*** Considering na mataas ang standard ni Nathan pagdating sa music, na-enjoy niya ang panonood ng practice ng mga ito. Nakaka-high rin ang mataas na enerhiya ng grupo na sadya namang nakakahawa. Kahit mag-isa siyang audience, hindi niya maiwasang mapatayo at mapapalakpak sa mga ito. Kung nabigyan nga siguro ng pagkakataon ang grupo noon, baka hanggang ngayon ay sikat pa rin ang mga ito. In between breaks sa practice ay ang nakakuwentuhan niya ang mga magbabarkada. At dahil paepal siyang sadya, at aminado naman siya, hindi niya nakakalimutang makisingit sa mga usapan ng mga ito. Habang masayang kumakain sa meryendang ipinasok ng mom ni Hector, tila muli na namang nag-throwback ng memories ang magkakaibigan. "Oo, naalala ko 'yong audition sa Pinoy Talent,"

