Chapter 3
-Zen Levy-
Dalawang araw ng nasa hospital si Mommy, at ayaw pa rin nitong makita isa man sa amin na mga anak niya. Nagalit talaga ito ng husto sa amin, at wala naman kami magawa dahil kahit na anong mangyari siya parin ang aming ina at kailangan naming sumunod sa kung ano man ang nais ng aming ama na hindi muna ito makita habang nagpapahinga pa rin ito. Nasa condo pa rin ako at wala rin ako sa mood na lumabas muna may mga kaibigan akong nagtetext sa akin para makipagbonding sa kanila habang andito pa ako sa bansa subalit wala talaga ako sa mood dahil sa iniisip ko si Mommy at ang galit nito sa aming apat. Noon pa man ay malimit ng magalit si Mommy sa amin lalo na kung hindi kami nakakauwi ng mansion at kapag gusto nitong makita kaming lahat na complete sa hapag kainan. Sa ngayon ang mga tao ko muna ang pinababantayan ko sa babaeng anak ni Felix Vizer, hindi ito maaaring mawala sa patingin ko dahil kailangan ko itong makita at makuha kahit ano pa man ang mangyari.
Ang buong akala ni Felix ay tuluyan na n’ya akong natalo nguni’t nagkakamali siya dahil isang pasabog ang ibibigay ko sa kanya oras mahawakan ko ang anak nito. Umiinom ako ngayon ng alak habang nakatayo sa may bintana at nakatanaw sa malawak na lugar at pinag-iisipan kong mabuti kung ano ang gagawin ko sa mag-ama oras na makuha ko ang mga ito. Hanggang sa mag ring ang phone ko sa loob ng aking bulsa.
“Anong problema mo James?” Tanong ko sa tauhan kong nasa Italy at nag-aasikaso sa ibang transaction na meron ako, tiwala naman ako dito dahil si Daddy mismo ang nag training dito kaya alam kong hindi ako nito lolokohin dahil kilala nila ako kung paano magalit at pumaslang.
“Lord, maayos po ang naging transaction kay Mr. Chin at sa dalawa pang Chinses na nakausap naming kagabi at ipapaalam ko lang po sana sa inyo na ok na rin ang deposit sa account ninyo at itatanong ko lang din po kung kakalanganin nyo pa kami yan, ng sa ganon ay makaalis na agad kami dito.” Magalang nitong sagot sa akin. Tumango na lang ako kahit na hindi ako nito nakikita, inubos ko muna ang laman ng alak sa baso bago ko pinatay ang tawag nito.
At bumalik na muna ako sa kuwarto ko para magbihis at pupuntahan ko si Mommy ngayon kahit pa ayaw niya akong makita. Alam ko naman na hindi nito matitiis ang anak niya kaya naman gagawin ko pa rin ang nais ko na makita s”ya. Ilang sandali pa ay nasa loob na ako ng hospital at naglalakad ng parang hari, wala rin ako pakialam sa mga tanong nakatingin sakin dahil hindi naman mahalaga sa akin ang mga ito, at kung ayaw nila ng gulo lumayo sila sa akin.
Kasalukuyan pa rin ako naglalakad ng may makabangga akong isang nurse, babagsak na nasa ito sa sahig kong hindi ko ito nahawakan sa bewang at ang kamay naman nito ay pumulupot sa batok ko. Napatingin ako sa mata nitong asul at makikita dito ang pagkakaroon ng ibang lahi dahil sa kutis nitong makinis at sadyang maganda ang katawan, mapula naman ang labi nito at naaamoy ako ang mabango nitong aroma na hindi ko nakikita sa ibang babae. Nakatingin ito sa akin at makikita sa mga mata nito ang paghanga na makita ako at parang may natutulak sa isip ko na gusto ko lang ito hagkan at hindi na ito paalisin sa mga bisig ko.
Piling ko ay huminto ang mundo ko dahil sa pagtatakpong yon. Nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko na kahit kaylan ay hindi ko pa nararamdaman sa kahit na sinong babaeng nakasalamuha o nakatabi sa kama iba talaga ang hated ng babaeng ito at kung hindi ko lang iniisip na maraming makakakita sa amin ay baka napatuwad ko na rin ito ngayon sa harapan ko. Hindi rin naman ako pumapatol sa mga babaeng walang kuwenta, model at artista ang nakakrelasyon ko, pero ito ibang-iba sa lahat. Pero never pa ako nakaramdam sa kanila ng tulad ng nararamdaman ko ngayon sa babaeng nasa bisig ko, kaya bago pa lumalim ang aking iniisip ay tinayo ko na ito at nang masigurado kong ayos na ito ay basta ko na lang ito iniwan ng walang salitang binibigay dito at nakita ko na lang ang pagiging tulala nito na animoy na naginip ng gising.
