[Pagpapatuloy...] *** Nasa kabilang hilera lamang ng lockers si Eunice at 'di sinasadyang marinig ang usapan ng tatlo. Ngayon, mas lalo pang sumiklab ang nararamdaman niyang pagkairita kay Janice. Nasa tapat siya ng locker at nakaharap sa salaming nakakabit sa pinto nito. Mabilis niyang pinasadahan ng orange lipstick ang labi niya habang naiisip kung paano ba niya muling makukuha si Nathan. Hindi niya talaga mahahayaang patuloy na mahulog ang lalaking iyon kay Janice. Kailangan na talaga niyang makagawa ng paraan. Kailangan nang muling bumalik sa kaniya si Nathan. Nang mapansin niya ang lalaking dumaan sa kabilang side ng locker, papalabas ng pinto, kaagad niya itong tinawag, "Nathan!" Mabilis niyang isinara ang locker niya saka patakbong lumapit sa l

