa kanyang mata na galing siya sa pag-iyak. “Yes. Pero babalikan kita bukas. I need to report something to my boss.” “D-Di ba tapos na ang kaso kong ito?” She

