Chapter 15 -Zen levy- Pagkatapos nitong gamutin ang sugat ko at sabay na kaming kumain ng umagahan dito mismo sa loob ng kuwarto ko dahil sa hindi pa ako pwdeng maglakad-lakad. “Mas mabuti kung ipapatawag mo na ang kaibigan mong si Dr. Salazar para matignan parin ang sugat mo at mabigyan ka ng tamang gamot na maiinom.” Salita nito sa seryosong boses. “Okay! I'll do that. By the way, thank you for what you did for me and my colleagues.” Sagot ko dito habang sumusubo ng kanin. “Sige, lalabas na ako at sa tingin ko naman ay ayos ka na. Kaylangan ko pang magtrabaho dito sa mansion mo at ayokong maging palamunin mo lang.” Sambit nito sa inis pa ring boses. Nakatingin lang ako dito hanggang sa makalabas ito ng kuwarto. Naramdaman ko namang tumunog ang phone ko na nakatapong side tabl

