*** Ang tanging nais lang ni Abby ay ang mahanap ang babaeng 'yon para mapasalamatan. Pero, ngayon ay nababahala na siya dahil magkatrabaho na pala ang dalawa. Magkakilala na pala ang mga ito at ayon kay Noel, malapit na ring magkaibigan ang mga ito. Wala nga lang itong ideya si Nathan tungkol sa nangyari, at kung sino talaga si Janice sa buhay nito. Nang maaksidente kasi ang kaniyang anak, ilang araw ito bago nagkamalay. Nang magising naman, higit isang buwan ang nawala sa alaala nito, na mistulang nilaktawan lamang nito. Labis lamang ang pagtataka ni Nathan na naroon ito at may tinamong ilang gasgas. Ang babae kasi ang napuruhan nang gabing iyon, na ayon sa kaniyang nalaman noon, nagkaroon ito ng 'di pangkaraniwang kondisyon. Kaya marahil ay 'di nito nakilala ang

