AEXL POV Nandito ako sa labas ng bahay nina Gwyneth at kahit na nakita na ako ng mga magulang n'ya ay hindi nila ako pinapasok na para bang hindi nila ako nakita. Ayaw talaga nilang ilabas si Gwyneth. Huling beses pa. Huling beses pa na susubukan ko na magmakaawa sa kanila para ibalik nila sa akin si Gwyneth. Kailangan ko s'ya. Kailangan ko ang magiging pamilya ko. Lumapit ako sa loob ng bahay at kumatok pero hindi nila ako pinagbuksan ng pinto. ''Gwyneth!'' tawag ko sa labas ng bahay nila pero walang sumasagot. ''Aling Minda, Mang Rene, ilabas niyo si Gwyneth. Kailangan ko ang pamilya ko, nakikiusap akos a inyo!" naiiyak na sigaw ko sabay kalampag ng pinto. Halos magwala na ako sa labas ng bahay nila pero ayaw nila akong labasin! Ayaw nilang ipakita sa akin si Gwyneth! ''Ilabas niyo s

