Kasalukuyang naglakad-lakad silang dalawa ni Tessa paikot sa bakuran habang nag-uusap. Tulak-tulak niya ang stroller ni Alexandra dahil may hawak pang isang tasa ng kape si Tessa. Alas sais pa lang ng umaga kaya masarap langhapin ang sariwang hangin na may kasamang halimuyak ng mga bulaklak na namumukadkad sa paligid. May overlooking view ang kinatitirikan ng bahay nina Samantha at Christian kaya masarap sa mata kung masaksihan ang pagputok ng araw kapag maaga kang nagigising. Nakita niya si Christian na papalapit sa kanya kaya kinuha niya ang lampin ni Alexandra at pinunas iyon sa tagaktak niyang pawis. Gumising siya ng maaga at kakatapos niya lang magjogging. Iniwan niya ang anak niya kay Tessa at sinalubong si Christian. "Good morning, Kuya!" masiglang bati niya ng makalapit. "Good m

