GWYNETH POV Hindi ko alam na sobrang haba pala ng magiging byahe namin ni Aexl para mapuntahan lang ito kaya hindi nakakapagtaka na inabot kami ng gabi plus the fact na hindi maitatago na nag cutting kami. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din nasasabi kay Aexl na buntis ako. Nagi-guilty naman ako kasama na din ang pang aaway ko sa kan'ya. Aaminin ko na kahit ako ay naguguluhan na rin sa mga inaakto ko at tama s'ya dahil pabago bago nga ang mood ko pero dala iyon ng pagbubuntis ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga liwanag na nakikita ko sa may baba dahil sa mga bahay. Gabi na ngayon kaya naman napaka gandang tignan. Mag iisang oras na kami dito ni Aexl pero hanggang ngayon ay tahimik pa din s'ya at nakatingin lang din sa baba. Pinagkatitigan ko ang mukha ni Aexl at hindi ako makapaniwala n

