Katatapos lang niya magpabreastfeed kay Alexandra. Inilagay niya muna ito sa crib dahil naliligo pa ang yaya nito. Kumuha si Samantha ng yaya para kahit papaano may katulong siya magbantay at mag-alaga sa anak niya. "Kathy, ako na d'yan." wika ng yaya ni Alexandra na si Tessa. "Salamat! Sa dining area lang ako. Puntahan mo lang ako kapag umiiyak si Alexandra" paalam niya dito at tumango naman ito sa kanya. Si Lea ang nagrekomenda kay Samantha na si Tessa ang kukunin nilang yaya ni Alexandra dahil subok na ito na mapagkakatiwalaan pagdating sa pag-aalaga ng bata. Si Tessa ay isang single mom at may anak ng pitong taong gulang. Mala-Lea din ito sa kadaldalan at napakaprangka magsalita. Biro ni Lea mas magandang kasama niya lagi si Tessa para hindi siya maboring dahil hindi ito nauubusan

