Ano bang pakulo ng lalaking to? Kinakabahan na ako sa pinagsasabi niya! Sasabog na ata ako.Hindi ko na alam ang iisipin ko. Bat nagkakaganito si kian? May plano nanaman ba siyang paikutin ako…..Hindi! Hindi maaari! Ayoko na! Tama na iyong isang beses akong nasaktan dahil sobrang hirap pag nahulog nanaman ako muli sa isang kian migs monticillo.Ayoko na maranasan muli yung sakit.
“Uwi na tayo kian.” Nagulat naman napalingon si kian kay Pam.
“Huh?Are you serious?”Nagtatakang tanong ni kian.Inis na binalingan naman ni Pam ito.
“Nawalan na ako ng gana.”Pag-aamin niya.She don’t want to hear any lies anymore!
“Did I say something wrong na ikinagalit mo? Tell me.” Hindi niya sinagot si kian.Bumaba siya sa mini cab at tinalikuran ito. Inis naman hinampas ni kian ang manibela at bumaba rin siya upang sundan si Pam.Hindi niya hahayaan na umuwi ito ng mag-isa.
“s**t! Ano bang ginawa ko?” Mura ni kian sa sarili.
“Pam!” tawag ni kian habang hinahabol si Pam.Hindi ito lumingon sakanya at mas lalo nito binilisan ang lakad kaya tinakbo nalang ni kian para mahabol ito.
“Pam.” Hablot niya sa braso ni Pam at pinaharap niya ito sakanya.
“a-no ba? Bat mo pa ako sinundan? I said I want to go home!” inis na sabi ni Pam at iwinaksi ang kamay ni kian na nakahawak sa braso niya. She doesn’t want kian touching him dahil iba ang nararamdaman niya. Parang salbotaheng kuryente ang dumadaloy sa katawan niya.
“You stay with me! Hindi ka pwede umalis na hindi ako kasama! Nangako ako sa daddy mo!”
“Ayoko! Just stay away from me kian! Hindi mo ako pag-aari kaya anong karapatan mo na sabihin sa akin na hindi ako pwede umalis! Ano ba kita? Boyfriend? You wish it in the stars!” inis na sabi ni Pam.
Natahimik naman si kian. Pam was right. Ano bang karapatan niya? Pero isa lang ang naiisip ni kian ng mga sandaling iyon that He really cares for her.
“You’re right! But I really care for you Pam!Like what we are before,Being a friend…”
“Friends? Tayo? Ni Hindi ko naramdaman na kaibigan kita noon. You never really cared about me!”
“Iyon ang totoo Pam!”
“Liar! Hindi iyan totoo kian! Why are you bringing up the past? Tapos na diba iyon? I already forgive you marunong naman ako magpatawad but I can’t forget how pain it was for me and that’s because I trusted you with all my heart but you gave me nothing! Nothing but a piece of Heartaches!” Pinigilan ni Pam na hindi tumulo ang mga luha niya ng mga sandaling iyon. She doesn’t want to feel that she is weak in front of kian! Gusto niyang ipakita rito na galit na galit siya! Now she felt relief! Naibuhos niya na ang lahat na hinanakit niya sa loob ng anim na taon!
“Can’t we just start a new beginning?”Nagtangka hawakan siya nito but she step backward.
“I don’t know where to start at lalong hindi ko alam kung kaya ko pa mahimasok sa buhay mo. 8 years had passed. Maraming na nag bago kian.” Inis at halong lungkot ang nararamdaman ni Pam ng mga sandaling iyon. Tinalikuran niya si kian and started walking away with him.
Nang gabing iyon umuwi si kian sa Pad niya. Hindi siya umuwi sa mansiyon. Iniisip niya ang pagtatalo nila ni Pam kanina kaya karamay niya ang alak ngayon. Hindi niya alam na ganito pala kasakit ang sobrang nasasaktan.
Hindi ko alam kung kaya ko pa mahimasok sa buhay mo. 6 years had passed. Maraming na nag bago kian.
Paulit ulit iyon nag sisink-in sa utak ni kian! Hindi niya matanggap na hanggang doon nalang! Galit na tumayo si kian at itinapon ang baso at tumama iyon sa pader. He knelt down and brushing his hair angrily.
“I know im a fool Pam! Hindi pa rin ako sumusuko sayo dahil Mahal pa rin kita! You’re so hard to forget! Alam mo ba iyon? Why can’t you give me a second chance!” kian feel so frustrated! Naiinis siya sa sarili niya.Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. He’s crying because of a girl he loves!
“Stupid kian! Nakakabading ka! Ka lalaki mong tao umiiyak ka!” natawa nalang si kian sa sarili niya.
--
Namamasyal si Cassy at Pam ng araw na iyon sa Everland Mall. Niyaya ni Cassy na lumabas sila.Only the two of them. Si Owy busy na sa pamamahala ng negosyo sa pamilya nito.Inassign kasi ito ng ama niya na ito na mamahala sa negosyo nilang Wine liquors.Maliban doon, Top 5 exporter sila ng mga Wine liquors sa buong Asia.
