Chapter 5

2243 Words
TALA Tumingin ako sa relong pambisig at napanguso dahil magi-isang oras na akong naghihintay kay Thaddeus dito sa ospital na pinagdalhan niya sa akin. Ang rinig ko ay magbabayad daw siya ng bills. "Hi, Miss Stella, pwede na po kayong umuwi," saad ng isang nurse na lumapit sa akin. "Yung lalaking kasama ko kanina—" "You mean, Sir Calientes? Kanina pa siya umalis pagkatapos magbayad ng bills. Ang sabi niya kapag okay kana ay pauwiin kana agad" Nakaramdam ako ng panlulumo sa sinabi ng nurse. Ibig sabihin ay iniwanan ako ni Thaddeus ng mag-isa rito. Tumango ako sa nurse at akmang tatayo nang tumunog ang aking cellphone. Unregistered number ang naroon kaya hindi ko na sinagot. Ewan ko ba, hindi ako kompartable na sumagot ng unregistered number. Naglakad na ako palabas ng malaking ospital nang muli na namang tumunog ang aking cellphone. Ibinaba ko iyon dahil naiirita na ako. Ngunit muli na naman tumawag kaya kahit labag sa loob ko ay sinagot ko ang tawag. "Hello?! Stella? Okay ka lang ba?" Kumunot ang noo ko dahil sa pamilyar na boses na 'yon. "Girly?" "Gosh! Oo, sino pa ba? Okay ka lang ba? Pinag-extend ako ni Sir Apol ng one week dahil sa nangyari sa 'yo!" "Nangyari sa akin?" "Nasa ospital ka raw sabi ni Sir Apol. Pinapasabi ni Sir na huwag ka na munang pumasok ngayon. Magpahinga ka muna." Ngumiti ako at akmang sasagot nang tumunog ang cellphone ko na lowbat na ito hanggang sa namatay na nang tuluyan. Napabuntong hininga ako at nang makalabas ng ospital ay agad pumara ng jeep. Pinagtitinginan ako ng ibang pasahero dahil bukod sa magara ang sout kong damit at may gasa sa ulo ay patak rin nang patak ang luha ko. "Miss okay ka lang ba?" tanong ng kapwa ko pasahero. Hindi ba ata nakatiis. Nagpunas lang ako ng luha at tumango. Ilang minuto ay pumara na ako at bumaba sa isang subdivision. Nang lingunin ko ang jeep na paalis ay masama pa ang tingin sa akin ng driver na agad kong isinawalang bahala. Naglakad ako hanggang sa marating ko ang apartment namin. "Oh, bakit ang aga mo—anak ka ng sampung tupa! Anong nangyari sa 'yo?!" bungad sa akin ni Jerry nang pagbuksan niya ako ng pinto. Agad niya akong nilapitan at inalalayan papasok sa apartment namin. Nang makaupo ay bigla na lang akong humagulhol. Halos hindi magkaundagaga si Jerry at nagbigay na lang ng tubig at tissue sa akin. "Bakla, okay ka lang? Ano bang nangyari sa 'yo? Bakit mukha kang nanganak ng isang daan sa itsura mo?" tanong niya. Suminghot ako at tumingin sa kaniya. "Si Lucas, nakikita ko ang dating Lucas, Jerry. Pero kasi iniwan niya ako sa ospital matapos kong iligtas ang kotse niya sa mga magna!" "Gaga ka kasi! Dapat kasi huminto kana nang nalaman mong hindi ka naaalala ng Lucas na 'yon. Martir kang hayop ka!" "Jerry, hindi p'wede. Alam kong may ginawa ang pamilya niya para makalimutan ako ni Lucas. O baka naman nagka-amnesia siya? Ulit?" "Wow! Suki ng amnesia yern?" natatawang sabi ni Jerry. "Nakilala ka ni Lucas nang may amnesia ngayon hindi ka na niya makilala dahil sa amnesia pa rin. Jusko, Tala! Lamog na lamog na utak ng bebe mo." Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa pag-aalala kay Lucas. Mas lalong tumindi ang determinasyon kong bawiin siya. Huminga ako nang malalim at tumayo. "Kailangan kong alamin ang nangyayari kay Lucas." "Correction, bakla. Thaddeus na siya ngayon." Nameywang sa harap ko si Jerry. "Teka, 'wag mong sabihin sa akin na sumakay ka ng jeep na humahagulhol na parang tanga?" Tumango ako at biglang nanlaki ang aking mata nang maalala na hindi pala ako nakapagbayad. Kaya siguro masama ang tingin ng driver sa akin kanina. Natampal ko ang noo ko at dumiretso ng hagdan para magpahinga. Napahinto naman ako nang may bigla akong naalala. "Jerry!" "Bakit?" "Nang sumali ka ng gay contest? Nasaan 'yong sinout mong nang question and answer?" Hinawakan nito ang baba at napapitik nang maalala. Inilang hakbang niya ang pagitan namin at nanliliit na tinitigan ako. "Hoy, Tala. Anong binabalak mo ha?" pang-uusisa ni Jerry. "May plano ako," sagot ko sa kaniya at ngumisi. Napaatras naman ako ng ambahan ako ni Jerry ng sampal. "Tala, 'yang plano mo siguraduhin mong walang mapapahamak diyan," nakaatas ang kilay na sabi nito. Nginisihan ko lang siya at umakyat na ng kwarto ko. Nang makapasok ay agad kong hinubad ang sout ko at pumasok ng banyo. Sa loob ay may malaking salamin kung saan kitang-kita ko ang kurba ng aking katawan. Hindi sa pagmamayabang ay maituturing akong sexy at makinis dahil isa akong half-american. Nakuha ko ang puti ko sa tatay kong kano na walang bayag at iniwan ang nanay ko habang buntis. "Maputol sana etits niya," sabi ko sa sarili. Nang alisin ko ang bra at panty ko ay nakita ko agad ang namumula kong dibdib na sanhi ng paso. Kung minamalas nga naman. Napaso na nga, nasugatan pa sa ulo. Napailing na lang ako at naglinis ng katawan. Matapos maglinis ay nagpahid ako ng cream para sa aking paso dibdib at lumabas na ng banyo saka nagbihis. "Oh, ano? Kumusta naman na ang sugat mo?" Napatingala ako kay Jerry na bitbit ang sinabi kong damit niya saka inilapag sa lamesa ko sa tabi ng kama. Kinuha ko iyon at itinapat sa katawan ko. "Hindi naman malalim ang sugat, mas malalim pa rin ang pagmamahal ko kay Lucas—este Thaddeus pala." Ang damit ay kulay itim na fitted dress na backless. Long sleeves din iyon na fit na fit pati sa braso ko. Parang pencil skirt ang disenyo ng ibaba na hapit na hapit sa akin kapag sinout. "So, anong balak mo diyan sa mga damit ko?" nakataas ang kilay na sabi niya. Kumindat ako at ngumisi. "Aakitin ko si Thaddeus. At aalamin ko ang totoong nangyari—aray! Jerry masakit!" Masama ang tinging pinukol ko sa kaniya dahil sa bigla niyang pagkurot sa tagiliran ko. "Shuta ka! Ano? Feeling mo bida ka ng teleserye tuwing hapon? Hoy, Tala! Mag-isip ka nga! Bilyonaryo 'yon!" Itinaas ko ang baba ko at matiim na nakipagtitig sa bakla kong bestfriend. "Jerry, kilala mo ako." Nanlaki ang mata nito at natutop ang bibig. "Tangina! Bakla ka talaga ng milky way!" Dinampot ni Jerry ang maliit kong unan at binato sa mukha ko. Muli ko siyang tinitigan nang masama. "Bahala ka sa buhay mo, Tala! Kapag ikaw napahamak diyan sa plano mong mala drama, bibigyan talaga kita magasawang sampal at kambal na sipa." Matapos nito sabihin iyon ay basta na lang itong lumabas ay ibinagsak ang pinto. Alam kong kahit medyo pabiro ay naiinis si Jerry sa akin. Pero bou na ang desisyon ko. I will be that Tycoon's lover. By hook or by crook. Parang gusto ko