Hindi mapalagay si Kathy habang panay ang sulyap sa may pintuan ng simbahan. Naroon na si Trixie, Lea, Evan, at Vince. Magsisimula na ang binyag ngunit wala pa si Blake. Sila ang kinuhang ninang at ninong ni Dylan para kay Alexandra. Pinabinyagan nila nang biglaan si Alexandra. Sa sobrang busy niya sa negosyo nakalimutan niyang hindi pa nabibinyagan ang kanyang anak. Kung hindi pa nagtanong si Dylan kung sino ang mga ninang at ninong ni Alexandra hindi niya pa maalala. Akala naman ni Dylan nabinyagan na si Alexandra dahil ninang na ang tawag nito kay Lea. "Wala pa ang kaibigan mo? Magsastart na ang binyag ni Alexandra." Natataranta na siya. "Wala pa. Malapit na daw siya natraffic lang." sagot nito. Ilang sandali pa ay may dumating na itim na sports car at bumaba si Blake. "Hayyyy.. Sa

