REPENTANCE

2085 Words
Chapter 2 -Zen Levy- Naka sakay ako ngayon sa private plane at pauwi ng pilipinas para bisitahin na rin ang aking ina dahil matagal na nitong gusto akong makita at makasama ako subalit sa dami ng transaction kailangan kong tapusin ay hindi agad ako makauwi sa mansion ng mga magulang ko at labis iyong ikinagagalit ng aking ina. Hindi pa naman tumatnggap ng dahilan ang aking ina kaya madalas ay kay Daddy ako humihingi ng tulong kapag alam kong galit na sa akin si Mommy. Ang huling uwi ko dito ay ung libing ni Kendal ang pinsan kong inakala ng lahat na namatay dahil sa isang pagsabog. Pero ang totoo ay nasa pangangalaga lang ito ni Patterson. Gago, din ang isang yon wala na yatang balak ibalik sa magulang nito si Kendal, pero kung ako ang masusunod ay mas gugustuhin kong nasa feeling na rin ito ng binatang yon dahil alam kong mahal talaga nito ang pinsan ko, kahit alam kong mahihirapan din dito si Kendal dahil sa isa ring itong kagaya kong may tungkulin sa aming angkan. Pero ganon pa man ay hindi na ako nakialam, alam ko rin naman darating ang araw na mananagot ito kay Kendal kilala ko rin ang isang iyon wala yun pinapalagpas, lalo na kapag bumalik na ang ala-ala nito at tiyak na pagbabayarin nito ang binata.Pero bukod sa aking ina ay meron akong gustong makuha. At sisiguraduhin kong mapapasa akin ang taong yon kahit ano pa ang mangyari, sa tagal kong hinintay na mapasaakin ang babaeng yon ay hindi ko na rin sasayangin ang ganitong pagkakataon dahil magiging akin ito para pahirapan at iparanas dito ang lupit ko sa lahat ng bagay. Pasado alas-otso ng gabi ng dumating ako sa mansion ng mga magulang ko at ganito pa rin ang ayos nito at makikita na alaga pa rin ito ng aking ina. Lalo na ang garden nitong punong-puno ng mga roses na paborito nito at talagang binibigay ni Daddy ko ang lahat na maibigan ng aking ina ng sa ganoon ay hayaan kami nito sa aming mga nais gawin o tahakin. Pagkapasok ko ay nakita ko ang mga kakambal kong nanonood ng tv at nagulat pa ang mga ito ng makita ko, wala din kasing nakakalam na pag-uwi ko ngayon maliban kay Daddy kaya talagang gulat at pagkabigla ang kanilang naging reaksyon sakin. “Para kayong nakakita ng multo, anong akala n’yo hindi na talaga ako uuwi dito ha?” Inis kong tanong sa mga ito dahil talagang tulala silang lahat sa akin. Actually, hindi na ako na rin naman sila masisisi dahil talagang matagal akong nawala dito simula ng palitan at hawakan ko ang naging posisyon ni Daddy sa mundo ng mafia world. Wala na rin naman ako magagawa dahil ako talaga ang napili ng lahat na humalili sa aking ama noong nagbitiw na ito sa kanyang tungkulin at isa pa ay isa na rin ito sa nais n gaming pamilya kaya talagang wala akong naging takas ng mga panahon na yon. ”Grabe, ikaw ba talaga yan Zen? Ang laki ng pinagbago mo, pumogi ka rin ha? Pero s’ympre mas pogi pa rin ako sayo.” Birong tanong naman sa akin Zac ang maloko kong kapatid. At malakas mang-asar sa aming apat, napairap na lang ako sa pagiging mahangin nito. “Anong problema at umuwi ka Zen? Bakit, may papatayin ka naman ba?” Inis na turan sa akin ni Zev at muling nagpokus sa kanyang pinapanood.Sumama naman ang templa ko dahil alam kong may laman ang sinasabi nito sa akin. “Umuwi ako para makita si Mommy, at h’wag kang mag-alala ipapaalam ko sayo oras na may gusto akong patayin kung gusto mo sa harapan mo, ko pa gawin ang pagpatay ng sa ganoon makita mo na rin kung ano ang ginagawa ko sa mga trador na tulad ng kaibigan mo.” Galit kong sagot dito at tinalikuran ko na ang mga ito. Matagal na rin itong may galit sa akin mula ng malaman nitong napatay ng mga tauhan ko ang kaibigan nitong isang traydor. Papasok na sana ako sa kusina ng marinig ko ang boses ni Zhane ang kapatid kong babae at nagtatakbo papalapit kay Mommy. Hindi pa ako nito nakita kaya naman hindi ko na lang din ito pinansin pa dahil nagmamadali itong makausap si Mommy. “Ano ka ba naman Zhane, anong bang problema mo at para kang hinahabol ng sampung aso yan?” Saway dito ni Mommy habang nag-aayos ng magiging hapunan naming. “Mommy, dumating naba si Kuya Zen, nakita mo na ba s’ya? Narinig kong ngayon ang dating ni Kuya Zen mula sa Italy, totoo po ba Mommy?” Nagmamadali nitong tanong kay Mommy at hinihingal pa ito, at hindi naman exciting ang nakikita ko dito kung di para itong natatakot na hindio ko maintindihan. Napapaisip pa ako kung bakit ito mukhang natatakot sa pagdating ko. Hindi muna ako nagpakita sa mga ito dahil parang may gusto pang sabihin si Zhane sa aming ina. “Eh, ano naman kung ngayon ang dating ng Kuya mo? Maganda ngayon at matagal na ring hindi nakauwi dito sa mansion ang kapatid n’yo. Saka pwde ba Zhane kumal ka nga muna yan daig mo pang pusang hindi mapaanak eh!” Baliwalang sagot naman ni ni Mommy dito, subalit malakas ang kutob kong may ginawang kalokohan si Zhane at ganito ang nagiging tanong nito sa aming ina. “Eh, Mommy, hindi pa pwdeng umuwi siya Kuya ngayon dito. Dahil hindi ko pa naaayos ung isa sa mga baril na collection n’ya, tiyak akong magagalit yon oras na malaman n’yang nasira ko yung baril na yon, Mommy.” Kinakabahan nitong sabi, halos mabingi naman ako sa sinabi nito kaya wala na akong nagawa at nagpakita na ako sa mga ito. “What did you say Zhane? Anong ginawa mo sa baril ko?” Mahina pero may diin kong tanong dito at habang lumalapit ako dito, at nakikita kong sumisiksik naman ito sa likod ni Mommy at puno ng takot ang makikita dito. Alam kong hindi na rin nito alam ang kanyang gagawin pero ayaw kumalma ng galit ko dahil sa nalaman kong may nasira sa mga collection ko ng baril na matagal kong inalagaan. “I’m sorry Kuya Zen, hindi ko naman sinasadyang masira ko yung baril mo eh! Saka alam mong matagal ko na rin gustong gamitin ang mga baril mo, ang kaso lang nasira ko kaya Kuya sorry na po talaga. Promise po ibabalik ko sa dating ayos n’ya ung baril mo, at saka sabi naman ni Daddy s’ya na lang daw ang magsasabi sayo dahil alam n’yang magagalit ka sa akin.” Nakayuko at mahina nitong sambit sa akin, nakatingin sa aming dalawa si Mommy at mukhang hindi rin nito kayang pigilan ang galit na meron ako para sa bunso kong kapatid nito. “Ako na lang ang bahalang mag-ayos sa nasira ni Zhane sayo, kaya h’wag ka ng magalit yan baka sarili mong kapatid ang mapatay mo.” Singit naman ni Zev, at masamang tumingin sa akin. Napayukom ang kamao ko dahil sa pinipigilan kong galit, alam ko kasing hindi naman tungkol sa nasirang baril ang tinutukoy nito, kung di sa kaibigan pa rin nitong nawala ng dahil sa akin. “Wala kang kinalaman sa pinag-uusapan namin, kaya pwede ba h’wag kang humalo sa mga ganitong sitwasyon dahil hindi ka naman nakakatulong. Kung gusto mo ipabanga mo rin kay Zhane ang lahat ng kotse mo ng sa ganoon makita rin nila kung paano ka magalit? Hindi yung nakikialam ka sa usapang hindi mo naman dapat salihan.” Sagot ko at nakipagtitigan pa dito, nanglaki pa ang mga mata nito dahil alam ko rin kung gaano n’ya alagaan ang lahat ng kanyang kotse kung tutuusin ay mas maselan pa ito kaysa sa akin, kaya wala itong pakialam kung ano mam ang gusto kong sabihin sa kapatid namin ngayon dahil sa akin ito may kasalanan hind isa kanya. Hanggang sa makarinig kami ng isang nabasag na plano. Sabay pa kaming napatingin kay Mommy na ngayon ay umiiyak. “Umalis na kayo kung sa harap ko pa kayo mag-aaway-away, ang buong akala ko tama ang pagpapalaki ko sa inyo pero ngayon ko napagtanto na nagkamali pala ako sa pagiging ina sa inyo, umalis na kayo dahil hindi ko kailangan ng anak na kagaya n’yo. Para kayong hindi magkakakambal kung magsalita kayo sa isa’t-isa?” Umiiyak na sambit sa aming lahat. Tumalikod ito at iniwan kaming apat sa kusina. Walang gustong magsalita sa amin kahit na isa, hanggang sa lumapit sa akin si Zhane at saka muling nagsalita. “Sorry Kuya Zen.” Umiiyak nitong sambit sa akin at saka humawak pa sa kamay ko at umalis na rin ito pagkatapos. Nakaramdam ako ng matinding galit sa sarili ko dahil sa inis na hindi ko mapigilan. Alam kong mali ang binitiwan kong salita sa kapatid ko, pero kasi mahalaga rin naman para sa aking ang collection ko ng mga baril dahil masasabi kong naging buhay ko na rin naman ang mga ito lalo na noong panahon na nagsisimula pa ako bilang mafia lord. Ilang sandali pa ay isang katulong ang humahangos at sinabing hinimalay daw si Mommy sa may sala. Mabilis ang naging kilos namin at naisugod agad namin ito sa pinakamalapit na hospital na kami rin mismo ang nagmamay-ari. Natakot ako dahil alam kong masama ang loob nito kaya ito inatake at kamuntikan ng mastroke, mabuti at magaling ang humawak dito at mabilis din naagapan at naging ok na rin ito kalaunan. Pero ayaw nitong makita isa man sa aming magkakapatid, kaya nasa labas lang kaming apat at tahimik na nagpapakiramdaman. Lumabas si Daddy sa kuwarto ni Mommy kaya napalapit ako dito. “Dad, kamusta na po si Mommy? Ayaw pa rin po ba n’ya kaming makita Dad?” Tanong ko dito, pero sinamaan lang ako ng tingin nito na alam ko na agad ang ibig sabihin. Napayuko ako dahil kilala ko si Daddy pagdating kay Mommy, kahit anak pa ako nito siguradong hindi niya palalagpasin ang mga nangyari sa aming ina. “Huwag muna magpakita sa Mommy n’yo habang nagpapagaling pa siya. Sa mga condo na lang muna kayo tumuloy lahat, mas gugustuhin kong hindi kayo makita, kaysa makita ko sa mata ng aking asawa ang pagsisisi dahil hindi niya matanggap na ganyang klaseng anak ang kanyang pinalaki at inagura ng mahabang panahon.” May diin na sambit ni Daddy sa aming lahat. Napasabunot naman si Zev sa kanyang buhok dahil sa naging desisyon ng aming ama, na hindi muna namin pwdeng makita at makausap ang aming ina na ngayon ay may sakin ng dahil na rin naman sa aming magkakapatid. “Daddy, sorry po.” Umiiyak na sambit ni Zhane. Pero hindi ito pinansin ni Daddy at tumalikod na ito sa amin at pumasok na muli sa kuwarto ni Mommy. Ni lingon ay hindi ginawa ng aming ama sa aming mga anak nito. Muli naman akong napaupo at wala akong maisip na dahilan para naman magawa kaming patawarin ng aming ina, pero bilang anak nito ay labis kaming nalulungkot sa sakit na nararamdaman nito para sa amin. “Ano ngayon, ha? Dahil sa pag-aaway ninyong dalawa, nagkasakit si Mommy, tapos ngayon ayaw na niya tayong makita ni isa sa atin ay hindi niya tanggap bilang anak niya? Hindi naman kayo ganyan dati Zen, Zev sa katunayan naiingit pa nga ako sa pagiging closeness n’yong dalawa, saan na napunta ang pagtingin n’yo bilang kakambal ko?Dapat alam n’yo rin na dapat kayong magpatawad sa isa’t-isa hindi puro ego yang pinaiirat n’yong dalawa. Alam n’yo sa totoo lang nakakatakot na rin kayong dalawa, kung minsan iniisp ko kung kayo pa ba ang kakambal ko dahjil ankikita kong punong-pino kayo ng galit sa bawat-isa. At kung ipagpapatuloy n’yo ang ganitong paninindigan baka tuluyan ng masira ang pamilyang ito.” Galit na turan ni Zac sa amin ni Zev. Napatingin naman ako dito pero pagkatapos nitong magsalita ay umalis na rin ito kasama si Zhane. Nagkatinginan naman kami ni Zev pero masama lang ako nito tinignan ata saka umalis na rin. Napahilamos naman ako sa aking mukha at napapaisip na sana ay hindi na lang ako umuwi. Baka sakaling ayos pa si Mommy ngayon. Nakatingin pa rin ako sa saradong pinto ng kuwarto ni Mommy ng may makita ako isang babae na kakaiba ang aura para sa akin. Pumasok ito sa loob ng kuwarto ni Mommy nasundan ko pa ito ng tingin hanggang sa maisara nito ang pintuan. Hindi ko alam pero napapagaan nito ang aking pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD