CHAPTER 19

1008 Words
​Tahimik ang loob ng Rolls-Royce, pero ang hangin ay parang sasabog sa tensyon. Nakatingin lang si Sir William sa bintana, ang kanyang panga ay mahigpit na nakakuyom. ​"Sir, galit po ba kayo?" mahina kong tanong. "Instructor ko lang naman po talaga si Chef Jax—" ​"I don't care about your instructor, Tessa," putol niya nang hindi man lang lumingon. "What I care about is my reputation. You are supposed to be Sahara Colts. Do you think a woman of her stature would be caught giggling with a baker in a parking lot?" ​"Hindi naman po ako nakikipag-giggle—" ​"Enough," hinarap nya ako, ang mga mata niya ay madilim. "From now on, you don't talk to anyone in that school unless it's about bread. Is that understood?" ​Napalunok ako at tumango. Selos ba yun o kontrolado nya lang ang buhay ko? Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating kami sa isang pamilyar na boutique. Agad kaming sinalubong ng limang staff. Pero ang nanguna sa kanila ay isang pamilyar na mukha na naka-silk scarf at may bitbit na tape measure sa leeg. ​"Oh my gosh, William! Is that...?" napahinto ang baklang designer nang makita ako sa likuran ni Sir William. Nanlaki ang kanyang mga mata at dahan-dahang lumapit sa akin, tila sinusuri kung guni-guni lang ako. ​"Tessa, right? The girl Fred brought here last time?" tanong ng designer, na may malapad na ngisi. ​"O-opo, Ma'am," nahihiya kong bati. ​Humarap ito kay Sir William, ang kanyang kilay ay halos umabot na sa hairline. "Well, well, William Foster. This is a first! Sa dinami-rami ng 'projects' mo na dinala dito, si Tessa lang ang bumalik para sa second round. At ngayon, ikaw na mismo ang kasama, hindi na si Fred? May something na ba na hindi ko alam?" ​Hindi sumagot si Sir William. Sa halip ay naupo sya sa isang leather armchair, ang isang binti ay nakapatong sa isa. "Andre, stop the chatter. Fix her. She needs to look like she owns half of Amsterdam for the Charity Ball tonight," ​"Charity Ball? Girl, that's the big leagues!" muling bumaling sa akin ang designer. Andre pala ang pangalan nya. "Ano'ng ipakikilala mo sa kanya, William? Another 'special friend' for the night?" ​Tumingin nang diretso si Sir William kay Andre "No. She will be presented as my fiancée." ​Muntik nang mabitawan ni Andre ang kanyang tape measure. "Fiancée?! Oh, call the ambulance! Ang mailap na lobo ng Foster Group, magpapakasal na? At sa isang baka—este, sa babaeng ito?" muli nya akong tinignan mula ulo hanggang paa. "May magic ka talaga, Tessa. Sige na, dalian nyo! We have a future Mrs Foster to transform!" Agad nag init ang magkabila kong pisngi. Pero hindi pa ako nakakahuma ay ​dinala na ako sa fitting room. Isang oras na puro sukat, palit, at hila ng tela. Isinukat ko ang isang pulang dress na halos wala nang likod, pero paglabas ko, umiling lang si Sir William habang humihigop ng espresso. ​"Too cheap. Next." ​Isinukat ko ang isang itim na gown na puno ng kumikinang na bato. ​"Too much. She's a model, not a chandelier. Next." ​Pagod na ako. Sa huling pagkakataon, isinuot ko ang isang champagne-gold silk gown. Simple lang ito—walang beads, walang lace—pero ang bagsak ng tela sa katawan ko ay parang tubig. Hapit ito sa bewang ko at may mahabang slit na nagpapakita ng aking binti. ​Paglabas ko ng kurtina, napatingin ako kay Sir William, binabasa kung hindi pa rin ito pasado sa kanya. Bahagya akong natigilan nang magtagpo ang aming mga mata. Ngunit agad nyang iniwas ang tingin. Ibinaba nya ang tasa ng kape. Unti-unti siyang tumayo at lumapit sa akin. ​"Sir? Masyado po bang simple?" tanong ko, kinakabahan sa katahimikan nya. ​Hindi siya sumagot. Sa halip, lumapit siya sa likuran ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Inayos nya ang manipis na strap ng gown sa balikat ko. Ang mga daliri niya ay bahagyang dumampi sa balat ko, dahilan para kilabutan ako. ​"It's perfect," bulong nya sa tabi ng tenga ko. "But you're missing something." ​Lumingon sya sa staff. "Bring the heels. The silver ones." ​Nang dalhin ang sapatos, napaatras ako. Halos limang pulgada ang taas niyon. Sinubukan kong isuot, pero dahil sa kaba at sa bigat ng gown, muntik na akong matumba. ​"Wait—" ​Bago pa ako masalo ng mga stylist, si Sir William na ang humawak sa bewang ko. Sa harap ni Andre at ng lahat ng staff, dahan-dahang lumuhod si William Foster sa paanan ko. ​"Oh my gosh, is he actually kneeling?!" tila hihimatayin na bulong ni Andre sa gilid. ​"S-Sir, ako na po—" agad kong pigil ​"Stay still, Tessa," utos ni Sir William. Ang kanyang malalaking kamay ay humawak sa aking bukung-bukong. Dahan-dahan niyang ipinasok ang paa ko sa sapatos at ini-lock ang manipis na strap. ​Tumingala siya sa akin habang nakaluhod pa rin. Habang pinagmamasdan sya ay tila hindi ako makahinga sa bilis ng t***k ng puso ko ​"You have to learn how to walk in these," sabi niya habang tumatayo, hindi pa rin binibitawan ang bewang ko. "Because tonight, you're not just a maid from the province. You are the woman on my arm. And I don't want you looking at anyone else... but me." Sa unang pagkakataon, nakita ko ang repleksyon namin sa salamin. Hindi ko na nakilala ang sarili ko sa suot kong gown at mamahaling sapatos. Pero ang mas nakakatakot... baka pati ang puso ko ay hindi ko na rin makilala. Alam ko ang limitasyon ko. Alam kong 'hired' lang ako at ang lahat ng ito ay bahagi lang ng isang kontrata. Pero sa paraan ng pagtitig ni Sir William sa akin, unti-unti nang bumibigay ang mga pader na itinayo ko. Natatakot ako na sa pagtatapos ng larong ito, ang tanging maiiwang totoo ay ang pag-ibig ko sa lalaking hinding-hindi magiging akin ​
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD