AEXL POV Magkasama kami ngayon ni Gwyneth dito sa cafeteria habang kumakain. Matagal ko na rin s'yang nililigawan at hindi naman sa nagmamadali ako pero kailangan ba talaga na umabot ng buwan ang panliligaw? Bukod doon ay may ilang mga pagbabago kay Gwyneth na napapansin ko kagaya na lang ng paggiging mainitin ng ulo n'ya, minsan naman nagiging crybaby s'ya at minsan naman ay nagiging clingy s'ya. ''Aexl?'' tawag nito sa akin habang kumakain s'ya kaya naman napatingin ako sa kan'ya. ''Yes?" tanong ko . ''Umalis ka diyansa harapan ko, 'wag kang didikit sa akin o magpapakita. Naaalibadbaran ako sa'yo,'' sabi nito na ikinat*nga ko. Naaalibadbaran s'ya sa akin? Sa gwapo kong ito!? ''P-Pero Gwyneth—'' Nang matigil ako nang malakas n'yang ibinagsak sa lamesa ang kutsara at tinidor na hawak

