CHAPTER 1
Sa saliw ng romantikong musika ay pinagsaluhan naming dalawa ang aming sayaw. Nakayakap ang kanyang braso sa aking maliit na baywang habang ang malaya nyang kamay ay nakataas at hawak ang akin. Ang isa ko namang braso ay nakakunyapit sa kanyang balikat.
Tila nag isa ang aming mga katawan. Magkadikit ang aming mga pisngi...ang aking mga dibdib ay nakadiin sa kanya...habang aming mga paa ay tila nag uusap at humahakbang nang sinkronado sa romantikong musika.
Bahagya nitong inilayo ang kanyang mukha at pinagmasdan ako ng kanyang maamong mata,
"Babe, I love you,"
"I love you too, Babe," nakangiti kong tugon
Hinawi nya ang iilang hibla ng aking buhok na tumatakip sa aking mukha at isiniksik sa likod ng aking tainga. Mula sa aking tainga ay ibinaba nya ang kanyang kamay patungo sa aking batok at hinila ako palapit sa kanya. Habang lalong humigpit ang kanyang pagkakayap sa aking baywang at tila mas idiniin sa kanyang matikas na katawan. Saka ay unti unti nyang inilapit ang kanyang mukha sa akin.
Halos magkabuhul buhol ang t***k ng aking puso. Ipinikit ko ang aking mga mata at bahagyang inawang ang aking mga labi. Ilang sandali ay naglapat ang aming mga labi....
"Rring!!! Rring!!!"
Agad akong napaigtad sa lakas ng tunog ng aking celphone. Nagmamadali akong nagtungo malapit sa bedside table...
"Ahhh!"
Dahil sa pagkataranta ay naapakan ng aking paa ang laylayan ng kumot na aking hawak. Nawalan ako ng balanse kaya naman muntikan na akong napasubsob sa bedside table. Buti na lang at naisangga ko ang aking mga kamay
"Araaay...."
Napaupo ako sa carpeted na sahig at kinuha ang aking celphone habang iniinda ang sakit ng aking kamay
"Tessa! Nasaan ka na ba?! Bakit ang tagal tagal mong sagutin ang tawag ko?!" singhal ni Mr Cortes
Napapikit ako at napangiwi sa lakas ng kanyang boses
"Ser, kanina pa po ako nandito sa bahay ni Babe...eh este! Sir William,"
"Naku Tessa, pinagpapantasyahan mo na naman ba ang amo natin?!"
Napahilot ako sa aking noo
"Tessa, kalimutan mo na yang pagpapantasya sa ating amo... magfocus ka sa trabaho!"
"Ser... humahanga lang naman po ako kay Babe... At tsaka hindi ko naman po pinapabayaan ang aking trabaho,"
"Nalinis ko na ang banyo...ang kusina...nailigpit ko na rin ang mga kalat...at nakapag vacuum na ako ng sahig. Masama bang magmunimuni muna ako kay Babe?" dagdag ko
"Babe, babe ka dyan! Ni hindi ka nga kilala ng boss natin!" pang uuyam nito
Napairap tuloy ko. Basag trip naman itong si Ser Cortes!
"Sya nga pala, nagluto ka na ba?"
Umiling ako, "Hindi pa Ser, pasado alas kwatro pa lang kasi,"
"Good. Kaya din ako napatawag agad dahil gusto ni Sir William na ipagluto mo ulit raw sya ng spaghetti tulad noong nakaraang linggo. In fairness, paborito nya ang luto mo,"
Agad gumuhit ang ngiti sa aking labi, "Talaga Ser?!"
Ngunit nang mapansin ko ang bra at napunit na panty sa isang tabi ay unti unti ring naglaho ang aking ngiti. Kanina ay napansin ko na ito at kasama sa aking mga iniligpit,
"Kaso...silang dalawa lang naman ang kakain," mahina kong sambit.
"Sya lang ang kakain ngayon,"
Para akong tanga na biglang nabuhayan ng pag asa, "Talaga Ser?! Wala syang kasamang babae ngayon?"
Kung tutuusin ay hindi na bago sa akin na talagang playboy ang aking amo. Sa halos anim na buwan kong paninilbihan sa kanya ay halos araw araw na nagluluto ako ng pagkain para sa dalawang tao.
Sanay na rin akong makakita ng mga napunit na panty at nightie ng babae sa tuwing ako'y maglilinis. Yun nga lang, walang babaeng nakatira dito sa kanyang condo unit. Wala rin kasi akong kilala na talagang nobya nya.
Kung tutuusin hindi ko pa rin naman nakikita at nakikilala ang amo ko. Ni apelyido nito ay hindi ko rin alam. Masyado raw kasi itong private sabi ni Mr Cortes.
Pero ewan ko ba kung bakit ang lakas ng tama ko sa kanya! Maliban sa iniwan nyang 'Thank You' note para sa akin noon ay wala naman akong naging interaksyon sa kanya. Para tuloy akong tanga na nagseselos kapag naiisip kong may kasama ulit syang babae.
"Tessa, paalala lang. Kalimutan mo na yang paghanga hanga mo kay Sir William. Tandaan mo, tauhan nya lang tayo. Iba ang mundo nya...at malayong pansinin ka nya. Kaya gawin mo lang ang trabaho mo,"
Napalunok ako. Ang sakit naman ng mga sinabi ni Ser Cortes, pero masakit talaga ang katotohanan
"Sige na, tapusin mo na dyan bago ka pa maabutan ng amo natin," dagdag nito
Tumango ako, "Sige Ser,"
Pinatay na nito ang tawag habang agad na akong tumayo at tinapos ligpitin ang kama ni Babe. Kailangan ko nang bilisan dahil ang gusto ng aking amo ay wala syang madaratnan dito pagdating nya.
Dumiretso na ako sa kusina at nagsimulang magluto. Pinilit ko munang kalimutan ang mga sinabi ni Mr Cortes, bagkus, ay buong pagmamahal kong inihanda ang kakainin ng aking Babe.
Napahagikgik tuloy ako sa kilig, "Ganyan dapat Tessa, happy lang,"
Napansin kong may harina at ibang sangkap sa kusina, kaya nagpasya akong gumawa rin ng mga cupcakes para sa aking Babe. Tiyak ay pagod yun mula sa trabaho. Napaka hardworking pa naman ng Babe ko.
Matagal ko nang pangarap na maging isang pastry chef, pero dahil kailangan kong magtrabaho agad ay hindi na ako nakapagtuloy sa kolehiyo. Gayunpaman, natuto akong magbake dahil sa pagtulong ko kay Ate Megan. Kaibigan sya ng isa ko pang amo na si Ate Kate. May-ari sya ng isang coffee shop at tuwing may bakante akong oras ay tumutulong ako sa kanya. Bukod sa may kinikita ako ay natututo rin ako sa baking.
Alas singko y media na nang matapos ako sa aking mga gawain. Inihain ko ang mga pagkain nang maayos sa mesa at tinakpan ng food cover. Habang inilagay ko naman ang mga cupcakes sa cake stand at tinakpan din glass cover.
"Ayan Babe, sinarapan ko ang pagluluto. Kain ka nang maayos ha, love you!" Sa kabila ng aking pagod ay talagang sumasaya ang aking kalooban dahil sa aking Babe.
Nang masigurong maayos ang bahay ay nagpasya na akong umalis.
Tamang tama lang dahil marahil ay paalis pa lamang si Babe mula sa kanyang opisina. Ang kwento kasi sa akin ni Mr Cortes ay nagtatrabaho si Babe sa kumpanya ng kanilang pamilya at karaniwan itong umuuwi ng alas sais kaya dapat ay wala na ako sa bahay nang oras na iyon.
Pinindot ko ang elevator upang makababa na sa gusali. Paakyat ang elevator nang huminto ito sa aking palapag. Ilang sandali pa ay iniluwal ng elevator ang isang lalaki.
Ngayon ko lang ito nakita. Pero dahil nagmamadali ako ay hindi ko na rin nagawang bumati dito. Agad akong pumasok nang humakbang na ito palabas.
Kailangan ko kasing pumunta sa coffee shop ni Ate Megan para sa susunod kong raket ngayong araw.
Bago magsara ang pinto ng elevator ay sandali kong napagmasdan ang lalaki sa kanyang side view. Matangkad ito at mestizo. Habang nakasuot ito ng polo shirt at pants. Hindi naman ito siguro si Babe kasi maaga pa at tiyak ay nakasuot yun ng suit dahil galing yun sa trabaho. Marahil ay kapitbahay siguro ito ni Babe.
Nang sumara ang elevator ay inihatid ako nito pababa sa main lobby hanggang sa tuluyan na akong nakaalis ng gusali.