WALA nang nagawa si Kathy kundi ang pumayag sa gusto ng kanyang Tita Miranda kahit ito ay labag sa kanyang kalooban. Gusto ng kanyang Tita Miranda na huwag ng bumalik sa Maynila at dito na lang tumira kasama ng kanyang asawang si Tito Aries sa bahay na iniwan sa kanya ng kanyang Lola Eva. Nirespito na lang ni Kathy ang desisyon ng kanyang Tita Miranda dahil una sa lahat nakakatanda ito sa kanya. Isa pa kung tutuusin ang kanyang Tita Miranda ang mas may karapatan sa property na iniwan ng kanyang Lola Eva dahil anak niya ito at siya ay apo lang.
Dalawang araw pa lang ang lumipas simula ng mailibing ang kanyang Lola Eva. Namatay ang kanyang Lola dahil sa Diabetes at dahil na rin sa katandaan. Pakiramdam ni Kathy dinudurog ang kanyang puso. Nawala na ang kaisa-isahang kakampi niya.
Hindi namalayan ni Kathy na tumutulo na naman ang kanyang mga luha. Luha na halos isang linggo na niyang nilalabas ngunit tila hindi maubos-ubos.
"Ate, tama na yan!" wika ng nakakababatang pinsan niya sabay yakap sa kanya.
Sa balikat ng kanyang pinsan doon niya binuhos ang sakit na kanyang naramdaman.
"H-Hindi k-ko a-alam k-kung p-paano m-magsimula!" umiiyak na wika ni Kathy.
"Ate, nandito pa naman kami, hindi ka namin papabayaan!" pang-aalo ng kanyang pinsan sa kanya. Kung makapagsalita ang batang ito akala mo matanda na pero 13 years old pa lang.
Napayakap na lang ng mahigpit si Kathy sa kanyang pinsan. Kahit papaano may balikat siyang naiiyakan.
Lumaki sa pangangalaga ng kanyang Lola Eva si Kathy, hindi nito nakilala ang kanyang tunay na ama at namatay naman ang kanyang ina noong 4 years old pa lamang siya. Ang kanyang Lola Eva na ang tumayong nanay at tatay niya hanggang sa lumaki siya. Simpleng buhay lang ang meron sila Kathy sa probinsiya. Malayo sa gulo, malayo sa ingay ng mga sasakyan at higit sa lahat sariwa ang hangin ito ang mga dahilan kung bakit hindi niya ipagpapalit ang lugar na kanyang kinalakihan. Halos lahat ng alaala ng kabataan niya nandito sa lugar na ito at pinapangako niyang hindi niya iiwan ang lugar na ito hangga't maaari.
Malawak ang lupain ng kanyang Lola Eva at maganda ang lupa kaya naman sagana ang ani nila dito. Kung kaya't kahit papaano nakakaraos sila sa pang-araw-araw nilang pangangailangan dahil sa mga gulay, prutas at palay nilang mga tanim dito. Buong angkan lang ng mga Villaruiz ang nagsasaka at naghaharvest dito. Halos 60% ng mga gulay sa kanilang pamilihang barangay ay sa lupa ng kanyang Lola Eva nanggaling pati na rin ang kanilang pagkain sa hapag kainan araw araw ay dito rin naggagaling. "From farm to table" ika nga.
MABILIS na lumipas ang buwan. Si Kathy ay isang public school teacher. Sa edad na 23 years old nagtuturo siya bilang class adviser ng Grade 6 sa kanyang alma mater. Dalawang linggo na lang ay end na ng school year. Busy na sila ngayon sa pagpapagtuturo para sa graduation ceremony. Kahit mahirap sa sitwasyon niyang magturo pinilit niya ang sariling para makapagfucos kahit pa gabi-gabi umiiyak pa rin siya tuwing maalala ang kanyang lola.
Naglalakad na siya pauwi, walking distance lang ang layo mula sa bahay ng kanyang lola sa paaralan na kung saan siya nagtuturo at grumaduate.
