TALA
Nakatingala ako sa malaking pangalan ng gusali at napangiwi habang tinatakpan ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Marami na ang pinagdaanan ko para lang marating ito.
Nang mawala ang anak ko ay agad akong lumuwas ng Maynila bitbit ang determinasyon. Namasukan hanggang makaipon at makapag-aral ng ALS. Natuto na rin akong makipagsabayan sa mga tao sa maynila. I graduated college with a two-year secretarial course.
"Stella, bakla ka ng universe! Sigurado kana ba ditey?"
Nilingon ko si Jerry na nakangiwi at nasa likuran ko. Bakas ang inis nito dahil sa pagpupumilit ko na mag-apply. Bitbit ko ang resumè at mga requirements na nagsimulang humakbang.
"I have to do this—aray!" masama ang tinging pinupukol ko sa kaniya dahil sa biglang paghila niya sa buhok ko pabalik.
"Hoy, Tala. Ang laking kumpanya ng gusto mong pasukin, alam mo ba 'yon? May I remind you, ang degree lang na mayroon ka yung 36 degree celsius na temperature ng katawan mo. Bukod doon, wala na."
"Sinama ko sa resumè ko na nanalo ako sa chess nang college—aray! Nakakadalawa kana!" singhal ko at inayos ang aking buhok.
"Tanga, hindi counted 'yon! Boba talaga!"
Ngumuso ako. "Achievement naman 'yon."
"Alam mo, Tala. Nababaliw kana—"
"Hindi ba may pasok ka?" pag-iiba ko ng usapan. Mas matatagalan kasi ako kapag hindi siya umalis ng kusa.
"Skeleton kami ngayon, namumulubi si Sajang-nim," tukoy nito sa boss niyang koreano.
"Anong skeleton? Tangek! Skeletal, boba ka rin," natatawang sabi ko sa kaniya.
"Mag-bff tayo, magka-level ang IQ natin. Teka nga! Nilalayo mo ang usapan natin, nakarating na ng Baguio as friends," nakataas ang kilay nito. "H'wag mo akong ine-echos, Tala."
Huminga ako nang malalim at tinitigan siya nang mataman. Tumango ako na ikinalaki ng kaniyang mga mata. Muli akong tumalikod at itinuro ang pangalan ng gusali.
"Nandiyan si Lucas at pupuntahan ko siya."
"Stella! Gagang 'to?! Seryoso ka talaga?" pangungulit ni Jerry.
Napabuntong-hininga ako at tuluyan siyang hinarap saka nameywang. Jerry is my gay bff, na kung mag-bihis ay parang nagta-trabaho sa bar kahit waiter sa isang samgyupsal restaurant naman talaga ang trabaho niya.
"Jerry, once in blue moon lang mag-hiring ang Calientes at kailangan kong mag-take ng risk."
Itinirik lang nito ang mata na animo'y sinasapian ng maligno. "Gaga! Hindi ka nga kasi tatanggapin diyan, kasi 2-year course ka lang! Bachelor degree hinahanap sa ganiyan 'no!"
Ngumuso ako dahil alam ko naman at iyon din ang nakalagay na qualifications na naka-post sa website. Pero kailangan ko talagang makapasok sa buhay ng mga Calientes para bawiin si Lucas sa kanila. I need to show them how I love Lucas. Kung kailangan ko patunayan ang sarili ko gagawin ko.
"Wala namang mawawala kapag sinubukan ko—"
"'Yong beauty ko ang mawawala dahil sa stress sa 'yo, Tala." Nagpaypay ito ng sarili dahil alam kong inis na inis na siya.
Jerry was my classmate in ALS and we became bestfriend. Sa iisang apartment na rin kami nakatira at alam niya ang dahilan kung bakit ako narito sa harap ng Calientes building. Alam niya ang kwento ng buhay ko.
"Jerry alam mong kailangan kong gawin 'to. Nangako ako kay Lucas—"
"Tala, isipin mo. Kung mahal ka ni Lucas o Thaddeus o kung sinong pontio pilato 'yan, dapat hinanap kana niya dati pa. Tala, boba tayo sa academics dati, h'wag naman pati sa pag-ibig."
"Jerry, mahal ko si Lucas. At babawiin ko siya. Alam ko may rason kung bakit—"
"Hay nako, oo na nga. Hindi ka naman magpapapigil," aniya at humalukipkip. "Ibaba mo ng kaunti ang neckline mo para maglaway ang bebe Lucas mo kapag nakita ang dede mo."
"Gaga," natatawang sabi ko.
"Feeling virgin? Oh siya! Bilisan mo na," kumaway ako saka tumalikod. Pumasok na ako sa loob ng building at agad naman akong pinapasok ng gwardiya na nakangiti lang sa akin.
Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil ang laki ng building at nakakahilo ang amoy ng aircon. Poorita talaga ako, kahit kailan. Nang dumako ang mga mata ko sa reception area ay agad akong lumapit doon.
"Ma'am, aplikante po ako. Saan po ako pupunta?" tanong ko sa receptionist.
"ID mo?" anito at iniharap sa akin ang monitor na touchscreen. "Paki-fill up ng name, time in saka humarap ka sa maliit na box for picture."
Napakurap ako dahil ang high-tech naman ng pag-log ng pangalan. Sa ibang building ay logbook at ballpen lang. Matapos kong gawin ang pinapagawa niya ay may binigay siya sa aking card na may numero at sabitan.
"Isabit mo 'yan sa damit mo para alam na aplikante ka."
Tumango ako at sinunod ang kaniyang pinapagawa.
Nagtaas ito ng kilay. "Pumasok ka sa pasilyo na 'yan at sa ika-tatlong kwarto, naroon ang waiting area ng mga aplikante."
Ngumiti ako at tinungo ang sinabi niya at ilang saglit ay narating ko ang waiting area. Ang iba ay naglalabasan na at nakasimangot. Lumapit sa akin ang isang babae at naglahad ng kamay.
"Applicant?" anito na sinagot ko ng tango.
"Bakit po nagsisilabasan—"
"You're applying for what position?"
"Secretary po."
Kumunot ang noo nito at iginala ang mata sa aking kabuuan. Mula ulo hanggang paa at pinatalikod pa ako saka muling ipinaharap sa kaniya.
"Pumunta ka ng twentieth floor. Si Sir Apol ang magi-interview sa 'yo," anito at tumalikod. Ganoon lang? Tapos na?
"Hired na po ba ako?" tanong ko dahilan para muli siyang lumingon.
"May sinabi ba akong hired ka na?" masungit na sabi nito, "Si Sir Apol ang magsasabi ng final evaluation kung pasado ka." Muli itong tumalikod at naglakad.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Apol?
Hinabol ko ang babae at agad naman siyang lumingon sa akin. Thaddeus ang alam kong totoong pangalan ni Lucas at hindi Apol.
"B-bakit po ako aakyat—"
"Ang sekretarya na kailangan ni Sir Apol ay dapat sopistikada tingnan. Nakapasa ka sa evaluation ko dahil matangkad, sexy at maganda ka. Pero si Sir Apol na ang bahala pagdating sa speaking, thinking at socializing."
Matapos nito sabihin ay iginiya niya ako sa elevator saka pinindot ang floor. "Bilisan mo at malapit na mag-lunch."
I sighed when the elevator closed. Hindi iyon ang gusto kong malaman sa kaniya. What I want to know was, why Apol?
"Nagpabinyag ba siya ulit?" Napailing ako sa iniisip ko at napatingala nang huminto ang elevator sa twentieth floor.
Nang bumukas iyon ay isang hallway na may hindi kahabaan ang bumungad sa akin. Naglakad ako pakaliwa at nakita ang isang tila reception area. Mula roon ay tumayo ang isa babae na halos kasing tangkad ko.
"Applicant?" mahinhing tanong nito at ngumiti.
The woman looks so elegant. Salungat ng nasa ibaba ay mukhang mabait naman ang babaeng 'to. Tumango ako at binigay sa kaniya ang mga requirements at resumé ko. Ngunit ang mga requirements ko lang ang kaniyang kinuha.
"I'm Girly and I'm Sir Apol's secretary."
"Secretary?"
"Hanggang bukas na lang ako rito at kung makapasa ka, ikaw ang papalit sa akin."
Lumabas ito sa tila counter at lumapit sa akin saka iginiya ako papunta sa malaking one way mirror na pinto. Nang bumukas iyon ay iminuwestra niya ang kamay nito na para bang pumasok na ako. So I did.
"Goodluck, Stella."
Sinalubong ako ng kulay itim at puti na disenyo. Sa dulo ay naroon ang CEO's table. Ngunit walang nakaupo roon. The place looks so empty and boring. Ni ultimo mga disenyong malalaking vase ay wala. Tanging mga painting ng mga nalalarong bata ang nakasabit sa plain wall. Napapitlag naman ako ng sinara ang pinto sa aking likuran.
"Infairness, mabango dito kumpara sa baba," kausap ko sa aking sarili.
Napalunok ako at naglakad nang biglang bumukas ang sa tingin ko ay banyo. Mula roon ay lumabas ang lalaking hindi ko kilala pero namumukhaan ko dahil sa mga magazines na binibili ko.
Nanuyo ang lalamunan ko dahil bukod sa kahawig siya ni Lucas ay wala itong sout na damit pang-itaas. Ang butil-butil na tubig na tumutulo sa katawan nito ay parang pang-model. Idagdag pa ang apat, hindi anim na pandesal na kapag sinuntok ko, baka kamay ko pa ang ma-injure.
"So how many?"
Napakurap ako at kumunot ang noo. "P-po?"
"You're obviously drooling over my six pack abs," nakangising sabi nito habang nagpupunas ng buhok gamit ang puting tuwalya.
"Nagkakamali po kayo—"
"Walang masama sa pag-amin. Aminado akong pogi, sexy at ako kaya, no worries," anito at kumunot bigla ang noo. "Wait, you are?"
Nataranta ako at nanlalaki ang mata na ibinigay sa kaniya ang resumè nang lumapit siya sa akin. Binasa nito o mas madaling sabihin na ini-scan ang aking resumè.
"I'm Stella Sanggalang, Sir—"
"You didn't finish highschool," anito at binasa ang nakasulat. Kumunot ang noo nito. "You're not qualified. Hindi ka bachelor—wait? You're from Negros?"
Tumango ako. "I'm from Hacienda Fuentabella—"
"You're hired."
Kumunot ang noo ko sa mabilis na sagot nito at inilahad ang kamay sa harapan ko. Hindi ko maalis ang paningin ko sa mukha nito na nakataas ang sulok ng labi.
"T-thank you, Sir?"
"Apollo Calientes, or you can call me Sir Apol."
Tumango ako at ngumiti. "Thank you, Sir Apol. Akala ko po hindi ako qualified kasi hindi ako degree holder."
"You're not qualified," direktang sabi nito na nagpangiwi sa akin.
"Sir, preno naman," natatawang sabi ko.
He smiled. "I'm just curious with what chaos you may bring."
Hindi ko maipaliwanag kung bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sa paraan niya ng pagtingin sa akin. Mula sa likuran ko ay bumukas ang pinto at marahil ay si Girly iyon—
"Apollo, what the f**k have you done?!"
Tumuwid ang likod ko at nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na iyon. Na kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala sa aking alaala.
Lumunok ako ng laway at dahan-dahan nilingon ang may-ari ng boses na iyon. Walang tigil sa malakas na kabog ang aking dibdib. Kahit na nakikita ko ang gwapo nitong mukha sa mga articles ay iba pa rin kung sa personal ko siya makikita.
"Damn, it wasn't my fault, Thaddeus. Malay ko bang magnanakaw ang hinayupak na taong 'yon?"
Ngunit nang lumingon ako ay siya namang pagharang ng bago kong boss. Likod na puno ng masels ang nakikita ng mga mata ko. Dahil sa matangkad si Sir Apol ay wala akong ibang makita. Nang sinubukan kong silipin sa gilid ay namang pagtalikod ng kausap ni Sir Apol at muli na naman siyang humarang.
Nananadya ba ang lalaking 'to?
"It's you fault, Apollo. Responsibilidad mo ang mga hinawakan mong tao. I won't let this slip away," mariing saad ng kausap ni Sir Apol na malakas ang loob ko na si Lucas.
"I'll fix it. Huwag ka mag-alala."
Ang kasunod ko na lang na narinig ay ang muling pagsara ng awtomatikong pinto. Tila binagsakan naman ako ng langit at lupa dahil ni sulyap ay hindi ko nagawa. Masama ang tinging pinupukol ko sa likod ni Sir Apol at nang bigla nitong akong lingunin ay mabilis kong binago ang ekspresyon ng aking mukha.
"That was my brother," anito at naglakad palapit sa isang hula ko ay closet.
I rolled my eyes. Kung hindi lang sana humarang ito ay baka nakita ko na si Lucas at nakita na niya rin ako—
"Did you just rolled your eyes at me?" anito na ikinalaki ng mata ko. Hindi ko napansin na tumingin pala siya sa akin.
"H-ha?"
"I saw you rolled your eyes."
Kinurap-kurap ko ang mata ko at inikot iyon saka tumawa nang pagak. "Hindi, Sir. Ano kase, ano.. Manerism ko, oo! Tama. Manerism."
Nagtaas ito ng kilay at nagkibit balikat saka nagbihis ng damit. Nang medyo disente na siya ay muli siyang lumapit sa akin.
"Am I not attractive to you?"
Kumunot ang noo ko sa biglang tanong nito sa akin. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko dahil baka biglang bawiin ang sinabi nitong you're hired at maging you're fired.
"Y-you're attractive, Sir but not to me," kinakabahang sagot ko.
His laugh echoed all over the four cornered office. My smile fades the moment he spill his next words.
"I like you, Tala."
Hindi ako makaapuhap ng isasagot kaya ag ginawa ko na lang ay tumawa ng pagak.
"You may start tomorrow. Maaari ka ng lumabas," anito na hindi maalis ang ngiti sa labi.
"Salamat, Sir."
Tumango ako saka tumalikod. Nakayuko akong lumabas ng pinto dahil sa panghihinayang na makita si Lucas.
I sighed.
Sa patuloy na paglalakad nang nakayuko ay bigla na lang akong nabangga sa isang matigas na bagay dahilan para masalampak ako sa lapag.
"Aray!"
Masama ang tinging na tiningala ko ang may gawa niyon ngunit agad naglaho ang inis ko at napalitan ng gulat.
"Are you blind or stupid?"
Salubong ang kilay at blanko ang ekspreyon nitong tinitigan ako. Ang mga mata nito na kulay tsokolate ay hindi na katulad ng dati.
His eyes are cold and dark.
"Lucas..."