"MAGPAHINGA ka nga, Kathy! Ang dami mo namang ginagawa, hindi ka ba napapagod?" saway sa kanya ni Trixie.
Si Trixie ay kaibigan niya at kahati sa bahay na inuupahan. Mabait si Trixie, madaldal nga lang pero hindi iyon naging dahilan para hindi niya makagaanan ng loob. Halos magkasing-edad lang silang dalawa. Dito na siya napadpad sa Maynila matapos niyang lisanin ang lugar na kanyang kinagisnan. Ginamit niya ang kanyang ipon para makaluwas ng Maynila at makapagsimulang muli ng bagong buhay.
Kahit mabigat sa kalooban at ayaw ng mga taong malalapit sa kanya na umalis siya, wala silang nagawa. Dinahilan lang niya na mas malaking opportunity ang nag-aantay sa kanya sa Maynila. Pero ang totoo ayaw niyang maulit muli ang pananamantala sa kanya ng kanyang Tito Aries. Inilihim niya iyon at hindi sinabi kahit kanino.
Dito na siya ngayon sa isang public school sa Maynila nagtuturo kahit papaano hindi naman siya nahirapan mag-aapply.
"Tatapusin ko lang itong pagwawalis at sasamahan na kitang manood ng TV." wika niya.
"Naku, ganyan ka naman lagi eh! Oy girl, summer vacation na wala ka bang balak magbakasyon?" tanong ni Trixie.
"Bahay-school, school-bahay ka lang ba talaga? Sa mahigit isang taon nating pagsasama ni hindi man lang kitang nakitang nagbeach man lang hanggang mall ka lang." dagdag pa ni Trixie.
Napangiti na lang si Kathy sa kaibigan. Napakadaldal kasi ng kanyang kaibigan, salungat sa ugali niyang mahinhin magsalita pero iba siya pagmagalit.
"Alam mo, bes... Yung company na pinagtatrabahuan ko magkakaroon ng summer outing this weekend". patuloy na salita ni Trixie at biglang natahimik.
"Tama... Eh, kung ikaw na lang kaya ang isama ko, allowed naman kaming magsama ng family and friends. Pero wala naman akong kamag-anak dito sa Maynila kaya ikaw na lang. Total wala namang pasok sa school dahil summer break na ngayon!" excited na wika ni Trixie.
"Sus, okay na ako dito hindi naman ako nabo-bored dito!" pagtatanggi niya sa kaibigan. Tapos na siyang magwalis at nanonood na ng TV.
"KJ ka talaga, Katrina! Sige ka kapag hindi ka pumayag magtatampo ako sayo. Saka bes, one week kami doon sa private resort ng CEO namin sa Quezon Province. Kapag hindi ka sumama one week kang walang kasama dito. Sige na bes, please!" pamimilit ni Trixie.
"Give me some time to think about it!" Sabay kindat niya sa kaibigan sabay pasok sa kwarto. Subalit sunundan siya ni Trixie at pinipilit na sumama.
"Sama ka na, please! Ipagluluto kita ng chicken adobo for our dinner tonight. Ayaw mo ba no'n?" nakangiting sabi ni Trixie.
Napahinga na lang ng malalim si Kathy bago magsalita.
"Okay, fine!" pumapayag na wika niya.
"Yes!" sabay talon ni Trixie.
"One week tayo doon, bes. I'm so excited! Alam mo kung makita mo lang yung CEO namin, hindi mo talaga pagsisihan na sumama ka."
"Ay naku, kahit gaano pa yan kaguwapo. Wala akong pakialam. Lumabas ka na nga dito maliligo pa ako" pagtataboy niya sa kaibigan.
KASALUKUYANG nasa master's bedroom ng bahay niya si Dylan at malalim na nag-iisip.
"Paano kaya kung mag-hire na ako ng tao para maghanap sayo!" Kinakausap ni Dylan ang pangalawang painting na pinagawa niya na nakasabit sa taas ng headboard ng kanyang emperor-sized bed..
