Chapter 4

2072 Words
TALA "Sigurado ka bang okay ka lang, Stella?" Napatango ako sa tanong sa akin ni Sir Raegan na nakaupo sa aking harapan. Nag-abot pa ito ng basang panyo para daw maibsan ang hapdi. Pinapirmi muna ako si Sir Apol sa kaniyang opisina habang hinihintay ang doktor na nasa ibaba at mukang may ginagamot pa. "Hindi ba masakit?" nakangiwing tanong ni Sir Apol. "Stupid, Apollo. Of course, it is," sabat ni Lucas na nasa gilid na couch. "Well, kasalanan mo naman kasi, Thaddeus my brother," ani Apollo na nakangisi. Napayuko ako dahil sa hiya. Medyo kasalanan naman talaga niya dahil bigla na lang siyang sumulpot sa likuran ko. "Do you want to die, Apollo?" Bahagya kong nilingon si Lucas na nahuli kong nakatingn sa akin. Bigla naman itong nag-iwas ng tingin at bakas sa mukha nito ang konsensya sa nangyari. Nakita niya lang naman ang dibdib ko kahit na may sout akong bra. Dahil sa sobrang hiya at gulat ay napatili ako dahilan para puntahanan ako ni Girly bitbit ang kulay gray kong blazer na siyang sout ko ngayon. "That's enough. Hindi makakatulong ang pag-aaway ninyo," sabat ni Raegan at ngumiti sa akin. Inilibot ko ang tingin ko sa kanilang tatlo. Para silang mga diyos ng griyego dahil sa halos perpekto nilang mga mukha at katawan. But there's no such thing as perfect. "The doctor is here," saad ni Girly na pinapasok niya ang babaeng nakaputi na doctor's gown. Agad din siyang lumabas at kumindat pa sa akin. "Who's the patient?" tanong ng doktora. Nagtaas ako ng kamay. Lumapit siya sa akin at ngumiti. "I'm Doctor Shanaiah," anito at naglahad ng kamay. "Stella po. Bago po akong sekretarya ni Sir Apol," sagot ko at nakipagkamay. "Nasabi na sa akin ni Girly ang nangyari. Can you walk?" Tumango ako. "O-opo." Tumungo kami sa banyo sa loob ng opisina ni Sir Apol. Hindi ko maiwasan ang mamangha dahil pati banyo ni Sir Apol ay malaki at elegante. "Miss?" "Po?" Napailing ang doktra na may bahid ng ngiti sa labi. Ngumiti ako nang alanganin at nagkamot ng ulo. "I was asking you how did you manage to get near with that three jerk outside," anito at sinenyasan akong hubarin ang blazer. Kumunot ang noo ko sa kaniyang tanong. "Hindi ko po naiintindihan—" "You're a new employee, pero kung tratuhin ka parang may iba." Mas lalong lumalim ang kunot ng noo ko dahil sa tanong niya. "Pasensya ka na Doc Shanaiah, pero hindi ko talaga naiintindihan ang ibig mo sabihin." "Forget it, Stella. I thought you're just like the other woman." Napailing na lang ako sa sinabi niya at na-curious. Ginamot niya niya ang aking namumulang dibdib at binigyan din ako ng reseta ng cream na dapat ilagay at gamot na iinumin para hindi ko maramdaman ang sakit. Agad kong kinuha iyon at nagpasalamat. Sabay kaming lumabas ng banyo at ang naroon na lang ay si Sir Apol at Sir Raegan. Inilibot ko pa ang aking mata at baka ay nasa gilid-gilid lang si Lucas. Ngunit wala at mukhang umalis na. Hindi niya talaga ako naalala dahil hindi man lang siya nagpakita ng pag-aalala. "Naubusan ako ng cream at painkiller kaya wala akong naibigay. Let her out and buy her own med," anito kay Sir Apol na para lang silang magkaibigan. Nagpaalam na ang doktora at kumindat pa sa akin. Lumabas na siya ng opisina ni Sir Apol. Naiwan akong nakatayo at naghihintay ng kung ano mang iuutos nila sa akin. "You can rest at your area for now. I will call the maintenance to buy the med you needed—" "Ako na po ang bibili," mabilis na sagot ko. "Are you sure?" tanong ni Sir Raegan at tumayo. "I'll go with you—" "Hindi na po!" agad na sagot ko. Natigilan naman si Sir Raegan sa pagtayo at muling naupo. "Okay lang, Sir. Ako na lang po." "Are you sure?" Tumango ako bilang sagot. "Ayoko na po makaiistorbo pa ng iba." Biglang natawa naman si Sir Raegan samantalang si Sir Apol ay ngumisi na para bang hindi inaasahan ang sasabihin ko. "Okay, fine. Pa-reimburse mo na lang sa accounting ang mga nagastos mo." Matapos iyon sabihin ni Sir Apol ay lumabas na ako ng opisina. Sinalubong