Papasok na sa gate si Kathy nang mapansin ang malagkit na tingin ng kanyang Tito Aries.
"Magandang hapon po, Tito Aries!" kalmadong bati niya rito.
Tiningnan lang siya baba-taas ng kanyang tiyuhin. Naka uniform pa siya ng pang teacher na miniskirt ang pang-ibaba. Kitang-kita ang kanya mapuputing legs. Likas na maputi si Kathy kahit magbilad man siya sa araw bumabalik parin ang tunay niyang kulay. Hindi naman masyadong revealing manamit si Kathy nakakapagsuot naman siya ng shorts at sleeveless pero hindi yung mga damit na parang wala ng itinatago sa katawan.
"Iha, may boyfriend ka na ba?" tanong ng kanyang Tito Aries na hindi man lang sumagot sa bati niya.
"Naku po! Wala pa po sa isip ko ang mga ganyang bagay, tito. May tamang oras din para diyan." nakangiting sagot niya.
No boyfriend, since birth si Kathy. Hindi naman sa walang nanliligaw, ayaw niya lang talagang magmadali na magbuo ng sariling pamilya.Sa totoo lang si Kathy ay isa sa pinakamagandang dalaga sa kanilang barangay. Maganda na, matalino pa. Nag-graduate with highest honor sa elementary and high school at nag-graduate siya ng c*m Laude sa college. Marami ng nagtangkang ligawan siya pero ni isa walang lalaking nagtagumpay na nakatanggap ng matamis na "OO" ng dalaga.
Mabilis na pumasok sa kanyang kwarto si Kathy nang makita ang ngiti ng kanyang tiyuhin na parang may pinaplanong kademonyuhan. Palaging wala roon sa bahay ang kanyang Tita Miranda pumupunta ito lagi sa kabilang barangay at buong araw na nagsusugal.
NARAMDAMAN ni Kathy na parang may humihila sa kanyang kumot. Idinilat niya ang kanyang mata ngunit kasabay nito ang malakas na pagtakip ng kamay sa kanyang bibig.
"Huwag kang sumigaw! Papatayin kita!" nakangising wika ng kanyang tiyuhin.
Walang magawa si Kathy dahil nakadagan ang kanyang tiyuhin sa kanya katawan. At naaninag niya sa dilim ang kutsilyong hawak nito na katutok sa kanyang mukha. Lihim siyang napadasal na sana may tumulong man lang sa kanya.
Nangilid ang luha sa mga mata ni Kathy ng maramdaman ang paghimas ng kanyang tiyuhin sa kanyang iniingatang bahagi ng kanyang katawan. Hindi niya akalaing may taong gagawa ng ganito sa kaniya at ang masakit tiyuhin niya pa.
Naramdaman niyang dahan dahang binababa ng kaniyang tiyuhin ang kanyang panty.
"D-diyos ko! T-tulungan niyo ako!" mahinang dasal niya.
Bigla tumigil sa ginawa ang kanyang tiyuhin nang makarinig sila ng malalakas na katok sa pinto.
"Aries! Kathy! Buksan niyo 'to! Ano ba! Punyemas! Buksan niyo ako ng pinto!" sigaw ng kanyang Tita Miranda buhat sa labas.
Dali-daling lumabas ng kanyang kwarto ang kaniyang tiyuhin.
"Salamat!" pabulong na bigkas sa kawalan ni Kathy. Hindi pa rin pala siya pinababayaan ng diyos.
Hindi na natulog si Kathy nagsimula na siyang mag-impake ng mga importanteng gamit niya. Gigising na lang siya ng maaga para mailagay iyon sa tree house na nasa likod ng kanilang bahay.
"Tatapusin ko lang ang graduation ng mga estudyante ko. Aalis na ako sa lugar na ito!" sa isip niya.
"Magandang araw po, Principal!.. Pwede ko ho ba kayung makausap privately?" nakangiting bati niya sa Principal.
"Sure, Ms. Villaruiz!" nakangiting sagot ng kanilang punong guro sa kanya. "Sumunod ka sa'kin sa principal's office." dagdag pa nito.