umatras habang nakatayo sa harap ng building ng Calientes Corporation. Sinout ko ang damit na ipinahiram sa akin ni Jerry at dahil doon ay maya't maya ang baba ko ng skirt dahil panay-panay ang taas niyon. Huminga ako nang malalim at binuga nang marahas iyon nang sa gayon ay lumakas ang loob ko. Chin up, breast out and stomach in, akong naglakad papasok sa gusali. Ang nakangiting si Manong Pedro ang sumalubong sa akin na agad kong ginantihan ng ngiti. "Wow! Ang blooming niyo naman po ngayon, Ma'am Stella," papuri ni Manong. "Nako! Small thing po," sagot na ikinatawa lang ng huli. Naglakad ako papunta sa hallway at halos lumabas na sa buto ko sa dibdib ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng t***k nito. Pakiramdam ko rin ay sa akin lahat nakatingin ang mga empleyado. Nang malapit na ako sa elevator ay may mga naghihintay rin na mga empleyado katulad ko. Ang isang lalaki ay kumaway sa akin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman siya kilala. Siguro ay nagagandahan sila sa akin kaya— "Cath! Magandang umaga!" bati ng lalaking kumaway. Lalong lumalim ang kunot ng noo ko at tumingin sa aking likuran. Sa likod ko ay naroon si Catherine na simpleng puting dress ang sout. Dahil hindi siya katangkaran ay para siyang inosenteng anghel. Petite siya pero may kurba na halatang pumupunta ng gym. Dahil nauna ako sa kaniya ay nauna rin akong nakarating ng elevator at katulad ng ibang empleyado ay naghintay rin ako. Hindi nila ako pinapansin kahit nag-ayos na ako nang mas bongga kumpara kahapon. Ang lahat ng atesyon nila ay na kay Cath na nakakaeenganyo ang ngiti. "Hi, Stella!" bati nito at nangunyapit sa aking braso. "H-hi, Cath," bati ko. Ngumiti siya sa akin at ibinaling ang tingin sa mga naghihintay rin. "Guys, siya si Stella. Bagong secretary ni Sir Apol. Kahapon lang din siya nagsimula sa trabaho." Sa pagkakataong 'to ay doon na nila ako pinansin. They smiled at me and greeted me. "Hi! Anong nangyari diyan sa ulo mo?" tanong ng lalaki na nakangiti nang alanganin. Tumingin sa akin si Cath. "Oh my! What happened, Stella?" tanong ni Cath sa nagaalalang mukha. Hinawakan ko ang gasa sa ulo ko. "Na.. na dapa lang—" "Ang laki mo na nadadapa ka pa? Ang tanga," natatawang sabi ng isang babae na empleyado. Nang mapansin nitong hindi ako natutuwa ay bigla itong tumawa nang pagak. "Joke lang, ano ka ba!" "By the way, Stella. I hope that won't scar. At saka ang ganda mo ngayon, Stella." Napangiti ako sa sinabi ni Cath. She's indeed a sweetheart. "Thank you, Cath," nahihiyang sagot ko. Nang bumukas ang elevator ay akmang papasok na kaming lahat nang may humablot sa aking braso. Nang lingunin ko iyon ay nanlaki ang mata ko dahil ang nakangiting Sir Apol ang pumigil sa akin. "You'll go with me at the VIP elevator," anito at ibinaling ang ngiti sa mga empleyado. Nang dumako ang tingin ko sa mga empleyado na naghihintay ay nakaawang ang mga bibig nito. Samantalang si Cath ay walang emosyon ang mga mata na nakatingin sa kamay ni Sir Apol na nasa braso ko. Nang dumako sa akin ang tingin niya ay biglang lumitaw ang ngiti niya kaya napangiti na rin ako. "Hello, Sir Apollo! Baka po gusto niyong sumabay ng lunch mamaya—" Hindi natapos ni Cath ang sinasabi niya nang biglang tumalikod