TALA
Matalim ang tinging pinupukol ni Lucas sa akin habang hawak ang cellphone nito. Ang kaniyang panga ay nakaigting at umaapoy sa galit ang mga mata na nakatitig sa akin.
"What are you looking at?"
Napaawang ang labi ko sa masungit na tanong nito. Nanatili lang akong nakasalampak sa lapag habang nakatingala sa kaniya. Hindi rin ako makaapuhap ng sasabihin dahil sa tingin nito na parang hinahalukay ang boung pagkatao ko.
"What? You're deaf also?"
Napalunok ako at akmang magsasalita nang bigla itong tumalikod sa akin. Ni hindi man lang ako nito tinulungan tumayo o kahit tanungin kung okay lang ba ako. Pero hindi bale, baka may problema lang siya.
Tumayo ako at nagpagpag ng sarili. Malapad ang ngiti ko na lumapit at niyakap siya mula sa likuran. Idinikit ko ang pisngi ko sa kaniyang likod. Ramdam ko ang paninigas niya dahil sa gulat.
"Miss na miss na kita Lucas!" maligayang saad ko.
Ang bango-bango niya dahil sa mamahaling panlalaking pabango. Ang kaniyang katawan ay hindi na tulad ng dati dahil mas lumaki iyon at mukhang mas naging siksik ang mga masels.
"Lucas, hindi mo ba ako na-miss—"
Nanlaki ang mata ko nang bigla nitong alisin ang kamay ko sa pagkakayakap sa kaniya at basta na lamang ako itinulak palayo. Muli na naman akong napasalampak sa lapag at umigik dahil medyo masakit ang balakang ko.
"What the f**k is your problem?" galit na tanong nito.
Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin at wala akong makapang alaala tungkol sa akin sa kaniyang kilos at pananalita. Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita nang bigla nitong sinipa ang bag ko palapit sa akin.
"Girly, call the security. Bakit ka nagpapasok sa opisina ni Apollo nang basta-basta?"
Lumapit si Girly sa akin at siya na mismo ang pumulot ng aking bag at tinulungan akong makatayo.
"Sir, aplikante po siya—"
"Do you think, I care?"
"Pasensya na po, Sir," magalang na sabi ni
Napapakurap lang ako dahil sa klase ng ugali na pinapakita niya sa akin at sa ibang tao. He treated me as if, he did not recognized me. Nanlaki ang mata ko nang ma-realize na hindi niya nga ako naaalala.
"What is happening here?"
Sabay kaming napalingon ni Girly nang marinig ang boses ni Sir Apol sa likuran namin. Lumapit ito at tumayo sa harapan ni Lucas. Dahil sa tangkad niya ay wala na naman akong makita maliban sa kaniyang likuran.
"Orient your employee well, Apollo."
Matapos nito sabihin iyon ay ang yabag na nito palayo ang narinig ko. Napaatras ako nang humarap sa akin si Sir Apol na salubong ang kilay.
"What did you do?"
Inabot ni Girly sa akin ang bag ko saka kunot ang noo na tumitig sa akin. "Bakit mo biglang niyakap si Sir Thaddeus?"
"What? You hugged him?" hindi makapaniwalang tanong ni Sir Apol.
Akala ko ay magagalit ito ngunit isang malakas na halakhak ang aking narinig dahilan para tingalain ko siya. Gumagalaw-galaw ang adam's apple nito sa leeg habang nakatingala na tumatawa at nakapameywang pa.
"Bakit siya tumatawa?" bulong ko kay Girly.
She sighed. "Gustong-gusto kasi nito na inaasar ang Kuya niya."
Tumigil sa pagtawa si Sir Apol at nakangising tumingin sa akin. "You'll start tomorrow, immediately. Girly will orient you well," anito na parang nangaasar.
Naglakad na ito pabalik sa kaniyang opisina habang gumagalaw-galaw ang balikat. Hinawakan naman ako ni Girly at iginiya paupo sa kaniyang table.
"Okay ka lang ba?" tanong nito sa akin.
Hindi ako nakasagot at nanatiling nakaupo.
"Bakit mo naman kasi bigla niyakap si Sir?" tanong ulit ni Girly nang hindi ako sumagot.
Tumingin ako sa kaniya at kinagat ang aking labi. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa kaniya gayong hindi ko rin p'wedeng ipagsabi na ako ang babaeng naging asawa ni Lucas five years ago.
Sa halip na sagutin siya ay tumayo na lang ako at ngumiti sa kaniya. Nagsalubong naman ang kilay nito at napapailing.
"Anong oras ang time in ko bukas?" pag-iiba ko sa usapan.
Parang pinipiga ang puso ko dahil sa pakikitungo sa akin ni Lucas. Kailangan kong maakalis dahil nakakahiya naman kung dito ako hahagulhol.
"As early as seven in the morning. Para mas maaga kitang ma-orient bago dumating si Sir Apol ng nine ng umaga."
