TINUNGO agad ni Dylan ang elevator para makabalik na sa kanyang presidential suite dahil sa mga titig ng kanyang kapatid na parang may ibig sabihin. Nagkapagpaalam na siya sa tatlo pero nakikita niya sa gilid ng kanyang mga mata na sinusundan siya ng kanyang kapatid. Pati ang mga yabag ng paa nito ay rinig na rinig ngunit hindi na siya nag-atubili pang lumingon. "Dylan!" malakas na tawag ni Samantha sa kanya. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ito. "Yes, ate?" kalmadong sagot niya. "Magtapat ka nga sa'kin, Dylan. Bakit hinayaan mo siyang basta na lang umalis? Eh, samantalang obsessed na obsessed ka doon! Ano'ng pinaplano mo or ano ang ginawa mo? Kilalang-kilala kita, Dylan! Ikaw ba ang dahilan kung bakit biglang nagdesisyon si Kathy na umuwi sa probinsiya nila?" sunod-sunod na

