Chapter 14 -Zen levy- Nagising akong may benda ang ulo ko at masakit rin ang balikat ko maging ito at may benta, malamang na dito ako dinala ni Jack kagabi para ipagamot kay Dr. Salazar ang private doctor ko. Muli naman akong napahiga ng sumakit ang balikat ko dahil sa pagpipilit kong bumangon. Napamura pa ako sa aking isipan ng maalala ko ang mga nangyari kagabi. Sinugod naming ang isa sa mga kuta ni Felix ang ama ni Annalou dahil napag-alam naming maraming minored edad na mga batang babae ang kinidnap nito at ibebenta sa mga parokyano sa mga club. Iyan ang isa sa kanyang mga negosyo at ang iba ay drug at pagbebenta ng mga baril. Kaya naman dapat ko nang matapos ang negosyo nitong walang kuwenta. Nagkaroon ng matinding labanan sa pagitan ng aming dalawa ni Felix pero halos maubos

