NAKATITIG sa kisame si Kathy. Kanina pa siya inaantok pero hindi siya makatulog. Nangingilo ang kanyang puson at gusto na niyang umihi pero hindi niya kaya ang bigat ni Dylan para alisin ito sa kanyang ibabaw. Ayaw niya din namang gisingin ito dahil lagpas isang oras na itong mahimbing na natutulog. Dahan-dahan siyang gumalaw upang makaalis sa pagkakadagan ni Dylan nang hindi ito nagigising. "Success!" mahinang sambit niya nang makatayo na sa gilid ng kama. Sinuot niya ang robe at tinungo na ang bathroom. Nang makaupo na roon ay napahawak siya sa toilet bowl nang matamaan ng ihi ang may sugat niyang p********e. "Ouchhhh... Ang hapdi!" mahina niyang daing. Tinungo niya ang shower room at nilinis niya ang katawan gamit ang maligamgam na tubig na nanggagaling sa shower. Kukunin niya na a