ako ni Girly na may bitbit na dress. Ibinigay niya iyon sa akin. "Nakakahiya naman kung lalabas ka ng walang damit at tanging blazer lang." "Maraming salamat, Girly," nakangiting pasasalamat ko saka kinuha ang dress na ipapahiram niya. Dumiretso ako ng banyo at nagpalit. Isang itim na fitted dress ang pinahiram ni Girly sa akin. Above the knee rin iyon at mukhang pang sosyal dahil sa disenyo. Mabuti na lang at sumakto sa itim kong close sandal. "Wow! Parang sinukat," manghang saad ni Girly at ngumisi. "Mukhang natitipuhan ka ni Sir Raegan, ah!" Tumawa ako nang pagak dahil mukhang hindi naman. Likas lang at sa kaniya ang paiging mabait at matulungin dahil makikita rin sa mukha nito. "Nako, Girly! Mbait lang talaga si Sir Raegan." Nagkibit balikat lang si Girly na may ngisi pa rin sa labi. "Thank you, Girly. Bukas ko na ibabalik. Ibigay mo na ang address mo sa akin para maipadala ko na lang sa 'yo." "No worries, Stella." Bumaba na ako at nang may makasabay sa elevator na babae ay tinitigan ako nito. Dahil sa hiya ay nag-iwas ako ng tingin. Napaka-natural ng ganda nito na para bang lumiliwanag ang kahit na anong madilim na lugar kapag nilagay siya roon. "Hi!" bati ng magandang babae. Parang anghel ito na bumaba sa lupa. "H-Hi," nahihiyang ganting bati ko. "Ako si Catherine. Sa HR department ako naka-assign. Bago lang ako dito. Ikaw?" Dumako ang tingin ko sa kaniya at ngumiti. "Stella. Bago lang din ako. Sa totoo niyan ay first day ko ngayon." "Talaga! Wow! Saang department ka naka-assign?" "Secretary ako ni Sir Apol." Hindi ko alam kung namamalikmata lang ao dahil ang matamis na ngiti nito ay nawala. Ngunit agad bumalik saka humawak sa aking braso. "Wow! Mukhang magiging close kita!" Nasa ganoong sitwasyon kami ng bumukas ang elevator at may nagsipasukan na mga empleyado rin at puro lalaki ang mga ito. "Hi, Cath! Ang ganda mo naman talaga kapag umaga oh!" "Cath, mukhang blooming ka ah." Nilingon ko si Cath na umalis sa pagkakahawak sa aking braso saka ngumiti nang matamis sa mga bumati ritong mga lalaki. She looks so sweet and innocents. "Thank you," sagot nito sa mahinhin na tono. Namumula pa ang pisngi ito. "Cath, may kasama ka bang mag-lunch mamaya? Gusto mo ba sabay na tayo?" tanong ng isang empleyado na halata ang pagkagusto kay Cath. "Gustuhin ko man ay kasama ko na si Stella mag-lunch," anito at nakangiting tumingin sa akin. "Right, Stella?" Ngumiti ako at pakiramdam ko ay nauwi iyon sa ngiwi. Mukhang ngayon lang din ako napansin ng mga lalaki. Pero hindi katulad sa kung paani nila batiin si Cath ay ngumiti lang sila sa akin. Nang bumukas ang elevator ng groundfloor ay lumabas na kaming lahat. "Saan ka pala pupunta, Cath?" tanong ko. "Pupunta lang ako ng reception para kunin ang ID ko. Nakalimutan ko kasi. Ikaw?" "Ah,lalabas lang akko para bumili ng medicine." Tumango lang siya at nagpaalam na. Masayahin itong tumungo ng reception at mukhang giliw na giliw sa kaniya ang mga empleyado. Nang makalabas ng building ay naghintay ako ng maaaring sakyan dahil walang malapit na botika dito. Ilang segundo ay may humintong sasakyan sa harap ko. Mamahalin iyon at mukhang pamilyar. Nang bumukas ang pinto niyon ay napaatras pa ako dahil sa gulat. Agad ko ring napagtanto ang may-ari ng magandang kotse na nasa harapan ko. "Get in." Napalunok ako sa baritonong boses ni Lucas. Siguro ay kailangan ko ng sanayin ang sarili kong Thaddeus na ang itawag sa kaniya gayong iyon naman talaga ang totoong pangalan niya. "H-ha?" ulit ko sa tanong niya. Baka kasi mali ako ng rinig at magalit na naman siya sa akin. "Get in, Miss secretary. Don't let me drag you in here," mariing utos nito. Napakurap ako at nahihiyang tumango. Pumasok ako nang kotse niya at napaawang ang labi dahil sa pagkamangha. "Seatbelt." Napalingon ako sa kaniya. "Ha?" Humarap naman siya sa akin na seryoso ang mukha. Napakurap ako at umayos ng upo. First time kong makasakay sa ganitong klaseng kotse. "Wala ka na bang ibang sasabihin kundi 'Ha?'" anito. "Ha?" muling sabi ko at napailing. "Hindi, ang ibig kong sabihin ay anong sinabi mo? Hindi ko po kasi narinig—" "Seatbelt." Tumango ako at nagkabit ng seatbelt ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko makabit dahil bukod sa first time kong makasakay sa ganito ay hindi rin ako sumasakay ng kahit simpleng kotse. "Damn," bulong nito sa tonong naiinis. Lumapit siya sa akin dahilan para halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Parang gusto ko tuloy siyang tanungin ng skin care routine dahil halos nakasarado ang pores. Daig pa ako na kada buwan ay tinatadtad ng pimples dahil sa regla. Pumikit ako at inginuso ang aking labi dahil naiimagine ko kung paano niya ako halikan dati. Iminulat ko ang isang mata ko at napamulagat nang makitang nakatitig siya sa akin. Ang t***k ng puso ko ay nagwawala dahil sa hiya o dahil sa emosyon na sinama niya nang umalis siya. Napapailing siyang umayos ng upo. Napangiwi naman ako nang mapagtantong okay na agg seatbelt. "S-sir Thaddeus, saan po tayo pupunta?" lakas loob na tanong ko nang magsimula itong magmaneho. "Sa botika," tugon niya na hindi inaalis ang tingin sa daan. "About what happened earlier, it was my fault. I startled you." Gumuhit ang ngiti sa labi ko dahil naroon pa rin ang Lucas na nakilala ko. Mabait at marunong umamin ng mali. "Okay lang 'yon—" "It wasn't okay. You're hurt and.. and you know what I mean," nahihiyanhmg sabi niya ang tinutukoy ay ang nakita niya akong naka-bra. Ngumiti na lang ako at nanahimik. Ilang minuto ay narating namin ang isang botika. Huminto ang kotse ni Thaddeus at inalis nito ang seatbelt. "Ibigay mo sa akin ang reseta. Ako na ang bibili." Nanlaki ang mata ko at umiling. "Hindi na. Ako na po—" "Let me. Ayokong ma-guilty." Napaawang ang labi ko at marahang tumango. Ibinigay ko sa kaniya ang reseta at agad niya kinuha saka bumaba ng sasakyan. Sinundan lang ng mata ko siya hanggang sa makapasok siya sa loob ng botika. Parang piniga naman ang puso ko dahil sa sinabi niyang ayaw niyang ma-guilty. Dati sa t'wing napapaso o nasusugatan ako ay natataranta na siya. Halos hindi niya ako pagalawin ng gawaing bahay kahit maliit na sugat lang ang natamo ko. Pero ngayon, wala ng pagaalala. Nakokonsensya lang siya kaya niya ginagawa ito. Tila nahihirapan akong huminga dahil sa pait na nararamdama ng puso ko kaya napagdesisyonan kong lumabas kaya agad kong ginawa. I need some fresh air. Nilanghap ko ang hangin ngunit agad napaubo dahil sa mga usok ng sasakyan. Ngumiwi ako dahil sa halip na fresh air ang mahigop ko ay polluted air ang pinuno ko sa baga ko. "Uy! Ang gara ng kotse boi!" "Mukhang bigtime ang madadale natin ngayon!" Kumunot ang noo ko nang marinig iyon. Hinanap ko ang pinaggalingan ng boses at nakita kong kinakalas nito ang side mirror ng kotse ni Thaddeus. "Hoy! Anong ginagawa niyo!" sigaw ko at malalaki ang hakbang na lumapit. Dahil sa taranta ng mga binatilyong iyon ay binato ako nila ng nakaw na parts ng sasakyan at tinamaan ako sa ulo. Nakasakay sila ng motor kaya agad na humarurot. "Mga walang magawa 'tong mga batang 'to," saad ko at kinapa ang tinamaan ng binatilyo. Nanlaki ang mata ko dahil naramdaman kong basa at malagkit ang kamay ko. Nang tingnan ko ay may bahid ng dugo na tumutulo na sa aking pisngi. "Hey, get in the car. We have to hurry." Narinig ko ang boses ni Thaddeus sa aking likuran. Lumunok ako at unti-unting humarap sa kaniya. Biglang nanlaki ang mata nito at inilang hakbang ang pagitan namin. "f**k! Why are you bleeding?!" Kumunot ang noo ko dahil sa galit na nakikita sa kaniyang mga mata. Ganoon ang galit na pinapakita niya sa t'wing nasasaktan ako noong mag-asawa pa kami. Ngunit hindi na niya iyon naalala. "May mga balak kumuha ng side mirror ng kotse mo kaya sinuway ko. Bigla akong binato ng kung ano." Lalong lumalim ang kunot sa kaniyang noo dahil sa narinig na paliwanag ko. "You're stupid as f**k!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD