Pagkatapos ng first dance nina Samantha at Christian, sumunod ang father and daughter dance. Lumapit na ang daddy ni Dylan at sinimulan ng isayaw si Samantha. "Excuse me... I need to answer this!" Paalam ni Dylan nang makitang may tumatawag sa cellphone nito. Mabilis itong lumabas ng dining area dahil hindi nito marinig ang kausap dulot ng malakas na tunog na nagmumula sa speaker. Sumilay ang lungkot sa kanyang mukha habang pinagmamasdan niya si Samantha na sinasayaw ng ama. Napatingin siya sa engagement ring na nasa kanyang daliri. Malapit na rin siyang ikasal ngunit malabo nang mangyari ang maisayaw ng ama sa araw ng kanyang kasal. Baka nga wala pang maghatid sa kanya sa altar. "Are you okay, Kathy? Bakit ang lungkot mo?" Napansin siya mommy ni Dylan. "Okay lang po ako, m-mommy." Mag