Darecho akong pumasok sa room ni Mommy at nagulat pa itong makita akong biglang pumasok na parang may pinagtataguan. Napahawak na lang ako sa aking batok para doon ituon ang inis na nararamdaman ko dahil parang ng ibang tao ako ng mga sandaling nasa bisig ko ang dalaga yon.
“Sinong may sabing gusto kita makita Zen Levy?” Inis na sambit ng aking ina habang kumain ng prutas at katabi nito ang isang kasambahay namin na inaayos namana ng mga gamit ng aking ina. Napayuko naman ako dahil nahihiya ako sa aking ina na ngayon ay masama ang tingin sa akin.
“Sorry po Mommy, alam kong may mali ako sa inasal ko noong nakaraan araw pero sana po maintindihan rin n’yo ako. Ang tagal kong inalagaan ang mga collection ko ng mga baril kaya po naiinis lang ako ng malamang ginalaw at nasira pa ni Zhane ang mga yon.” Mahinahong pagkakasabi ko dito, pero sa loob-loob ko ay nagpupunyos na ako sag alit sa tuwing maiisip kong nasira ang isan g baril na paborito kong gamitin noon pa man, hindi na ito nakatingin sa akin at nakatanaw ito sa malayo at halatang ayaw pa ako nito kausapin.
Naupo ako sa tabi nito pero lumalikod lang ito sa akin napabuga na lang ako ng hangin dahil sa mukhang mahihirapan ako ngayon kay Mommy, bihira lang ito magalit pero matindi naman ito magtampo at siguradong gagawa ka talaga ng paraan para lang masuyo mo ito. Pero Mommy ko pa rin ito at hindi ko pwedeng sukuan dahil tiyak na si Daddy ang mahihirapan dito at damay kaming lahat kapag nagkaganon, kaya naman hinayaan ko na lang muna ito ng sa ganoon ay makita nitong nagsisisi na rin ako sa ginawa ko.
Ilang sandal katahimikan pa ang lumipas hanggang sa bumukas ang pinto at isang nurse ang pumasok para ayusin ang suero na nakakabit kay Mommy. Ako naman ay tumayo at nagpunta sa may bintana para tumanaw sa paligid, hanggang sa marinig ko ang malambing na tinig na nagmumula sa isang babae. Dahan-dahan pa akong napalingon at nagkita ko ang magandang ngiti ng isang nurse kay Mommy at mukhang magkasundo na rin ang dalawa dahil sa nakita kong umaliwalas ang mukha ni Mommy ng dumating ito.
“Good morning, madam, kamusta po ang tulog ninyo? Ang sabi po pala ni Dr. Anderson ay pwde na daw po kayong lumabas mamaya basta pohindi n’yo kakalimutan ang uminom ng gamut at iwas po muna tayo sa stress ng sa ganoon po ayhindi mawala ang gandang likas na meron po kayo Madam.” Masayang sambit ng nurse, at natulos lang ako at hindi kinatatayuan at hindi ko rin maigalaw ang aking katawan ng makita ko ang nurse na nag-bibigay sa akin ng hindi normal na pag-t***k ng aking puso, para may naghahabulan sa loob ng dib-dib ko at alam ko na hindi na rin ito tama subalit anong magagawa ko hindi ko rin magawang lumayo sa dalaga ito.
“Mabuti na ako iha, maraming salamat sa pag-aalaga mo sakin alam mo bang ayos lang sa akin ang magkasakit basta ikaw ang magiging nurse ko palagi. Ang ganda at ang bait mo pa nakikita kong ang suwerte ng lalaking magugustuhan mo dahil mabuti kang tao. Nga pala pwde ko bang malaman kung may nobyo ka na iha o may lalaki ka na bang nagugustuhan?” Nakangiting tanong ni Mommy dito. Hindi ko alam pero parang nasabik akong malaman kung may boyfriend na nga ito.
“It’s me” Sagot ng isang doctor na kakapasok lang. Napatingin ako dito at nakita ko sa mata ng nurse ang pagtataka nagulat rin ito at hindi naniniwala sa naging turan ng lalaking doctort. Lumapit ito kay Mommy at kinamusta rin ang kalagayan nito subalit ang mata ko ay nasa nurse na ngayon ay napipilitan na ring ngumiti sa harapan ng aking ina dahil nahihiya ito sa naging sagot kanina ng doctor na ngayon ay nasa tabi ng dalaga.
“Dr. Anderson, good morning po!.” Nakayukong sambit ng nurse at saka lumayo ng konti ng sa ganoon ay matignan nito ang aking ina, ito pala ang doctor na tumitingin kay Mommy. Tinignan ko mabuti ang binatang doctor at hindi ito pamilyar sa akin subalit kilala ko ang mga Anderson ata ng alam ko kaibigan rin ni Daddy ang mga ito. Pero kahit na ganoon ay hindi ko gusto ang porma ng lalaking nasa tabi ngayon ng nurse dahil halata dito na may gusto ito sa dalaga.
“Ikaw ang boyfriend ng magandang binibini na ito doctor? Aba! Eh, mukhang hindi naman alam ng nurse na ito na ikaw ang kanyang kasintahan?” Tanong ni Mommy sa dalawa. Nakita kong umiling lang ang babaeng nurse kaya kahit papaano ay napanatag ang kalooban ko pero masama ang tingin ko sa doctor na pinipilit na silang dalawa ng nurse.
“Actually, po nangliligaw na ako sa kanya pero hanggang ngayon po ay hindi pa rin ako nito sinasagot. Baka po pwde n’yo akong matulungan na mapasagot ang magandang babaeng ito, dahil gusto ko naman po siyang talaga, Madam?” Nagpapacute pang sagot nito sa Mommy ko at tumingin rin ito sa nurse na nasa kanyang tabi lang.
Nakatingin naman si Mommy sa dalawa at nakikita kong naiirita na rin ito sa binatang doctor. Habang ang nurse ay pinatitigil ang doctor dahil sa naka-akbay na ito sa kanya at alam kong nahihiya na rin ito sa nagiging kilos ng doctor. Sumidhi naman ang galit ko ng makitang dumikit ang katawang doctor sa katawan ng nurse, ewan ko pero parang gusto kong patayin ngayon ang lalaking doctor at itapon ang katawan nito sakulungan ng mga tiger na alaga ng pinsang kong si Gift.
“Ahmm, sorry po Madam palabiro lang po talaga si Dr. Anderson, babalik na lang po ako mamaya para tangalin ang suero ninyo po at iaayos ko na rin po ang paglabas n’yo ng sa ganoon ay makapagpahinga kayo ng maayos sa bahay n’yo po. Salamat po ulit, Madam.” Magalang na sagot ng nurse kay Mommy, hindi ko pa man alam ang pangalan nito pero sisiguraduhin kong magiging akin ito kahit umayaw pa ito. Tumango na lang si Mommy dito sa dalawa at nakita kong ayaw ni Mommy sa doctor para sa nurse, umalis na rin ang dalawa hinila na rin kasi ito ng dalaga ng sa ganoon ay matigil na rin ang pantasyang lalaking doctor na nobya s’ya nito. At saka pa lang ako nakahinga ng maluwag ng malamang kong wala pang nagmamay-ari sa dalagang yon.
“Anong pang tinatayo-tayo mo yan umalis ka na rin Zen Levy, at hindi ko kailangan ng anak sa ngayon.” Mataray na tanong ni Mommy sa akin at saka nahiga at ipinikit ang kanyang mata, na animoy matutulog na. Napakamot pa ako ng ulo dahil sa ang hirap talaga paamuin ni Mommy ngayon.
“Hindi po ako aalis Mommy kahit pagtabuyan mo pa ako. Saka ako ang maghahatid sa inyo mamaya pauwi.” Sagot ko dito at humiga sa coach para din makapagpahinga feeling ko ay tumakbo ako ng sobrang tulin at walang finish line, nakakapagod naman talaga ang ganitong pakiramdam at kahit ipikit ko ang aking mata, ang maganda mukha ng nurse na yon ang nakikita ko sa aking isipan.
“Huwag mo na akong bantayan Zen Levy, at alam kong hindi naman talaga ako ang pinunta mo dito sa bansa. Saka diba busy kang tao kaya makakaalis ka na at kung gusto mo h’wag ka na rin bumalik?.” Galit parin nitong turan sa akin, ibang klase ito magalit at magtampo. Sa tingin ko lang kung si Mommy ang naging mafia queen tiyak na mahihirapan ang lahat ng kalaban dito at hindi n’ya talaga hahayaan nabigyan ng isa pang pagkakataon ang lahat ng magiging tauhan nito. Hindi na rin ako sumagot pa at nagpanggap na natutulog ng sa ganoon ay wala na rin itong magawa sa akin dahil kahit ano pa ang sabihin nito ay hindi ako aalis sa tabi nito ngayon.
“Ang titigas ng mga ulo ninyo, manang-mana kayo sa ama n’yo. Kung sana ay buhay pa ang Kuya Jeremie, mo siguradong may kakampi pa ako ngayon.” Mahina nitong sambit na umabot sa tenga ko.
Si Kuya Jeremie siya ang ampon ni Mommy noon, naaalala ko pa na sobra nitong mag-alalaga sa amin siguro kung nabubuhay pa ito ngayon ay mas masaya nga si Mommy. Hindi naman kami nakakaramdam ng selos para dito dahil alam naman namin mahal din kami Mommy at mahalaga kami dito dahil kami ang tunay na anak. Pero nasasaktan lang ako dahil hanggang ngayon si Kuya parin ang palagi nitong naiisiip sa tuwing galit s’ya o may mabigat na dinadala .