si Sir Apol at kinaladkad ako nang marahan papunta sa VIP elevator. At dahil kaharap lang namin ang employees elevator ay nakita ko pa ang matalim na tingin ni Cath sa tiles at kuyom ang kamao nito. I sighed. I feel bad for her. Kaya naiintindihan ko na kung bakit ganoon ang kaniyang reaksyon. Nang sumara ang pinto ng elevator ay binitawan na ako si Sir Apol at namulsa saka pinidot ang twentieth floor. "How are you? Okay kana ba?" tanong nito na hindi tumitingin sa akin. "O-okay na po ako." Tumango lang ito at namayani ang katahimikan. At dahil hindi ko matiis ang mag-react dahil sa ginawa niya kay Cath ay lakas loob akong humarap sa kaniya dahilan para dumako sa akin ang kaniyang mga mata. "Sir.." "Yeah?" "Tungkol po kanina." "Kanina?" Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Isang kabastusan po ang talikuran ang isang taong nagsasalita." Huminga lang siya at napailing. "Kailan ka ba pinanganak? Kahapon? Are you blind or you're just stupid?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Pasensya na po kayo Sir pero hindi ko po naintindihan ang ibig ninyong sabihin." "Forget it, Tala." Nanlaki ang mata ko sa muling pagtawag niya sa palayaw ko. Una niyang sinabi iyon nang araw na nag-apply ako. Lumunok ako ng laway at dumagundong ang kaba sa kaing dibidb. Nang akmang tatanungin ko siya kung paano nya nalaman ang palayaw ko ay siya namang pagbukas ng pinto ng elevator. Lumabas na siya at naiwan akong nakatanga. Huminga ako nang malalim at pinilig ang aking ulo. Hindi kaya alam niya, na ako ang taong naging asawa ng kuya niya limang taon na ang nakakaraan. At saka, bakit ang aga ni Sir Apol ngayon? Hindi ba at t'wing nine o nine-thirty siya dumadating? "Hi, Stella!" bati ni Girly. Agad akong lumapit sa kaniya at napangiwi. "Girly, pasensya kana kung na-extend ka dahil sa akin." "No worries, Stella." "Bakit pala ang aga ni Sir Apol ngayon?" tanong ko at umupo sa pwesto ko. "Alam mo ito rin ang dahilan bakit ako na-extend. May-audit ngayon dahil sa nangyaring corruption sa company." "Audit?" "Oo—s**t! Andiyan na sila!" "Sila?" tanong ko at napatayo na rin. Napaawang ang labi ko nang sunod-sunod na naglalakad ang mga tila diyos ng griyego na mga kalalakihan. Hindi isa, hindi dalawa kundi pito! Pitong nagwa-gwapohang nilalang. "Sila ang Calientes brothers." Para silang mga modelo at halos walang maipintas sa panlabas na anyo. Ang isa ay parang iritable ang gwapong mukha, ang isa naman ay playboy na playboy ang datingan, ang isa ay badboy dahil sa hikaw sa tenga. Hindi naman nakaligtas sa mata ko ang isa na naka-suit at mukhang kagalang-galang. "Hi, Stella! Hi, Girly!" bati ni Sir Raegan. Ngumiti lang kami ni Girly. Sa huling dumating na Calientes ay halos tumakbo palapit ang puso ko dito. Nakasout ito ng polo na nakatupi sa braso medyo magulo ang buhok. Mukhang bagong gising rin ito dahil sa mata na parang nakapikit. "Shet," mura ko habang nakasunod ang tingin sa kaniya at halos abutin siya at pugpugin ng halik. Mas lalong tumindi ang kagustuhan kong bawiin siya tulad ng pinangako ko limang taon na ang nakakaraan. Tumaas ang sulok ng labi ko habang nakatitig sa kaniya. "Humanda ka sa 'kin, Thaddeus Calientes."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD