Napangiti si kian sa naiisip. Why not? He’s Single, Pam is single too.Wala naman siguro magagalit kung susubukan niya hindi ba?. Besides, kaya niyang suyuin si Mr. Vien Chua at si Mrs. Elaine sa nagawa niyang pagkakamali na saktan ang kanilang anak noon. Also mga bata pa sila ni Pam noon, Iba ang sitwasyon ngayon. He wants Pam to be his wife.
Napatigil si Kian. Asawa? Napangiti siya. All those years, Ngayon lang pumasok sa kukote niya ang salitang Married Life.Why not? He’s not getting any younger.
“Tandaan mo Pam. Magiging akin ka.Hindi ko hahayaang na ni kuko mo mahawakan ng ibang lalaki. All of you is mine.” Seryosong sabi ni kian sa sarili.
Ngunit ang hindi alam ni kian ay may katulad niya na handang rin gawin ang lahat para sa babaeng mahal kahit pinagtatabuyan ito, At iyon ay si Terrence Gutierrez.Ang gwapo at makulit na manliligaw ni Pam sa America.
Nakahiga lang si Pam ng mga oras na iyon simula na papasukin siya ng kanyang daddy sa kwarto.Tinatamad tuloy siyang bumangon sa kama ni hindi pa siya naliligo.Suot niya pa rin ang damit na sinuot niya kagabi.Mabango pa rin naman siya at hindi pa naman siya amoy na malansang isda.Ilang sandali ay tumunog ang kanyang cellphone.Nilingon niya ito sa kanyang side table. Inabot niya ito at saka sinagot ang tawag na hindi tinitingnan kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa numero na iyon.
“H-ello?” medyo bangag siyang napasagot.
“Hi Pam. It’s Terrence, How are y----“agad naman binaba ni Pam ang tawag nito.Bakit ba ang kulit ng lahi ng isang to? Hindi pa rin ba siya titigilan ni Terrence? Mahirap ba intindihin ang salitang AYOKO SAYO.HINDI KITA GUSTO. PERIOD. Uso pa pala ang martyr sa ganitong panahon? Napailing nalang si Pam.
Maya maya ay tumawag nanaman ito.Hindi siya nag abalang sagutin ang tawag na iyon hanggang sa naka 20missed calls na sakanya si Terrence. Hindi pa rin ito napapagod sa kakatawag sakanya. Napagpasyahan nalang ni Pam na sagutin ang tawag nito para matigil na sa katatawag.
“H-ello?” ulit niyang sabi kanina na sagutin niya rin ang tawag nito.
“H-ey. What’s wrong bat mo ako binabaan kanina? Hindi mo rin sinasagot ang tawag ko?” parang nagtatampong sabi ni Terrence sa kabilang linya. Napabuntong hininga naman si Pam.
“Pasensya na Terrence medyo masakit lang talaga ang ulo ko ngayon.Hang over.”
“Did you went to the bar last night?” parang shock pa nitong sabi sa kabilang linya.
“Yes. Wala naman masama roon diba? Ano ka ba naman Terrence hindi na ako neneng noh!” natatawa niyang sabi.
“Kahit na. Ayoko na may---“ ang iba pang sasabihin ni terrence ay pinutol ni Pam at nagsalita.
“Look Terrence, This is my life. Ang ayaw ko sa lahat ay yung dinidiktahan ako.”
“Hey don’t get me wro--.”
“You are the one who started it.”Matigas niyang sabi. “Look, I need to hang up. Bye.”
“Wai---“May sasabihin pa sana si Terrence pero bigla na niya inend call ang tawag nito.ano bang magandang dapat gawin para tigilan na siya ni terrence?Wala siyang maisip. What if totohanin ni Terrence ang sinabi nito sakanya na susundan siya nito sa pilipinas? Lalo siguro siya maiirita.Aaminin niya Ideal guy si Terrence sa mga mata ng kababaihan pero hindi siya, Iba siya. Ang puso niya lang ang makapagsasabi kung sino dapat ang nilalaman ng kanyang puso.
--
Sumapit ang hapon ay hindi na abala si kian sa kanyang opisina.Pinindot niya ang kanyang intercom na connected sa desk sa sekretaryang si Lani.
“Lani.”
“Yes sir? Is there anything I can do for you?” sagot naman nito sa intercom.
“Punta ka sa office ko. Right now. “
“Okay sir.” Sagot naman ni Lani. Agad naman nito isinantabi ang ginagawa at pinuntahan ang opisina ng kanyang boss.Pagkapasok ni Lani ay agad nag taas noo si Kian.
“Do I have any appoinments to have Lani?” tanong ni kian sa sekretarya. Tamang tama naman na dala ni lani ang kanyang Planner book.Tiningnan niya ito.
“As of now sir, Wala ho kayong any appointments dahil naka assign na ito lahat sa vice pres.” Ang tinutukoy nitong vice president ng Monticillo Real Estate ay ang kanyang pinsan na si Jeff Monticillo.Katulad niya rin ito na Gwapo.Well, Hindi naman talaga maiiwasan iyon dahil nasa dugo na ng monticillo ang magagandang lahi.
“Hindi ba naging mainitin ang ulo ni jeff ngayon? Halos lahat ata siya na ang kumakausap o humaharap sa mga kliyente o di kaya investors.” Sabi ni kian. Napa isip naman si Lani.Si Jeff Monticillo.Her Second boss.A.k.a The Assuming princess ni Jeff Monticillo.
“Ah. Sa t-ingin ko ho sir, H-indi naman po. K-akayanin naman po iyon ni sir Jeff.M-agaling naman ho siya at masipag sa trabaho, Kagaya ho ninyo.”Napangiti naman si kian pero nahalata rin niyang nauutal si Lani na hindi niya mawari kung bakit.
Habang nag-uusap sila ni Lani ay siya naman may biglang kumatok sa labas ng pintuan ng kanyang opisina.
“Come in.”
Pumasok naman ang isang matangkad na lalaki. Maskulado ang tindig.Halata rin na bagong shave ito na lalo tinaglay ang kagwapohan, The masculine scent na alam na alam ni Lani ang pabango na iyon.
“Pinsan! What a pleasant surprise!” masayang sabi ni kian at tumayo ito at inakbayan ang pinsan na kapapasok na si Jeff.Gusto na sanang tumakbo palabas ni Lani sa opisina ng kanyang boss ng banggitin nito ang pangalan ng pinsan nito na si Jeff ngunit napa isip siya na baka magtaka si Sir kian sakanya kung bakit siya tumakbo palabas.Alam niya ngayon na nakatingin si Jeff sakanya.
“Napadaan lang ako pinsan. May hahabulin pa akong meeting ngayon sa conference room with Mr. Chen?” Saka naman nagtama ang tingin ni Jeff at Lani.
“Hi Lani.” Kaswal na bati ni Jeff sa sekretarya ni kian.
“Goodevenin—este G-oodafternoon po Sir Jeff.” Nahihiyang sabi ni Lani ngunit ang totoo ay sasabog na ang puso niya sa kilig.
“Hindi ko alam na Ganito pala ka seksi ang sekretarya mo kian.” Nakatitig sakanya si Jeff ng mga sandaling iyon na lalo na ikinabalisa ni Lani.Ayaw niya ang mga ganoong titig dahil para siyang ice cream na madaling matunaw.
“Umandar nanaman yan pagiging babaero mo! Wag mo nga pakialaman sekretarya ko!”Natatawang sabi ni kian kay Jeff.”Pasensya kana sa pinsan ko Lani.” Paumanhin naman ng kanyang boss.
“Ilang taon ka na Lani?”Binalingan ng tingin ni Jeff si Lani at tinanong ito.
“Jeff!” nanlaki naman ang mata ni kian sa narinig pero bahagya pa rin siya natawa rito.
“Bakit? Im just asking how old she is.Wala naman sigurong masama doon diba Lani?” Nakatingin naman ulit sakanya si Jeff.namula siya. Hiyang hiya na talaga siya.
“Ho?ah. H-indi naman po. Ah kasi ho---“
“So, how old are you?”
“20 years old po.”
Nagkatinginan naman si Jeff at kian.
“Seryoso ka ba Lani?Bakit hindi ko alam iyon?Ang bata mo pa pala but you look more like a woman.”Nagtatakang tanong ni kian saka tiningnan ang kabuuan ni Lani.
“Hindi niyo naman po kasi tiningnan yung profile ko basta basta niyo nalang po ako tinanggap. “Napakamot na sabi ni Lani. “Nag-aaral pa po ako tuwing weekends. Hinahabol ko po kasi ang dalawang semester bago ako maka graduate sa kursong kinuha kong TEM.2years lang po kasi iyon.Sayang din po kaya tatapusin ko nalang.”
“Ganoon ba.Well, besides, Magaling ka naman.You are a smart girl.”
“S-alamat po. Ah Sige sir kian, Sir Jeff. Maiwan ko po muna kayo.May tatapusin pa po akong records.”
“Okay. Go ahead Lani.” Sabi naman ni kian. Hindi napansin ni Kian na muli sinulyapan ni Jeff ang papaalis na si Lani. God! She’s only 20 years old, limang taon ang tanda ko sakanya. Binalingan naman ni kian ang pinsang si Jeff na ngayon ay halatang may malalim na iniisip.Tinapik niya ito sa balikat para makuha nito ang kanyang atensiyon.
“Jeff.Wag mo ng pantansyahan si Lani.”Natatawang sabi ni kian.
“Ha? Hindi noh. Sige na nga aalis na ako. I’ll see you later pinsan! Bye.” Paalam nito saka iniwan na siya sa kanyang opisina. Now, Wala pala siyang appointments. He’s free and nothing to worry about business.Gusto niya na makaalis sa kanyang opisina.
Ang tanong, saan naman siya pupunta? Napaisip siya. Saglit rumehistro ang imahe ni Pam sa kanyang isipan.
Napangiti siya, Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa para tawagan ito pero naalala niya wala pala siyang numero nito.
Damn, Para number lang kian hindi mo pa makuha. *mura ni kian sa sarili* idinial niya ang numero ni cassy at ilang sandali ay agad na itong nagsalita sa kabilang linya.
"Hello? Anong kailangan mo?" mataray nitong sagot.
"Suplada!" Inis naman na sabi ni kian.
"HAHAHAHA! Eto naman, Chill ka lang nga kian. Oh, what's up?" maya maya ay tanong nito.
"Eh.. Pahingi naman ng digits ni Pam."
"Bakit?"
"Tinatanong pa ba yun?!" napakamot nalang na sabi ni kian kay cassy.
"Aba siyempre naman noh? Baka magalit pa iyon sakin pag nalaman niya na pinamimigay ko ang number niya lalo pa't ikaw ang humihingi." sabi naman nito sakanya.
"Alam ko naman na hindi mo ako matitiis cassy.Ang mga babae talaga ang hirap kumbinsihin!HIndi niya naman malalaman dahil hindi ko sasabihin na sayo ko hiningi."
"Aba oo naman noh! May pakipot effect rin kami!"
"Sige na naman oh! Ibigay mo na!"
"Para ka namang bata na humihingi ng dede eh!"natatawang sabi ni cassy sakanya.
"Hindi mo ba talaga ibibigay?" sabi ni kian na parang batang nagtatampo dahil hindi mabigyan ng dede ng ina.
"Sige na nga oo na oo na! ang kulit mo naman kasi! Wag na wag mong sasabihin na sakin ka humingi ng number niya! Talagang malalagot ka sakin kian!" pagbabantang sabi ni cassy rito.
"Promise. I won't tell her. Just send it, I'll be waiting. Bye." paalam ni kian. Maya maya ay tumunog na ang kanyang cellphone. Ipinasa na ni cassy sakanya ang numero ni Pam. Agad naman iyon isinave ni kian..Maya maya ay tinatawagan na nito ang numero ni Pam.Naka ilang tawag na siya pero hindi pa nito sinasagot ang cellphone nito. Hindi naman nawalan ng pag-asa si kian na masasagot iyon ni Pam, Determinado siya muli na tawagan ng tawagan ito hanggang sa bumigay ito at sagutin ang kanyang tawag. Siya ang lalaki, Siya rin ang tumatawag kay Pam. ika nga' Patience is a VIrtue.
Inis na inis si Pam ng mga sandaling iyon. Paano ba naman rinig na rinig niya nanaman ang maingay niyang cellphone, Paniguradong si Terrence nanaman ang tumatawag sakanya.
"Hindi niya talaga ako titigilan, ano?!" inis na sabi ni Pam sa sarili.Halos naibilang na niya kung naka ilang miss calls ito sakanya kaya napilitan siyang bumangon at damputin ang cellpphone na kanina pa nag iingay at sinagot ang tawag nito.
"Hello?! Terrence? Ano ba? Tigilan mo nga muna ako! I’m not in the mood today nasa boiling point na ang init ng ulo ko,Ni yelo hindi kaya palamigin ang ulo ko!" inis niyang sabi.Hindi niya alam na hindi si Terrence ang kanyang kausap, kundi mismo si kian na ngayon ay ngiting ngiti sa nasabi nito sakanya, Who the heck is Terrence anyway?
"I know you're sizzling hot babe pero kaya kong palamigin ang ulo mo." tilang nang-aakit ang boses nito.
Teka--tiningnan ni Pam ang numero naka unregistered ito sa kanyang cellphone.Sino kaya ito?
"T-eka. You're not Terrence, Sino ka ba?!" tanong niya rito. halata sa tono niya ang pagkainis at pagkairita.
"Can’t you recognize my sexy voice?"
"Hindi sexy ang boses mo! Parang taong napipiga eh!" sabi ni Pam sa kausap. Natawa naman si kian sa kabilang linya.
"You just make me laughed.I miss you that's why i called you. I want to hear your voice.Sapat na iyon para mabuo ang araw ko." sabi naman ni kian kay Pam. Parang kinilig naman si Pam sa sinasabi ng kausap niya pero Hello? Lasing ba tong kausap niya?
"Sino ka ba? Kanina pa ako nagtatanong hindi mo naman ako sinasagot. Oo nga pala, don’t talk to strangers. By----"
"Wait! Don't hang up! Magpapakilala na ako!" awat ni kian rito.
"So?"
"It's me. Kian."
Kian....bulong ng kanyang puso.
"K-ian? Seryoso?! Ano bang kailangan mo? at saan mo naman nakuha ang number ko? Wag mong sabihin hula hula lang?."
"I got it from someone or should i say from my sources."
Oo nga naman. Mayaman siya. Kahit siguro kahit saang sulok pa ako ng mundong ito matatagpuan niya pa rin ako. Isa pa itong makulit sa buhay ko. Si Kian.
"Oh? ano na? anong kailangan mo at bat ka napatawag?"
"Ikaw ang kailangan ko." matipid naman na sabi ni kian.Nagulat naman si Pam sa narinig, o di kaya nabingi lang siya?
"Ha? Anong sabi mo?" tanong niya ulit rito.
"Wala. Nevermind. Mabuti nalang hindi mo narinig. So sino si Terrence?Boyfriend mo?" pag uusisa nito.Chismoso rin to noh?
"Wala ka na nga dun! Mind your own business okay! Wala akong boyfriend! kung meron man, lagi ko sana siyang kasama ngayon!" naiinis niyang sabi.
"That's good to hear. So may pag-asa pa nga ako."Nasisiyahang sabi ni kian.
"Ha? ano kamo?" ano ba yan! Nabibingi ako tuwing nagsasalita siya!
"Ha? wala akong sinabi." pagsisinungaling ni kian.
"So ano na nga?"
"Ang alin? Tayo na?" seryosong sabi ni kian pero ibig na niyang matawa sa sarili dahil paniguradong nalilito na si Pam ng mga sandaling iyon.
"Ha? ano bang pinagsasabi mo kian? Alam mo mas maganda siguro kung kausapin mo nalang sarili mo! Wag mo na ako idamay dahil ayoko pang mabaliw!" naiirita niyang sabi.
"Eto naman masyadong highblood. Tataas blood pressure mo niyan.I just wanna ask you out."
"With you?" tanong naman ni Pam. Ha! Sabi ko na nga ba! Nag uumpisa nanaman ang lalaking to! Anong tingin niya sakin? Mapapayag niya ako? Pwes hindi!
"Kanino pa ba? Eh di sakin. Payag ka?"
"Ayoko.Ayoko sumama sayo!"Tanggi niya rito.
"Oh c'mon, dnner would be great.Kahit bukas na pero mas maganda siguro kung mamayang gabi. Wala kasi akong appoinments this afternoon. So I'm free."
"Bakit ako? Madaming babae sa mundo, Bakit hindi nalang iba ang yayain mo?"
"Dahil ikaw ang gusto kong makasama Pam. Ikaw lang. I don't want any girl, it’s just you i want to be with."Seryosong sabi ni kian.
"Dinadaan mo nanaman ba ako sa words of wisdom mong patibong? Ayoko nga!"
Napabuntong hininga si kian." So ayaw mo?"
"Ayoko talaga!" madiin niyang sabi.
"Okay. Madali naman ako kausap basta wag ka magugulat na bukas na bukas ipapakasal ka na sakin." nakangising sabi ni kian.
"H-ey. What are you saying uh? Anong gimmick nanaman yan?!"
"What if sabihin ko sa daddy mo na sa bahay ko ikaw natulog? Ano kaya magiging reaksyon niya? Ano kaya iisipin niya na ang nag-iisang anak niya ay kasama ko sa isang kwarto natulog?We're both Drunk and almost naked."
Nagimbal naman si Pam sa narinig. Natakot siya. Kinabahan na baka sabihin ito sa daddy vien niya.Naiinis talaga siya kay kian! Ginagawan talaga ito ng paraan para sumama sakanya!
"You're blackmailing me kian! I hate you!" naiinis niyang sabi.
"Date me or i'll blackmail you.May isa akong salita Pam.Pag hindi ka pumayag, Pasensyahan nalang tayo."
"You’re such a baby! Nakakainis ka! Binablackmail mo talaga ako para sumama sayo!"
"So? Ano payag ka na?"
"F-or the sake na hindi mo sasabihin kay daddy! Oo pumapayag na ako." Umanoy para tuloy siyang loser na natalo sa isang debate.
"Ayun. So it's settled. I'll fetch you up tomorrow morning."
"W-ag! Magkikita nalang tayo. Itext mo nalang sakin kung saan.Wag kang mag-alala kung iniisip mong hindi ako sisipot, hindi ko gagawin iyon. Sisipot ako sa usapan natin."
"Okay payag ako. Just make sure na sisipot ka. Iba ako magalit Pam."
"Why are you doing this to me kian? Ano bang ginagawa mo? ano ba talagang gusto mo?"
"Don't you get it?" tanong naman ni kian sakanya.
"Paano ko magi-gets? Nakakabaliw kang kausap."Naiinis niyang sabi.
"Just prepare for our tomorrow's date.Bye!" Paalam ni kian. Napalundag naman siya sa tuwa dahil napapayag niya si Pam.HIndi naman talaga niya sasabihin iyon kay Mr. Vien Chua. Tinatakot niya lang si Pam para sumama ito sakanya.
Napaupo naman si Pam sa dulo ng paanan ng kanyang kama. Napabuntong hininga siya. Wala siyang magawa kundi sumama sa lalaking iyon.Ano ba naman kasi gusto mangyari ng kian na iyon? Nakakainis talaga.Hindi ko alam ang gagawin ko bukas pag magkasama na kami. Hindi ko pa nga siya nakakasama ngayon pero bakit parang kinakabahan ako? Wahhhhhh! Nakakainis talaga ang kian na iyon!
Ano kaya mangyayari bukas sa so called "Date" Namin?
I don't like this Feeling. It's going to be awkward for the both of us.. Bahala nga siya sa buhay niya basta ako chi-chill lang.
Sana nga umulan bukas para hindi matuloy ang lakad namin ni Kian.