*** Dumiresto si Nathan sa opisina ni Gian dahil doon muna siya pinapapunta ng direktor. Pagpasok naman niya sa loob, bumungad sa kaniya ang balisang kaibigan. "Anong problema mo?" usisa niya saka niya isinara ang pinto. "Hali ka, maupo ka muna rito." Sumenyas si Gian na maupo muna siya sa sopa kaya naglakad siya patungo roon. "Nathan--" panimula nito pero kataka-takang 'di naman nito magawang maituloy. "Bakit ka ganiyan?" Nangunot na lang ang noo niya sa inaakto nito. "Balita ko, nakapili na kayo ng kapalit ni Camille? Sino ba? Okay ba siya?" "Tungkol doon, kahapon pa kita sinusubukang tawagan, pero hindi ka naman sumasagot—" "Sorry, masama kasi ang pakiramdam ko. Pero, bakit ba? Bakit ganiyan ang itsura mo?" tanong ni