“Kanina pa tayo paikot ikot sa Mall na ito pero ni kahit isa wala pa tayong nabili!”Reklamo ni cassy habang nakakapit sa braso ni Pam.
“Hindi mo kasi kasama si Owy.HAHAHA!”Tukso ni Pam kay cassy.
“Nagiging Workaholic na kasi ang isang iyon.”
“Cassy, Para na rin sa kinabukasan niyo ang ginagawa ni Owy.”
“Wala pa ngang proposal na nagaganap eh.”
“Maghintay ka lang.ang swerte mo nga, Mahal ka ng taong iyon! Gagawin niya ang lahat para sayo!”Nakangiting sabi ni Pam. Chinicheer up niya ang kaibigan.
Habang naglilibot muli sila ni cassy sa department store ng naturang mall. Nabaling ang atensiyon ni Pam sa babaeng buntis na namimili ng damit para sa baby.Mag-isa lang ito.Masasabi niya kahit buntis ito, Napakaganda pa rin nito. Nagtama ang mata nila sa babaeng iyon at nagulat siya na mamukhaan kung sino ito.
“Y-oona?” shock na sabi ni Pam.
Napalingon na rin si Cassy na napahinto sa pamimili ng damit.
“Yoona? Ang malditang bratinella!” gulat na sabi ni cassy.
Nilapitan nila si Yoona at ibang iba na ito ngayon kahit ang aura nito.Si Yoona lang naman ang matinding kaaway ni Pam noong highschool pa sila way back 6 years ago.
“Pam, Cassy?” shock rin na sabi ni Yoona. Maarte pa rin ito magsalita pero hindi na katulad ng dati.
“Yes, It’s Us Yoona. How are you doing?” pangangamusta ni Cassy.
“I’m okay with this little angel in my tummy.”Masayang sabi ni Yoona at hinimas himas pa nito ang tiyan.
”Kamusta na Pam?”
“Okay lang ako Yoona. Congratulations! You look healthy sana ganun din si baby!” nakangiting sabi ni Pam.
“G-uys, I’m sorry what I did before. Sana napatawad na ninyo ako.” Malungkot na sabi ni Yoona.
“Napatawad na kita Yoona matagal na.Bata pa rin tayo ng mga araw na iyon.” Sumang ayon na rin si Cassy sa sinabi ni Pam.Sa tingin naman niya, Nagbago na talaga ito, lalo’t magiging Mommy na rin ito.
“Saan ang asawa mo?”Tanong naman ni Cassy. Marami kasing paper bags na dala dala si Yoona plus mamimili pa ito ng damit ng baby.
Bahagya naman nalungkot ang itsura ni Yoona.Mapait ito ngumiti sa kanila.
“Wala akong asawa. Iniwan na ako ni Kenshi. Ama ng baby na dinadala ko. He promise to me na susundan niya ako sa pilipinas but he never showed up! Malapit na ako manganak tapos walang ama masisilayan ang baby ko.”
“Saan ba ng kenshi na iyon?”Tanong naman ni Pam.
“Nasa korea. May dugong Pilipino rin si kenshi, Half Korean siya.Katulad ko.”
“Saan ka ba nakatira ngayon?”
“Sa alphine subdivision. May katulong rin naman ako doon, Si daddy kasi hindi maiwan ang negosyo sa korea. “Pagkukuwento nito.
“Ganun ba, Why don’t you join us? sama ka nalang samin para malibang ka naman yoona.”
Ngumiti si Yoona.” I’d love too pero may check-up pa ako after this.Maybe next time.”
“Sige.Mag ingat ka nalang yoona. It’s good seeing you again.”
“T-eka.”pigil ni yoona sakanya.
“Bakit?”
“Kamusta na pala kayo ni kian?”
Ngumiti si Pam.” It didn’t Last Yoona, Hindi talaga kami ang para sa isa’t isa.”
“I thought you two will ended up together.”
“A-kala ko nga rin.” Mapait siyang ngumiti ng mga sandaling iyon.
“Sige Cassy, Pam.Babayaran ko muna itong pinamili ko then I’m going. Bye Girls.” Paalam nito sakanila.
“Bye.”Paalam rin nila.
Napabuntong hininga naman si Pam.Sa kabila na pagiging malditang bratinella ni Yoona sakanya noon ay nakaramdam siyang awa rito dahil iniwan siya ng lalaking kenshi na iyon.
“Oh natahimik ka na diyan.”sabi ni cassy habang namimili muli ng damit.
“H-indi naman ah!”
“Oo nga pala, nagkasama na ba kayo ulit ni Kian? Kamusta na kayo? Nagkausap na ba kayo?” pag uusisa ni Cassy sakanya.
“H-indi pa kami nagkasama.Yung huli nung nasa bar tayo.”Pagsisinungaling niya.” Kamusta na kami? Okay lang naman ako, ewan ko lang sakanya kung okay ba! H-indi pa kami nagkausap.Pake ko ba doon sa lalaking iyon!” inis na sabi niya.
“Alam mo nagsisinungaling ka lang eh! Halata ka kasi.Nabubulol ka eh! Hahaha”
“H-indi noh! Talaga naman wala na akong pake sa lalaking iyon! Hindi ko nga mahanap kung saan ang pake ko sakanya!”
“Oh siya! wag mo ng damayin iyong damit! Nalulukot na oh! Wala iyang kasalanan!”Natatawang sabi ni cassy.
--
Kasalukuyan katatapos lang ng meeting ni kian with the board of directors na ginanap sa conference hall. Luckily, Wala naman ganoong problema.Mas lalo pa nga tumaas ang sales na nabebenta ng kanilang Real Estate.
Pabalik na si kian sa kanyang opisina. Nakasunod naman sakanya ang sekretaryang si Lanie.
“Do I have any appointments to have this afternoon Lanie?”Tanong niya sa sekretarya.
“Wala po kayong appoinments this afternoon sir pero may kakailanganing kayong pirmahan na mga papeles for approval.”
Tumango lang si kian.
“Just put it on my desk.”
“Okay sir.”
“Anong oras na ba?”
“11:41 po sir.”
“Okay. Before ka maglunch may ipapa utos muna ako sayo Lanie.”
--
Nang mapagod sa kapapamasyal si cassy at Pam ay napag desisyonan nilang mag Lunch sa Little Kitchen.Habang papunta na sila roon ay tumunog ang cellphone ni Cassy.
“Teka Pam.I’ll answer it first.”
“Go ahead. I will wait here.”
Nakangiti niyang sabi. Alam niyang si Owy ang tumawag.
Ilang sandali naman bumalik na rin si cassy.
“Pam, Baka hindi na ako makasama sayo maglunch. Niyaya kasi ako ni Owy maglunch kami together. Okay lang ba sayo?”
“I’s okay, Ano ka ba Cassy! Walang problema. Puntahan mo na si Owy. I guess uuwi na rin siguro ako.You know I hate eating alone." Napabungisngis niyang sabi.
“Take Care, Okay?” Tumango lang siya.
“Bye cassy.” Paalam niya rin.
Dumiretso nalang si Pam sa parking lot at tinungo ang itim na BMW na nakaparada.Sakay ng kanyang kotse, gaya ng sabi niya kanina ay uuwi nalang siya agad at sa bahay nalang siya kakain. Magpapaluto nalang siya ng Lunch niya.
Ilang minute rin ang biniyahe niya at ipinirada na niya ang kotse sa garahe.Nang makapasok siya sa bahay niya ay bigla lumabas ang katulong niya mula sa kusina dala dala ang isang bouquet na bulaklak.
“Melay, Para kanino yan?”Tanong niya rito.
“Para daw po sa inyo. Naka special delivery po kasi yan Ma’am. Tanggapin niyo raw ang bulaklak na ito.” Sabi ni Melay sakanya sabay abot ng bulaklak sakanya.wala naman siyang magawa kundi tanggapin iyon. Isa pa napakaganda ng mga bulaklak para hindi pansinin at tanggapin.
“Salamat Melay.Ipaghanda mo nalang ako ng Lunch, okay? Kumatok ka nalang sa kwarto ko at bababa nalang ako.”
“yes ma’am.”agad naman nito sinunod ang utos niya.
Nang makapasok na siya sa kwarto niya ay agad niyang hinahanap ang card.Nagbabakasakali siyang meron at hindi naman siya nagkamali, Meron nga. Kinakabahan man ay ibinuklat niya iyon.
I’m sorry for what happened yesterday.
I hope I will be seeing you again.I miss you
Truly yours,
Kian
“L-alaking to! Kainis! Nakakainis talaga! Pinapangiti mo ako kian!” naiinis man ay hindi mapigilang mapangiti ni pam ng mga sandaling iyon.
“Marunong ka rin pala magsorry na may halong sinseridad.May peace offering pa ha?” sabi ni Pam habang inamoy amoy ang mga bulaklak na iyon. Ilalagay niya nalang ito sa Vase mamaya.
--
Hindi naman mapakali si kian sa loob ng kanyang opisina.Tinapon kaya nito ang bulaklak na ipinadala niya para kay Pam?He wishes na tinanggap nito ang bulaklak na ipinadala niya.Nagustuhan kaya nito ang peace offering niya?
“Psh!”
“Sir, Wag ho kayong mag-aalala.sigurado ho akong nagustuhan niya ang bulaklak na ipinadala mo.”
“Paano ka naman nakakasiguro?”
“Girl’s instinct.” Nakangiting sabi ni Lanie sa boss niya.
Ilang sandali ay tumunog ang cellphone ni kian.Napangiti naman siya na mabasa ang caller. Walang iba kundi si Pam.
“Hello?”
“Nagpadala ka ng bulaklak sa bahay?”
“Hindi mo nagustuhan?” matamlay na sabi ni kian.
“I still hate you but…”
“But?”
“I love the flowers okay! Salamat! Bye!”
Napangiti naman si kian kahit papaano tumawag ito sakanya para sabihin na nagustuhan nito ang bulaklak na ipinadala niya. She didn’t ignore the flowers but rather accept it.
“I’m not still giving up Pam.Nagsisimula palang ako.”