"SH*T! Magmumukha lang akong gago... Magpapahanap ako ng taong sa panaginip ko lang nakikita. Baka pagtawanan lang ako at mapagkamalang 'baliw' ng ihahire kung private investigator kung sakali."
"BALIW" Salitang pauulit-ulit na sinasabi ng kanyang mga kaibigan sa tuwing magkukwento siya tungkol sa babae.
Kahit na nga si Manang Rosa na matagal niyang katiwala at nag-aasikaso ng kaniyang pamamahay ay parang nag-aalala na din sa pagiging obsessed niya sa babae. Mas lumala pa ang pag-alala ni Manang Rosa nang napag-alaman nito na may pinadeliver na malaking painting doon sa resort na pinalagay niya sa presidential suite ng hotel na pag-aari niya.
Halos lahat ng mga empleyado doon sa kanyang private resort na nakakita sa painting na iyon nag-iisip na asawa iyon ni Dylan. Hindi naman masyadong pinag-uusapan ng kaniyang mga empleyado ang kanyang personal life bilang respeto na rin sa kanya bilang kanilang boss.
Basta ang alam lang nila. Napakaswerte ng babaeng mapapangasawa ng kanilang Sir Dylan.
"Iho, nasa baba si Ma'am Angelique." ani ni Manang Rosa.
Biglang nag-iba ang mood ni Dylan sa narinig. Ngunit naglakad parin siya pababa ng hagdan. Nadatnan niya si Angelique na nakaupo sa sofa. Hindi alam ni Dylan kung saan humuhugot ng kakapalan ng mukha si Angelique para magpakita sa kanya. Si Dylan ang sumundo kay Angelique sa NAIA. Sa mismong araw ng pagbalik ni Angelique dito sa Pilipinas sinumbat lahat ni Dylan ang kanyang nalalaman at inamin naman ni Angelique. Kaya pala umuwi ng Pilipinas si Angelique dahil naghiwalay din sila ng kanyang naging boyfriend doon sa Paris.
Angelique asking forgiveness to Dylan and begs that they can start all over again pero ayaw na ni Dylan. Until one day Angelique saw a painting of a woman in Dylan's office. Tinanong ni Angelique si Marissa kung sino ang babaeng nasa painting at sinabi naman ni Marissa ang totoo. Kung papaano siya ni Dylan itrato alam ni na Angelique sa sarili na wala na siyang halaga sa binata.
"Why are you here, Angelique?" inis na tanong ni Dylan. "Isn't it clear to you na tapos na sa atin ang lahat?"
"Honey, let's fix this. Please, I know I made a mistake and I admit it but please, forgive me. Teach yourself to love me again!" pagmamakaawa ni Angelique.
Dylan smiled sarcastically.
"I can forgive you but I can no longer teach myself to love and accept you again... I'm sorry, Angelique!" deretsahang wika ni Dylan.
Biglang nainis si Angelique sa sinabi ni Dylan.
"Why? Are you crazy inlove with that woman of your dreams? Alam mo matatanggap ko naman kung may girlfriend ka ng iba, pero 'yung ipagpapalit mo ako sa babae na parang multo na nararamdaman mo lang pero hindi mo nakikita ay hindi ko matatanggap 'yun!" pabulyaw na boses ni Angelique.
"Look, Angelique! I don't have time to argue with you... You can leave my house now! I'm tired!" Sabay talikod ni Dylan.
Tinawag pa siya ni Angelique pero parang wala itong narinig.
NAIWAN si Angelique sa living room ng bahay ni Dylan. Nanggalaiti ito sa galit dahil pagkikitungo ni Dylan sa kanya.
"Bullsh*t! You will be mine, Dylan! Hindi ako papayag na ang babaeng sa paniginip mo lang nakikita ang magiging kapalit ko! Baliw lang maniniwala sayo na that woman in your dream is real!" galit na nagmartsa palabas ng bahay ni Dylan si Angelique.
Ni hindi na ito nakapagpaalam kay Manang Rosa sa sobrang inis nito.