"Salamat, Girly. May interview pa ba akong kailangan—"
Umiling siya. "Mukhang nakuha ng charm mo si Sir Apol. P'wede ka ng umuwi at makapagpahinga ka."
Tumango ako muli at nagpaalam na sa kaniya. Napabuntong-hininga at bumaba na ng gusali. Ibinalik ko ang tila card na may numero at nag-logout. Bagsak ang balikat ko na lumabas ng Calientes building kahit na tanggap ako bilang sekretarya nang basta-basta.
Nakayuko akong nalakad kaya hindi ko napansin ang isang mamahaling sasakyan na biglang nagbusina sa akin. Napatalon ako sa gulat at muli na namang natumba. Masama ang tingin na pinupukol ko sa kulay puti na sasakyan. Dahil sa inis ay tumayo ako at lumapit sa pinto nito.
Akmang magsasalita ako nang biglang umangat ang pinto na hindi katulad sa ordinaryong mga sasakyan. Napaatras ako bigla at nakaramdam ng hiya dahil mukhang yayamanin ang may-ari ng kotse. Mula roon lumabas ay hindi ko inaasahan na lalaki.
"Lucas..." bulong ko.
Nilagpasan ako nito at tumungo sa unahan ng kaniyang kotse saka tiningnan iyon. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sobrang gwapo na talaga ni Lucas. Nang bumalik ito ay hinawakan ako sa balikat saka itinulak nang bahagya nang sa gayon ay makadaan siya.
Bago siya tuluyang makapasok sa kaniyang kotse ay hinawakan ko siya sa braso para pigilin. Dumako ang walang emosyon nitong mga mata sa kamay ko at marahas na kumawala mula sa pagkakahawak ko.
"Who are you?"
Ngumiti ako. "Lucas, ako 'to! Ang asawa mo. Hindi mo ba ako naaalala—"
"You're crazy woman. Move," anito at akmang sasakay nang muli ko siyang pigilin.
"Lucas, please. Makinig ka muna—"
"Move," mariing utos nito. Nakaramdam ako ng takot sa paraan niya ng pagtingin sa akin. Napalunok ako at dahan-dahan bumitiw.
Nang alisin ko ang pagkakahawak ay tuluyan na itong sumakay ng kaniyang kotse. Napaatras ako nang humarurot iyon paalis at usok ng sasakyan ang iniwan sa akin.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at ikinuyom ang aking kamao. Hindi ganoong tao si Lucas. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi niya ako makilala. Pero bou na ang desisyon ko na alamin ang nangyari sa kaniya. Wala na rin namang mawawala sa akin at si Lucas na lang ang mayroon ako.
Huminga ako nang malalim at dahan-dahang bumuga. Ngayon ang unang araw ko bilang sekretarya at kinakabahan ako ng sobra. Inayos ko ang plantsado kong white polo na long sleeves at skirt. Ang blazer na kulay gray ay nakatupi at nakasabit sa aking braso. Nang pumasok ako sa building ay ngumiti agad sa akin ang gwardiya.
"Magandang umaga, Ma'am. Mukhang tanggap po kayo ah," anito na nakangiti, "ako po si Pedro."
Ngumiti rin ako. "Salamat po, Manong Pedro. Ako po si Stella."
Nagpasalamat na ako at dumiretso na sa reception dahil naroon na pala si Girly at nagihihintay na sa akin. Tumango lang siya at inabot sa akin ang ID ko kung saan ay p'wede kong i-tap iyon bilang log in ko sa tuwing papasok.
"Magsimula na tayo sa orientation mo," anito at naglakad papunta sa elevator sa ka itinuro ang isang pinto ng elevatoor na naiiba sa tatlo. "Iyan ang VIP elevator. Ibig sabihin ay hindi p'wede ang empleyado diyan. Maliban sa atin o sa 'yo dahil sekretarya ka ni Sir Apol. Pero, allowed lang tayo diyan kung kasama si Sir Apol."
Tumango ako at sumunod sa kaniya na pumasok kami sa elevator na sa tingin ko ay pang empelyado na. Nang marating namin ang twentieth floor ay agad kaming lumabas at dumiretso sa kaniyang pwesto.
"Starting tomorrow, you'll be the one sittting here." Kinuha niya sa akin ang bag ko at inilgay sa isang swivel chair.
"Anong oras dumadating si Sir Apol?" tanong ko.
"Mamaya pang Niine thirty kaya may oras ka pa para mag-check ng emails at schedule niya para ngayong araw. Kung may meeting, events o ka-meet up si Sir. I already change the password of the computer."
Tumikhim ako dahilan para dumako sa akin ang pansin niya.
"Si... Lucas—I mean, Sir Thaddeus. Anong oras siya pupunta?"
Kumunot ang noo nito at natatawang napailing. Nagtataka naman akong tinitigan siya. Wala naman masamang o nakakatawa sa tanong ko.
"Si Sir Thaddeus ay ang CEO ng Panthom Technology at hindi ng Calientes Corporation. Ibig sabihin ay ang malas mo lang at naabutaan ka niya dito."
