[Pagpapatuloy...] Matapos ang dalawang pag-ring ay sumagot naman ito, "Good evening. This is Dr. Albert Rosales, speaking." "Napaka-formal mo naman. Ganiyan ka ba talaga sa mga pasyente mo?" bulalas niya. "Depende." Narinig niya ang pagngiti nito. "Nag-apply ka ba sa phone call theraphy namin? Do you know that rates apply sa pagtawag mo?" "Oo, alam ko. Hindi ka rin segurista, ano?" wika ni Nathan saka siya nag-adjust sa kinauupuan para makasandal sa headboard. "You can start now," sabi ng malumanay na tinig nito. "Tungkol ba ito sa mga bangungot mo, o tungkol sa pamamangka mo sa dalawang ilog?" Nanliit ang mata ni Nathan. Masyadong mamersonal ang doktor na ito. I-report niya kaya ito? Nagdesisyon siyang patawarin muna i