"Anong ibig sabihin no'n? Hindi siya—"
"Bukod sa apelyido at pagiging kapatid niya kay Sir Apol ay wala na siyang koneksyon sa kumpanya ng Calientes."
Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya. Papaanong wala siyang koneksyon sa kumpanya ng mga Calientes e, isa nga siyang Calientes. Napabuntong hininga si Girly at nakangiting bumaling ang tingin sa akin. Mukhang nakukuha niya na hindi ko naiintindihan ang kaniyang sinabi.
"Thaddeus Calientes is one of the most reigning business tycoon in the Philippines. Ang kumpanya niyang Phantom Technology ay nagsimula sa scratch. Ibig sabihin ay hindi siya humingi ng tulong sa nanay niya. He built his company by his talent without any financial help from his family."
Hindi ko napansin na napanganga na pala ako sa sinabi niya. Kaya naman pala dati ay magaling si Lucas sa trabaho niyang constraction worker. Hindi ko alam kung biglang gumuhit ang ngiti sa labi ko.
"Kailan kaya siya ulit pupunta dito, Girly?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Kumunot lang ang ulo noo ni Girly.
"Seryoso ka? Matapos kaniyang tratuhin ng gano'n?"
Tumango ako na muling ikinailing niya. "Hindi ko alam. Pero sa tingin ko ay mas mapapadalas dahil may problema sa Calientes Corp. na naging dahilan bakit naospital si Ma'am Susana. At bilang pinakamatandang anak ay obligasyon ni Sir Thaddeus na ayusin ang gulo ng mga nakababatang kapatid niya."
Akmang magtatanong pa ulit ako nang bumukas ang elevator ng VIP at iniluwa niyon si Sir Apol na mukhang puyat na puyat pa. Sa likod nito ay nakasunod ang isa pang lalaki na may sout na salamin. Seryoso ang mukha nito ngunit nang dumako sa amin ay ngumiti saka tumango. Tumayo naman kami ni Girly nang lumapit si Sir Apol.
"Good morning girls, pahinging kape," anito at dumiretso na ng opisina kasunod ng lalaki na nakasalamin.
"Halika, dito ang mini cafeteria natin sa floor na 'to," anito at naglakad lagpas sa one-way miror na pinto ni Sir Apol. Sa bandang dulo ay may pasilyo at doon ay naroon ang banyo at maliit na tila kwarto.
"Wow! Dalawa lang kayo sa floor na ito pero may cafeteria," manghang sabi ko, "teka, sino pala ang kasama ni Sir Apol?"
"Si Sir Reagan," sagot nito habang tinuturan ako magtimpla ng kape. "Kapatid rin nila pero mas matanda kay Sir Apol at mas bata kay Sir Thaddeus. Professor iyon sa isang malaking university."
Napatango ako at inabot sa akin ni Girly ang tray na may dalawang baso ng kape. Naglakad kami pabalik sa tapat ng pinto ng opisina na kusang bumukas. Nanlaki ang mata ko nang marahan akong itinulak ni Girly sa loob ng opisina.
"Coffee, Sir?" alok ko at nakangiti nang alanganin.
Sabay silang tumingin sa akin at dahilan para salakayin ng kaba ang dibdib ko. Napalunok ako dahan-dahang lumapit nang biglang magsalita ang lalaking may pangalang Reagan.
"So, she is the woman you're talking about, Apollo?" tanong nito at tinitigan ako nang mataman.
"I am very sure," sagot ni Sir Apol na may ngisi sa labi.
Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Ako ba ang pinaguusapan nila? At bakit naman nila ako paguusapan? Hindi ko mapigilan ang makaramdan ng ilang dahil sa kanilang mga tingin na para bang kilala nila ako gayong ngayon ko lang silang nakitang dalawa.
Humakbang ako muli palapit para ilapag ang kape sa table nang biglang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina. Akmang lilingon ako nang saktong nasa likuran ko na pala ang bagong dating.
"s**t!"
"Aray!" daing ko at tumingala. Sinalubong ako nang nanlalaki na mata ni Lucas na siya palang dumating at nakabangga sa akin.
Tumapon lahat sa akin ang mainit na kape na hawak ko dahilan para maramdaman ko ang sakit sa aking bandang dibdib. Naluha ako sa sakit at mabilis na tumakbo palabas saka dumiretso sa banyo. Hindi ko nagawang isara iyon at basta na lamang hinubad ang damit ko at binasa ang aking dibdib na bahagyang namumula dahil sa paso.
"Aw!' daing ko nang dampian ko ng tubig na inipon ko sa aking palad ang aking dibdib. Bahagyang nabasa na rin pala ang aking sout na kulay puting bra.
"Are you okay?"
Napalingon ako nang marahas nang marinig ang boses ni Lucas sa aking likuran. Biglang nanlalaki ang mata nito at napatitig sa aking dibdib na may sout na bra. Nanlaki rin ang mata ko nang biglang na-realize na wala akong sout na damit. Napatili ako nang malakas dahil sa sobrang hiya.
"What the f**k?!"